Mark Herras on winning back ex-girlfriend Ynna Asistio: “Hindi, hindi ko muna siya liligawan. Hindi ko rin siya nililigawan ngayon.”

Ipinapangako ni Mark Herras na pagbubutihin na niya ang kanyang trabaho sa GMA-7. Sabi niya, “So this time, parang tama na, tama na yung mali kong ginagawa sa GMA. Kasi, baka mapagod silang bigyan ako ng chance to prove yung worth ko sa trabahong ito.”


Kapansin-pansin ang malaking effort ni Mark Herras sa bawat performance niya nitong mga nakaraang linggo sa Sunday All Stars ng GMA-7.

Hindi na ito katulad noong mga pahahong nawala si Mark dulot ng pinagdaanan nitong breakup sa kasintahang si Ynna Asistio.

Marami ang nakapunang mas ganado ang dancer-actor na mag-participate sa musical variety show.

Sa tuwing makukuha ng grupo niyang Tropang Trending ang panalo, palaging banggit si Mark bilang isa sa mga factors kung bakit lumutang ang performance ng kanilang grupo.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark last Sunday, September 8, sa dressing room ng grupo nila matapos ang airing ng SAS.

Tinanong namin kung malaki nga ba ang nagawa ng pinagdaanan niya sa lovelife kaya nagkaroon siya ng panibagong drive.

Nakangiti niyang sagot, “Siguro nga kailangan na.

“Ang mali ko lang talaga hindi ako nagpaka-professional sa trabaho ko.

“Honestly speaking… well, lahat naman ng tao dumadaan sa problema.

“Yung sa akin, parang hindi ko siya hinarap bilang lalaki na nagpa-apekto ako nang husto na pati yung trabaho ko, napabayaan ko.”


EFFECT OF BREAKUP. Dumating ba siya sa point na gusto na niyang lisanin ang showbiz?

“Ay, hindi naman,” diing tanggi niya.

“I needed a rest lang talaga for myself, emotionally, physically—kailangan ko lang talagang magpahinga.

“Actually, two weeks lang ang ibinigay sa akin ng GMA, and pati nga sa Sunday All Stars, two weeks lang yung ibinigay na pahinga sa akin, and then after that, okay na.”

Nagkakausap na ba sila ni Ynna?

“Yes, yes!” bulalas niyang pag-amin.

“Actually, after the breakup, twice na kaming nakakalabas… as friends.

“Kaya nga iniisip ng tao, ‘Bakit ganoon? Lumalabas na naman yung dalawa? Magkakabalikan ba yung dalawa?’

“Actually, wala naman kaming sinabi, we’re not closing our doors na walang possibility.

“Pero as of now kasi, she’s busy with ABS and ako naman, after kong makabalik from heart problem, kahit wala pa akong regular show sa GMA, pero still, I have regional shows lalo ngayong darating na buwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-text nga sa akin yung handler ko, ‘O, gusto mo, oo-han mo lahat ito.’ Siguro lagpas sampung regional shows.

“Sabi ko, ‘Sige, game! Habang wala pa akong regular show.’

“I’m doing a lot of guestings din sa GMA, nag-guest ako sa Anak Ko Yan!” banggit niya sa reality show ng mga mag-iina hosted by Jennylyn Mercado.

“Nag-guest rin ako sa Maynila and almost every Saturday, nasa Eat Bulaga! ako.

“Tapos, kakatapos lang namin na mag-shoot ng indie film with Direk Joven Tan, ‘eto yung Morgue.

“I mean, kahit paano, kahit sabihin natin ang kailangang artista sa GMA- 7, dapat regular show.

“Pero kung ganito rin naman yung schedule ko na parang regular show, happy rin naman ako.

“’Eto pa, may Sunday All Stars ako, at least, nabibigyan ko siya ng panahon.”


MORE FOCUSED. Mas maganda pala na wala siyang lovelife dahil mas nakakapag-focus siya?

Sang-ayon namang sabi ni Mark, “Actually, sabi nga namin ni Ynna noong nag-usap kami, ‘Siguro ‘eto ang gusto ni Lord, na kung before gusto nating matupad yung mga pangarap natin together, parang ‘eto yung gusto niya na hindi tayo magkasama.’

“I mean, career-wise, hindi naman naghahatakan, e.

“Pero siyempre, may mga limitations na nagagawa. Ako kasi, very, very conservative ako before pa naman.

“Parang masyado kong nahu-hold back si Ynna sa gusto niyang marating.

“So ngayon, nag-uusap kami na, ‘Ayan na, ‘eto na tayo.’”

AGREEMENTS. Okay lang ba kay Mark na mag-FHM si Ynna, mag-kissing scene, bed scene sa mga gagawin niyang projects sa ABS-CBN?

“Actually, wala na akong right to tell her na, ‘Oh, don’t do that, don’t do this,’ di ba? Yun ang sinasabi ko sa kanya.

“Pero kapag nag-uusap kami minsan, parang bigla akong mangingialam sa kanya, ‘Oy, sorry, sorry. Wala na pala akong right sa iyo.’

“Actually, mas okay na yung sitwasyon namin ngayon…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi siya okay na naghiwalay kami, pero kasi normally, pag naghiwalay kayo sa five years relationship ninyo, parang imposible na maging okay kayo sa mabilis na panahon.

“Siguro sa stage rin naman ni Ynna, maganda naman yung pinagsamahan naming dalawa.”

Exclusive pa rin ba sila sa isa’t isa?

Puwede na bang magpaligaw sa iba si Ynna at si Mark naman ay puwede nang makipag-date sa ibang babae?

“Actually, wala naman kaming sinabi na, ‘O, hindi ka puwedeng makipag-date at ako hindi rin puwedeng makipag-date.’

“Pero sinasabi namin sa isa’t isa na, ‘Basta ako, ayaw ko munang pumasok sa ibang relationship.’


ANOTHER CHANCE. Nagbalik-tanaw si Mark sa mga dating nagawa niya na nakaapekto sa hindi nila pagkakaintindihan ng GMA-7 management.

Lahad niya, “Gusto ko munang ayusin lahat. I mean, ‘eto na naman, nabigyan na naman ako ng chance ng GMA.

“Parang ilang beses na akong binibigyan ng chance na GMA pero nakakagawa pa rin ako ng mali.

“So this time, parang tama na, tama na yung mali kong ginagawa sa GMA.

“Kasi, baka mapagod silang bigyan ako ng chance to prove yung worth ko sa trabahong ito.”

Ibig sabihin hindi niya na muna liligawan si Ynna?

“Hindi, hindi ko muna siya liligawan. Hindi ko rin siya nililigawan ngayon,” diin ni Mark.


STIFF COMPETITION. Inusisa naman ng PEP ang tungkol sa isyung kamuntik na raw silang magkapikunan ni Aljur Abrenica sa isang nakaraang episode ng SAS.

Nagbiro raw ng yabang si Mark nang muling manalo ang grupo niya kaya bumato rin daw ng patama si Aljur sa kanya.

Natawa si Mark sa isyu at saka naglinaw, “Wala, nagkaka-alaskahan lang na ang dating sa tao, parang, ‘eto si Mark, sasagot kay Aljur at ‘eto si Aljur, sasagot rin kay Mark—alam mo yun?

“I mean, both sides na yung mga fans namin ni Aljur, sinasabing nag-aaway raw, hindi naman talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’re good friends ni Aljur, talagang okay kami… pinapalala lang ng iba para sa show, at naging maganda naman yung hatak ng tao.

Giit pa niya, “Wala, wala kaming pikunan, friends talaga kami.”

Hindi raw sila aabot ni Aljur sa physical fight dulot ng pikunan nila.

“Hindi, hindi kami aabot sa ganoon. Last week nga, kung nakita ninyo kami sa festival, naghaharutan kaming dalawa.

“After the VTR, intense kasi yung plug ng Sunday All Stars pero pag nakita ninyo kami off-cam, naghaharutan kaming dalawa,” dagdag pa niyang paglinaw.


RESHUFFLE. Samantala, ngayong Linggo magsisimula sa Sunday All Stars ang labanan para sa mga nare-shuffle na members mula sa iba’t ibang competing teams.

Ang mga teams na magtutunggali ay binubuo ng Ligang iLike, Tropang Trending, Tweet Hearts at Instagang.

Mula sa grupong Tropang Trending, nalipat na si Mark Herras sa Insta Gang kung saan siya ang leader.

Sa dating kinabibilangang grupo ni Mark na Tropang Trending na nakakuha ng magkakasunod halos ng pitong panalo, malaking challenge sa kanya ang maipanalo ang kanyang bagong team.

“Oo nga, e, medyo ganoon nga ang magiging trabaho ko.

“Pero with the help of my co-members, sana maitawid na nang maayos, magustuhan ng mga tao yung performance namin at sana manalo kami,” pangwakas niyang panalangin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN