Rocco Nacino on Lovi Poe: “‘Yan yung isang taong ayaw kong mawala sa buhay ko dahil special siya sa akin.”

Rocco Nacino on current status of relationship with Lovi Poe: “We’re happy with how things are right now. And…yeah! Taking it easy. That’s the important thing na parehas kaming masaya sa ginagawa namin and kung ano kami ngayon. We’re enjoying.”


May kakaibang ngiti si Rocco Nacino kapag ang usapan ay tungkol na kay Lovi Poe at sa kanilang samahan.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rocco nitong nakaraang Linggo, September 8, sa artists hallway ng Sunday All Stars, inamin naman niyang kuntento naman sila sa pagiging friends ng leading lady niyang si Lovi Poe sa teleseryeng Akin Pa Rin ang Bukas.

Saad pa ni Rocco, “We’re happy with how things are right now. And…yeah! Taking it easy. That’s the important thing na parehas kaming masaya sa ginagawa namin and kung ano kami ngayon.

“We’re enjoying.”

Base sa interview namin dito sa PEP kay Lovi, sinabi ng aktres na hindi naman daw nanliligaw sa kanya si Rocco kaya wala siyang masyadong masasabi tungkol sa kanilang dalawa.

Umamin naman si Rocco, “Oo,” kasunod ang bitaw niyang birong “Should I start?” saka humalakhak.

“Ahm, dahil may mga rason rin na... katulad nung…given a chance, why not? Di ba?

“Kasi ang dami kong ginagawa, ang dami niyang ginagawa. Pareho kaming busy.

“Masaya kaming ganito. Let’s keep it this way. Let’s see how it goes, parang ganon.”

Sinabi naman ni Lovi na special sa kanya si Rocco. Sinagot naman ito ng morenong aktor.

“She’s special to me also. And sinabi ko naman sa kanya na may pagtingin ako sa kanya,” pag-amin ni Rocco.

Ano ang naging reaksyon at sinabi ni Lovi?

Ngumiti uli si Rocco at saka sinabing, “Nag-smile.”

Anong naramdaman mo nung ngumiti si Lovi?

“Ahm, alam mo na yun na…siyempre, natuwa ako na okay lang sa kanya na humahanga ako sa kanya,” paliwanag niya.

Nakikiramdam ka lang ba kung puwede mo na ba siyang ligawan para hindi ka mabasted agad?

“I don’t know. Hindi ko rin masasagot e. Ganun kami e. Chill lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But then, tamang timing lang... tamang timing siguro,” dagdag pa niya.

May intensyon ka bang ligawan si Lovi?

O kaya hindi mo muna siya gustong pormahan dahil kailangan kunin muna ang kanyang atensyon pati ang kanyang pagtitiwala?

“Ahm, we can put it that way. But then, I can’t, she can’t dahil ang dami naming ginagawa.

“But if given a chance, why not? Yun nga.”

Sinasabi naman ni Rocco na kuntento muna siya sa pagiging malapit nilang magkaibigan ni Lovi.

Nagpapasalamat si Rocco sa favorable treatment sa kanya ni Lovi at sa mga positive comments nito sa mga interviews nito sa press.

“That’s nice. I feel special if you ask me kung ano ang nararamdaman ko? Yun nga... I feel special.”

Gaya nang komento ni Jake, natatanging babae raw talaga si Lovi at nanghihinayang siya nang hindi sila nito nagkatuluyan.

Manghihinayang ka rin ba kung hindi rin kayo magkatuluyan ni Lovi?

“Of course, yan yung isang taong ayaw kong mawala sa buhay ko dahil special siya sa akin,” pangwakas niyang pag-amin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN