Julia Barretto on controversies involving the Barrettos: "I grew up dealing with this stuff. Hindi na siya bago sa akin."

Aminado si Julia Barretto na kung minsan ay below-the-belt na ang mga akusasyong ibinabato sa kanyang ina na si Marjorie Barretto at sa ibang mga kaanak niya. Sa kabila nito ay natutunan daw niyang huwag nang magpaapekto sa intriga. Ani Julia, “There are so many comments sa Instagram that we don’t even monitor it anymore. Actually, why do we have to monitor it when we can focus on the positive?”


Ayaw nang makisali ni Julia Barretto sa away ng kanilang pamilya.

Hindi kasi maiwasang hingan ng reaksiyon ang Kapamilya teen star sa gitna ng sigalot sa pagitan ng Barretto sisters na sina Gretchen, Marjorie, at Claudine.

Si Julia ay anak ni Marjorie sa ex-husband nitong si Dennis Padilla.

“Kasi there are some instances na hindi naman talaga ako involve,” paunang pahayag ni Julia nang makapanayam siya ng entertainment press sa Teen Week PH media launch ng Unilever na ginanap sa Sky Lounge, Bonifacio Global City, Taguig kagabi, September 13.

“Actually, sa mga nangyayari these past few months, these past few days, I’m not really involved. I’m not gonna be the one to answer that.

“Siguro kung may itatanong kayo, siyempre sila kasi mas may masasabi sila about it.

“Ako naman, I’m busy with my own career. Yun lang maa-answer ko talaga kasi I don’t know anything.”



ENDLESS FEUD. Ganunpaman, aminado si Julia na kung minsan ay nasasaktan din siya dahil hindi na natapos-tapos ang problema sa kanilang pamilya.

Nagsanga-sanga pa nga dahil pati ibang isyu nila Gretchen, Claudine, at Marjorie ay nadadamay sa mga kontrobersiya.

Nariyan ang iringan ng mag-inang Inday at Gretchen; ang pagkampi ni Gretchen sa estranged husband ni Claudine na si Raymart Santiago; at pati si Marjorie ay hindi nakaligtas sa pang-iintriga ng ilang bashers kamakailan.

Saad ni Julia, “I’m human. Naapektuhan ako.

"Pero after some time, you realize it’s not actually for you to handle. Hindi mo problema.

“Battle ito against, you know, the sisters or whatever they’re going through. So, pabayaan na lang sila.”



FALSE ACCUSATIONS. Ngunit pati ang kapatid ni Julia na si Claudia ay nadawit din sa pangba-bash ng ibang followers ni Marjorie sa Instagram.

A few weeks ago ay naiulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang palitan ng mensahe ni Marjorie at ilang bashers na tinawag siyang “social climber.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Read: Marjorie Barretto refutes that Tonyboy Cojuangco pays for her daugter’s tuition)

Pilit ding sinasabi ng mga basher na kumukuha si Marjorie ng pambayad ng tuition ni Claudia kay Tonyboy Cojuangco, na longtime partner ni Gretchen.

Ilan lang ito sa mga negative comments tungkol sa kanila na kumakalat sa Instagram at iba pang social media networks.

Pero para kay Julia, hindi na dapat nila pagtuunan ng pansin ang anumang intriga, lalo pa’t kung wala namang basehan.

“There are so many comments sa Instagram that we don’t even monitor it anymore. Actually, why do we have to monitor it when we can focus on the positive?” sabi niya.

Sa edad na 16 ay maituturing na napakabata pa ni Julia para harapin ang ganitong klaseng isyu.

Pero ayon sa kanya, walang dahilan para umiwas siya dahil lumaki siya sa angkan ng mga artista.

“Hindi naman. I grew up dealing with this stuff. Hindi na siya bago sa akin. I believe it’s part of the industry.

"There’s nothing to worry about. Alam mo naman yung totoo, di ba?”



MOMMY’S GIRL. Samantala, masayang ibinahagi ni Julia na madalas silang magkasama ng kanyang ina na si Marjorie ngayon dahil dalawang linggo itong nagkasakit.

Kaya naman kung wala rin lang siyang trabaho ay diretso na siyang umuuwi para makasama ang ina.

Gabi-gabi ay magkatabi pa raw silang matulog.

“My mom and I are super close. As in best friend ko siya, nasasabihan ko siya ng anything. Kaya now that she’s sleeping with me, I’m super happy.

“I’m just always there for her. I’m proud of her. I just make her feel na I’m gonna be there no matter what.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN