LJ Reyes on her role in Prinsesa Ng Buhay Ko: “Malandi na atribida pilingera.”

LJ Reyes on her "malandi" role in GMA-7’s new teleserye Prinsesa Ng Buhay Ko: “Actually natatawa nga ako sa character ko, e. Natatawa nga kami ni Direk kasi kailangan ganyan-ganyanin ko si Aljur, himas-himasin ko ganyan... iki-kiss ko si Aljur. Natatawa talaga kami. Basta maharot, malandi...ganyan yung role ko, nakakatawa, natatawa sila sa akin kasi before mag-take itatawa ko muna, ’tsaka kami magti-take.”


Hindi man aminin ni LJ Reyes ay bakas sa mukha at sa tono ng pananalita nito na may pinagdadaanan sila ni Paulo Avelino.

Kaya naman kahit anong pilit dito tungkol sa kumakalat na balitang hiwalay na sila ay tikom pa rin ang bibig nito.

Sabi nga ni LJ sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong makapanayam namin siya sa prescon ng Prinsesa Ng Buhay Ko sa GMA-7 Studios kamakailan, “Sabi ko nga, sasagutin ko ’yan pag binigyan ako ng chance ng manager ko [Perry Lansigan] magsalita, sasagutin ko yan.

“Pero sa ngayon hindi pa talaga.

“Alam mo sumagot man ako o hindi, laging may tanong, hindi nauubos ’yan.

“Kasi pag sinagot ko ang isang tanong after that may tanong na naman, so hindi talaga nauubos ang tanong at laging may bago.

“So, hindi ko na sasagutin para yun at yun pa rin ang itatanong niyo. Hahahaha!

“Sa kahit ano mang tsismis, kailangan tahimik ka lang kasi kung seseryosohin mo lahat bawat tsismis na ibabato sayo, e baka tumanda ka kaagad.

“Di ba baka pumuti lahat ng buhok mo, laugh it off.”

Kumusta kayo ni Paulo?

“Okay naman. Yun lang. Okay din naman ako,” matipid niyang sagot.

Pero sino ang nagpapasaya sa ’yo ngayon?

“Si Aki, yung anak ko,” sabi ni LJ.

If ever ba na gustong mag-artista ni Aki pag laki niya, papayagan mo?

“Actually ako naman pinalaki ako ng mom ko na hindi niya ako pinigilan sa kung anong gusto kong gawin, and I like to be like that to my son as well.

“Kung gusto niya mag-artista e, di sige, pero kailangan ’wag niya pababayaan yung studies niya,” paliwanag ni LJ.

ROLE. Anong role mo sa Prinsesa Ng Buhay Ko?

“Malandi na atribida pilingera.

“Actually natatawa nga ako sa character ko, e. Natatawa nga kami ni Direk kasi kailangan ganyan-ganyanin ko si Aljur, himas-himasin ko ganyan... iki-kiss ko si Aljur. Natatawa talaga kami .

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta maharot, malandi... ganyan yung role ko, nakakatawa, natatawa sila sa akin kasi before mag-take itatawa ko muna, ’tsaka kami magti-take.

“I worked with them so many times already, they are friends of mine, so di na kailangang mag-adjust.

“Ang naging adjustment na lang sa set is yung director-artist relationship na okay naman.

“And si Renz [Fernandez], first time namin kasi siya makatrabaho,” kuwento ni LJ.

Pinaghandaan mo ba yung role mo sa Prinsesa ng Buhay Ko?

“Oo naman, lahat naman kasi ng character na ibigay sa ’yo, you have to prepare for it.

“Ako naman kasi kinakausap ko kasi yung director o yung script writer kung ano yung gusto nilang makita dun sa character na ipu-portray ko,” dagdag niya.

Gaano ka katagal nagpahinga bago ka nabigyan ulit ng soap?

“Siguro seven months yung last ko kasi Aso Ni San Roque.

“After Aso ni San Roque, I did Bayan Ko sa GMA News TV11,” pahayag pa niya.

BALANCING WORK AND MOMMY ROLES. Paano mo nababalanse ang oras mo sa trabaho at sa baby mo?

“Hindi na ako tutulog. Hahahaha! Pero okay naman, I mean I love my son, kahit hindi na ako matulog I do everything para sa kanya.

“And I love my job, I love acting,” giit niya.

Paano mo pinaghahati ang oras mo?

“Alam mo pinagdarasal ko na lang talaga na umabot ako na gising pa siya at umaabot naman ako, kasi natatapos ako sa taping ng 6:30 [am] tapos takbo na kaagad ako sa bahay para maging nanay naman.”

May mga time ba na kapag nasa taping ka na nami-miss mo yung son mo at gusto mo siya makita?

“Oo naman, meron na namang technology ngayon na puwede ko siya makita... may Skype, may video call, may pictures ka naman sa phone, may videos ka naman.

So minsan kapag nasa set ka, nagsa-Skype kayo ng baby mo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, pag gusto ko siya makita at nami-miss ko siya,” pagtatapos ni LJ.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN