Renz Fernandez cites "individual differences" as cause of breakup with Maxene Magalona

Unang teleserye ni Renz Fernandez sa Kapuso network ang Prinsesa Ng Buhay Ko, kung saan gaganap siya bilang ka-love triangle nila Kris Bernal at Aljur Abrenica.


Unang napanood bilang Kapuso si Renz Fernandez sa “Lubog Sa Putik” episode ng drama anthology na Magpakailanman. Ngayon ay lalabas naman siya sa kanyang kauna-unahang teleserye sa GMA-7, ang Prinsesa Ng Buhay Ko.

Siya ang gaganap na karibal ni Aljur Abrenica para sa pag-ibig ni Kris Bernal.

Paglalarawan ni Renz sa kanyang role, “Sa story, half-brother ko si Aljur. Mai-in love ako kay Kris Bernal.

“Dun na iikot ang istorya at lahat ng pangyayari, mag-a-unfold.

“Magkahalong comedy at light drama ang tema nito.

“Pero yung character ko, medyo seryoso ang dating. Edukado na mayaman, sanay sa luho, gano’n.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Renz sa presscon ng Prinsesa Ng Buhay Ko kagabi, September 12, sa 17th floor ng GMA Network Center.



PRESSURE. Si Renz ang bunso sa dalawang anak na lalaki ng aktres na si Lorna Tolentino at ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez.

May pressure bang hatid kay Renz na parehong magaling na artista ang mga magulang niya?

Sagot niya, “Wala naman. Kasi ako naman ang may gustong mag-artista rin.

“Kumbaga, mapi-pressure ba ako na gusto ko naman ang ginagawa ko?”

Pero yung expectation na mapantayan ang kahusayan ng mga magulang niya bilang mga artista?

Sabi ni Renz, “Hindi ko inisiip ‘yan. Kasi ako, kung ano lang ang ma-contribute ko, okey na ako dun.

“Wala akong kumpetisyon kundi sarili ko.

“Kung meron mang mataas ang expectation sa akin as an actor, ang masasabi ko na lang diyan, salamat.

“Si Mama, laging sinasabi sa akin, ‘Gawin mo kung ano ang gusto mo. Pagdating sa trabaho, be very sincere and truthful.’”

Bago raw siya nagdesisyong sumabak nang tuluyan sa pag-arte, nag-undergo muna raw si Renz ng acting workshops.

“Importante kasi ‘yon, e. Malaki ang naitutulong ng pagwu-workshop sa mga baguhang artista na gaya ko,” sabi niya.



KRIS AND ALJUR. How is it working with Kris?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napakaayos… Kasi, unang-una, ang ganda ni Kris. Tapos pangalawa, magaling siya, mahusay umarte.

“Yung mga mata niya, kapag tinitingnan ako, parang sincere na sincere. Soulful yung mata niya, e.

“So, nadadala niya ako na umarte. Natutulungan talaga niya ako.”

How about Aljur?

“Madali siyang makatrabaho, madaling kausap. Napaka-blessed ko na makatrabaho siya.”



SEXY IMAGE. Guwapo at matangkad si Renz. Gaya ng kanyang yumaong ama na si Rudy, malakas din ang kanyang appeal o karisma.

Open ba siya sakaling may offer na mag-pictorial siya nang sexy sa isang magazine, gaya ng ginagawa ng kilalang hunks sa Cosmo?

“Magpapa-macho muna ako,” sabay ngiti niya. “Kulang pa kasi, e.

“Nagdyi-gym ako, pero matagal bago ko siguro ma-achieve yung built ng katawan na gusto ko.”

Kapag sa tingin niya ay macho na siya, game na siya na magpakita ng katawan?

“Oo ba! Kung talagang handa na ako, bakit hindi?” sagot ni Renz.

What about doing sexy scenes?

“Kung may offer na ganyan at maganda yung script, maganda yung kalalabasan, willing na willing po ako.

“Dahil gusto ko pong mag-acting nang mag-acting, para gumaling din ako nang gumaling.”

Hanggang saan ang limitasyon kung daring o maseselang eksena ang pag-uusapan?

Sabi ni Renz, “Basta walang exposure ng private parts.

“Kung kissing scenes naman o love scenes, depende na lang ‘yon sa istorya.”



MAXENE MAGALONA. Nangiti naman si Renz nang matanong tungkol sa ex-girlfriend niyang si Maxene Magalona.

Hindi pa rin malinaw kung ano ba talaga ang naging dahilan ng paghihiwalay nila, kaya tinanong ng PEP si Renz tungkol dito.

Sagot niya, “Individual differences. And mutual naman na na-realize namin na hindi kami meant para sa isa’t isa.

“So naisip namin, ano na lang… let’s go on our separate ways.”

Four months pa lang ang nakararaan mula nang mag-break sila ni Maxene, pero may bago nang boyfriend ang actress-TV host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Renz, naka-move on na rin ba agad-agad gaya ni Maxene? How is he now?

“Very good!” bulalas niya.

“And… friend naman kami sa ngayon. Oo, naghiwalay kami na in good terms.”

May bago siyang nililigawan ngayon?

“Wala pa, e. Trabaho muna. Wala pang dumarating.”

Sa susunod niyang pakikipagrelasyon, gugustuhin ba niyang non-showbiz na lang ang kanyang maging girlfriend o taga-showbiz pa rin?

“Kahit ano… basta mapagmahal,” nakangiting sabi ni Renz.

Anong qualities ang hanap niya sa isang babae?

“Gusto ko yung simple lang, down to earth. Tapos yung matalino, maganda, humble… strong ang spiritual foundation.

“At saka yung talagang maalaga.”



POSSIBILITIES. Bagamat nauugnay ngayon si Kris Bernal kay Carl Guevara ay sinasabi nilang hindi pa sila.

Kung halimbawang maging malapit si Renz kay Kris at kalaunan ay mahulog ang loob sa isa’t isa, ano ang gagawin ni Renz?

“A, e di gano’n. Kung gano’n ang mangyayari!” nangiti niyang sabi.

“Siyempre hindi naman natin alam yung future, e. Pero kung anuman yung lumabas, e, di iyon ang lumabas.”

Ano ang magandang katangiang nakikita niya kay Kris na pasok sa qualifications niya ng ideal girlfriend?

Sagot ni Renz, “Lahat ng mga katangiang nasabi ko kanina, karamihan dun, nasa kanya naman.”

First time lang nilang magkatrabaho ni Kris, pero at ease na raw siya rito. Hindi na sila nagkakailangan pa.

“Kasi medyo nakilala na namin ang isa’t isa nung nag-workshop kami, e. So, wala nang ilangan pagdating sa trabaho.”



IS LT LOVELESS? Ang ina naman ni Renz na si Lorna Tolentino ay wala pang nababalitang bagong pag-ibig mula nang pumanaw si Rudy. Gusto rin ba nila ng kapatid niyang si Ralph na manatiling loveless ang kanilang ina?

“Hindi naman loveless si Mama, a! Sinong nagsabing loveless siya?” natatawang sabi ni Renz.

Dagdag niya, “Love-full siya, kasi nandito kaming mga anak niya, e!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw na nilang magka-boyfriend o mag-asawa ulit ang Mama nila?

“E, kung saan masaya si Mama, dun din ako masaya.”

Hindi na ba mag-aasawa ulit ang kanyang ina?

“Baka! Hindi natin alam. Basta kung ano ang magpapasaya sa kanya, dun din kami.

“Kung saan siya masaya, hindi kami kokontra,” sabi ni Renz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN