Maxene Magalona says she and boyfriend Chino Copuyoc have "healthy relationship"

Nagsimula raw sa pagiging magkaibigan ang relasyon ni Maxene Magalona at ng current boyfriend niyang si Chino Copuyoc, isang Atenista. Sabi ni Maxene, "Yung best friend niya, yung kabarkada niya is the boyfriend of my sister [Saab Magalona]. I just see him as a friend and now..."


“I’m very happy.”

Ito ang sagot ni Maxene Magalona nang tanungin ni Arnold Clavio sa GMA News TV show nitong Tonight With Arnold Clavio noong Martes, September 10, tungkol sa kanyang “man of her life.”

Bati pa ni Maxene, “Hi Chino!”

Si Chino Copuyoc ang boyfriend ngayon ni Maxene.

Paano sila nagkakilala ng current boyfriend niya?

Kuwento ni Maxene, “Actually we’ve known each other since college.

"Tapos, yung best friend niya, yung kabarkada niya is the boyfriend of my sister [Saab Magalona].

"I just see him as a friend and now..."

Ano ang qualities ni Chino ang nagustuhan niya?

Sagot ni Maxene, "Ako naman kasi, never ko naman inisip yung requirement.

“Kumbaga, click kami and on top is destiny and we have a healthy relationship.

“Yun ang importante, di ba?"



PORK BARREL. Bukod sa pagiging actress and TV host ay nag-venture na rin si Maxene sa restaurant business, ang Yellow Halo na nagki-cater sa low-calorie meal.

Dahil isa sa napag-usapan ay tungkol sa food preparations na kasama ang karneng baboy, isiningit ni Arnold ang isyu tungkol sa pork barrel.

Ano ang masasabi ni Maxene tungkol dito?

“Sabi ko nga talaga, the people should be more aware.

"Hindi naman na puro showbiz na lang ang inaabangan ng mga tao, we should be more aware tungkol sa news and social issues.

"Yun, yung pork barrel, mas maganda sana yung old issue na ito ay makakatulong, pero ang nakakalungkot ay ang nangyari na hindi napunta [sa mga tao].

"Yun lang yun and the whole thing na nagkakadayaan. Siyempre, hindi maganda yun, di ba?" saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN