Winwyn Marquez admits to dating her ex-boyfriend again

Umaasa si Winwyn Marquez na magkabalikan sila ng kanyang ex-boyfriend na isang flight attendant ng Philippine Airlines. “Siguro po kasi pag first boyfriend, hindi mo po mai-imagine na may kasama na ibang guy. Siguro for me, e, wala naman pong nanliligaw sa aking iba,” sabi ni Winwyn nang tanungin kung bakit nagdesisyon siyang makipag-date dito muli.


Itinanggi ni Winwyn Marquez na nagkabalikan na sila ng kanyang non-showbiz ex-boyfriend.

“Wala na kami before, back to dating naman, pero hindi pa kami,” sabi ni Winwyn.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Winwyn sa press launch ng upcoming weekly series ng GMA-7 na Dormitoryo kahapon, September 11, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Flight attendant sa Philippine Airlines ang ex-boyfriend ni Winwyn.

Twenty-four years old ito at mas matangkad kay Winwyn; 21 naman ngayon si Winwyn at 5’7 “ang height.

Nakilala na raw ng mga magulang ni Winwyn na sina Joey Marquez at Alma Moreno ang naturang lalaki.

“Siya lang po yung guy na na-meet ng parents ko. Siya po yung unang boyfriend ko pa lang,” sabi ng Kapuso talent.

Nag-break daw sila noon dahil sa kani-kanilang trabaho.

Kuwento ni Winwyn, “Yun nga po, FA siya, lagi siyang out of the country, out of town.

“Tapos ako, laging nandito sa GMA, so we don’t see each other, we don’t even talk.”

International at domestic flights daw ang biyahe ng guy.

“Kasi kulang ang crew ng PAL ngayon, e.”

DATING AGAIN. Dalawang taon silang nagkaroon ng relasyon at nag-break sila early this year lang.

Bakit sila nagdesisyong mag-date ulit?

“Siguro po kasi pag first boyfriend, hindi mo po mai-imagine na may kasama na ibang guy.

“Siguro for me, e, wala naman pong nanliligaw sa aking iba.”

Niligawan raw siya ulit ng ex niya kaya nakumbinsi siyang makipag-date ditong muli, at “back to zero” silang muli.

“Pati po sina Daddy, he sees to it pag dinner ng family, ini-invite siya. So, back to zero.”

Gaano na katagal nanliligaw ulit sa kanya ang ex-boyfriend niya?

“Matagal-tagal na siguro, hindi ko na binibilang. Busy-busy naman po kaming dalawa.

“Sana tuluy-tuloy para magkabalikan kami.”

Hanggang kailan niya bibigyan ng chance ulit ang ex niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Depende po.”

May chance?

“Oo naman po, opo! Pero masaya ako ngayon na nakakalabas, tapos nakaka-hang out.”

Hindi raw tumatanggap ng ibang manliligaw si Winwyn, at hindi rin daw nanliligaw ng ibang babae ang kanyang ex.

“Kilala ko po kasi yung parents niya,” sagot ni Winwyn nang tanungin kung sigurado ba siyang walang ibang nililigawan ang naturang lalaki.

“Kasi kakilala ko po siya, best friend po siya ng kuya ko.”



JOINING BINIBINING PILIPINAS. Si Winwyn ang pinakabagong talent ng Mercator Artist & Model Management ni Jonas Gaffud.

“Bahay” ang Mercator ng mga sikat na beauty queens tulad nina Venus Raj, Shamcey Supsup, Janine Tugonon, at ang kapapanalo lang na Miss World Philippines na si Megan Young.

At dahil maganda at matangkad si Winwyn, tiyak na isasabak siya ni Jonas sa mga beauty pageants. Pero hindi pa raw sa ngayon.

“Hindi pa po, ayaw pa po, hindi pa po nade-decide.

“In two years siguro, not anytime soon. Pero gusto ko talaga.

“Sabi po kasi ni Jonas, para pa daw akong bata. Kasi ayaw naman po niya akong isali.

“Gustung-gusto kong sumali, e. Pag sumali daw ako agad, mukha akong eng-eng doon!” tawa niya.

Dahil may plano siyang sumali ng Binibining Pilipinas, may mga limitasyon sa kanya, tulad ng bawal ang pagpapaseksi sa mga projects at bawal din sa kanya na mag-pictorial for FHM.

Wala rin naman din daw offer sa kanya ang FHM.

“Sinabi na din po sa akin ni Jonas iyon, na umiwas akong mag-bathing suit, iwas magpaseksi para makasali nga daw.”

Paano kung may offer sa kanya na isang indie movie na matindi, pang-award, pero seksi?

“No, I really wanna join Binibing Pilipinas,” sabi niya.

May pressure ba kay Winwyn na ang Mercator ay “home of beauty queens”?

“Opo, sobra-sobra! Lahat, pati si Megan nanalo, si Mutya, sa Mercator.”

Ang tinutukoy ni Winwyn ay si Mutya Johanna Datul, ang Pilipinang itinanghal na Miss Supranational 2013 na ginanap kamakailan sa Belarus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni Winwyn, “Natatakot na ako, pero confident naman po ako na kaya ko.

“The fact na masali lang po ako sa Binibining Pilipinas is something big na for me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN