Jolina Magdangal wants firstborn to be a boy

Hindi pa alam ng mag-asawang Jolina Magdangal at Mark Escueta ang kasarian ng kanilang magiging anak, kaya naman tuluy-tuloy pa ang espekulasyon. Kuwento ni Jolina, “Nagbobotohan na sila, maraming bumuboto na babae, ‘Naku, babae ‘yan,’ sinasabi nila.”


Apat na buwan na ang nasa sinapupunan ni Jolina Magdangal nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong nakaraang linggo.

Sa panayam namin sa kanya sa dressing room ng Sunday All Stars (SAS), ibinahagi ng singer-actress ang mga kaganapan sa kanyang pagbubuntis.

Masayang ibinalita ni Jolina na ngayon lang siya nakakaramdam ng morning sickness.

Saad niya, “Actually, ngayon pa lang ako nagkaroon ng second trimester, pero feeling ko, doon lang yun sa bagong gamot na ipinainom sa akin, e.

“Kasi hindi ako uminom ng dalawang araw, hindi ako nasusuka, e.

“Pero wala ako noong mga nakakaamoy ng ginisa, tapos ayaw? Wala akong ganoon.”



CRAVING. May pinaglilihian ba si Jolina?

“Wala, wala pa, wala akong naging ganoon… hindi ko nga alam, e.”

Ayon kay Jolina, feeling niya ay mabait ang kanyang baby.

Pagmamalaki pa niya, “At saka malikot! Kasi nag-ultrasound kami noong isang araw, ang likot-likot niya, pero hindi ko pa nararamdaman.

“Hindi ko siya… di ba, sabi nila umaalon yung tiyan? Hindi ko pa nararamdaman.”

Excited na si Jolina na maramdaman ang mas maraming movement ng baby niya sa tiyan.

Kasi sa ngayon, hindi pa raw niya ito gaanong nararamdaman kaya parang gusto na niyang hilahin ang mga buwan para maramdaman ito nang todo.

“Korek ka diyan!” tawa ni Jolina.

Boy o girl ba ang magiging anak niya?

“Hindi pa, hindi ko pa… sa fifth month ko pa malalaman.”



BACK TO WORK. Puwede na ba siyang magtrabaho?

Giit ni Jolina, “Yes! May clearance na ng doctor, pinag-taping na nga ako nung soap, e.

“Oo, nakapag-taping na ako, nakaabot pa ako bago matapos [ang Mundo Mo’y Akin]. Nakakaloka, di ba?”

Okay ba ito sa mister niyang si Mark Escueta?

“Okay naman sa kanya, meron namang inilagay sa clearance na puwedeng mag-work, pero hanggang 10 p.m. lang.”

Bakit kailangang mag-bed rest si Jolina sa unang mga linggo o buwan ng pagbubuntis niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Kasi nag-spotting ako, hindi pa siya kapit. So, kailangang nakahiga.

“Ang tayo ko lang para umihi, tapos higa ako uli.

“Delikado pala pag first time mong magbubuntis, yung iba hindi ganoon, ako nagkaganoon.”

Ibig sabihin ipinagbabawal na rin sa kanya ng doktor ang magsuot ng may takong?

“Ngayon puwede na, oo, naghi-heels ako. Pero yung dinadala ko lang na heels ay yung kaya ko lang.

“Kasi may mga heels ako na kahit patakbuhin mo, kaya ko. May mga heels ako na hanggang nakatayo lang dapat, habang kumakanta.

“So, yung mga dala ko lang, yung ang tawag ko pang-harabas.”



RESTRICTIONS. Anu-ano ang mga bawal sa kanya?

“Bawal masyadong… yung upo niya alanganin… squat, bawal maglikot masyado.

“Yung pag-akyat at baba sa hagdan, puwede naman, pero ingat-ingat sa hakbang.

“Bawal coffee… e, mahilig akong mag-kape.

“Tapos, sa pagkain, bawal ang mga raw, e, mahilig akong mag-sushi.”



DAD TO BE. Kumusta naman si Mark? Gaano ito ka-excited?

“Excited siya na minsan naiisip niya na ngayon pa lang, kinakabahan na siya.

“Paano raw pag itinabi sa gitna namin, baka madaganan raw niya—kinakabahan siya sa thought na yun.

“Nakakatuwa si Mark, kasi basa siya nang basa… Nagbabasa ako ng mga books, pero mas mabasa siya, mas naka-monitor siya.

“Merong application sa phone, ‘What to expect,’ ‘yan ang lagi niyang binabasa.

“Tapos, alam niyang ini-email ito sa akin, ini-email pa rin niya.”

Ipinakita ni Jolina sa PEP ang hitsura ng baby niya sa loob ng kanyang sinapupunan sa graphic photo application ng phone niya.

“Week 17 na ako, so ‘eto na ang hitsura niya, ‘eto yung application na binabasa namin… Nag-i-email ito, e—ano na ang development, ano na yung mai-expect.

“Alam naman niya na nakakatanggap ako, ini-mail niya uli para lang sure na sure ako…

“Yung pagkain ko raw, ganito, ganyan,” natatawang kuwento ng Kapuso actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NO NAME YET. Wala pa raw naiisip na pangalan para sa magiging baby nila ni Mark si Jolina.

Gusto muna nilang malaman ang gender ng baby, saka sila mag-iisip ng ipapapangalan dito.

Naaaliw lang si Jolina dahil may mga iba’t ibang humuhula ng kung ano ang gender ng baby niya base sa kanyang aura ngayon.

Sabi niya, “Nagbobotohan na sila, maraming bumuboto na babae, ‘Naku, babae ‘yan,’ sinasabi nila.

“Mabibilang mo lang yung bumuboto sa lalaki, at isa ako sa mga bumuboto sa lalaki.

“Si Mark, gusto niyang babae.”

Susundan ba nila agad kapag naka-isang taon na ang baby nila?

Sabi ni Jolina, “Depende kung ano ang magiging experience ko sa panganganak.

“Kung medyo mahirap… kasi merong nanganganak, CS [caesarean section] na nakaka-recover agad.

“Kung ako hindi, baka hindi agad-agad.

“Maliit pa, e. Gusto ko nga, i-remind yung doctor na, ’Gusto ko po hindi CS, ha? Ayaw ko ng may sugat.’”

Sa estado ni Jolina ngayon, pahinga muna siya sa paggawa ng mga teleserye, at sa Sunday All Stars lang muna ang trabaho niya.

Wala pang stretchmarks si Jolina na kinatatakutan niya.

“Wala pa kasi maliit pa, e. Naku, huwag naman sana!

"Sabi nila, pag seven months, bigla raw lalaki.”



SET ASIDE. Naibalita ni Jolina bago siya nagbuntis na plano na nilang magpagawa ng bahay ni Mark.

Sa kalagayan niya ngayon ay na-delay muna ang planong ito.

Sabi niya, “Baka next na lang, kasi gusto ko tutok rin ako doon, ayaw kong ipaubaya sa iba, e.

“Sayang nga, e, sana nagawa na namin yun bago ako nabuntis, pero hindi, matagal na naming inaasahan ito [magkaanak].

“Baka gusto rin ng baby ko na kasama siya sa pagpaplano at pagpapagawa ng bahay hanggang sa paglipat!”


BABY GIFTS. May mga natatanggap na ba siyang regalo para sa kanyang magiging anak?

“Ay, oo. Like noong nag-guest ako kay Gladys Reyes, yung Moments.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May stroller na ako, carrier, yun ang token niya. May mga nagbibigay na rin ng damit.

“Pero yung nai-enjoy ko, like si Kyla, si Sunshine Dizon, Angelika dela Cruz, sina Ate Reg [Regine Velasquez], Ate Jaya—nagbibigay sila ng mga advices na pang-nanay.

“’O, ‘eto ang gawin mo, ha? Ganito-ganyan...’ yun ang ini-enjoy kong pakinggan.

“Kasi from experience na itong sinasabi nila sa akin, totoong naranasan, hindi yung sa libro lang.

“Pero totoo pala, iba-iba ang pagbubuntis ng mga babae.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN