Aljur Abrenica denies being "sexually exploited" and being forced to bare in Sunday All Stars: “Hindi po totoo ’yan!”

Sunday All Stars: “Hindi po totoo ’yan!”" data-url="https://www.pep.ph/news/40348/aljur-abrenica-denies-being-sexually-exploited-and-being-forced-to-bare-in-sunday-all-stars-hindi-po" data-desc="Aljur Abrenica names girlfriend Kylie Padilla as his "Prinsesa Ng Buhay Ko."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9af966201.jpg"> Sunday All Stars: “Hindi po totoo ’yan!”" data-url="https://www.pep.ph/news/40348/aljur-abrenica-denies-being-sexually-exploited-and-being-forced-to-bare-in-sunday-all-stars-hindi-po" data-desc="Aljur Abrenica names girlfriend Kylie Padilla as his "Prinsesa Ng Buhay Ko."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9af966201.jpg"> Sunday All Stars: “Hindi po totoo ’yan!”" data-url="https://www.pep.ph/news/40348/aljur-abrenica-denies-being-sexually-exploited-and-being-forced-to-bare-in-sunday-all-stars-hindi-po" data-desc="Aljur Abrenica names girlfriend Kylie Padilla as his "Prinsesa Ng Buhay Ko."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9af966201.jpg">

Sunday All Stars: “Hindi po totoo ’yan!”" data-url="https://www.pep.ph/news/40348/aljur-abrenica-denies-being-sexually-exploited-and-being-forced-to-bare-in-sunday-all-stars-hindi-po" data-desc="Aljur Abrenica names girlfriend Kylie Padilla as his "Prinsesa Ng Buhay Ko."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9af966201.jpg"> Sunday All Stars: “Hindi po totoo ’yan!”" data-url="https://www.pep.ph/news/40348/aljur-abrenica-denies-being-sexually-exploited-and-being-forced-to-bare-in-sunday-all-stars-hindi-po" data-desc="Aljur Abrenica names girlfriend Kylie Padilla as his "Prinsesa Ng Buhay Ko."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9af966201.jpg"> Sunday All Stars: “Hindi po totoo ’yan!”" data-url="https://www.pep.ph/news/40348/aljur-abrenica-denies-being-sexually-exploited-and-being-forced-to-bare-in-sunday-all-stars-hindi-po" data-desc="Aljur Abrenica names girlfriend Kylie Padilla as his "Prinsesa Ng Buhay Ko."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9af966201.jpg"> Sunday All Stars: “Hindi po totoo ’yan!”" data-url="https://www.pep.ph/news/40348/aljur-abrenica-denies-being-sexually-exploited-and-being-forced-to-bare-in-sunday-all-stars-hindi-po" data-desc="Aljur Abrenica names girlfriend Kylie Padilla as his "Prinsesa Ng Buhay Ko."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9af966201.jpg">

Aljur Abrenica on allegation that he and other male stars in Sunday All Stars are "sexually exploited" by being forced to bare their bodies: “Hindi po totoo ’yan! Wala pong katotohanan yun. Hindi po totoo na pinagsasamantalahan po ng SAS yung pagkakataon na paghubarin kami, hindi po. Kasi bawat isa po sa amin meron po kaming sariling desisyon, free will, kung gusto naming gawin ang isang bagay o hindi. Yung paghuhubad po namin dun, nagk


“Si Kylie,” ang mabilis na sagot ni Aljur Abrenica nang tanungin kung sino ang huli niyang sinabihan ng ‘Ikaw ang prinsesa ng buhay ko!’

“Hindi ko na maalala kung kailan, pero ang alam ko siya ang huli,” pagtukoy pa ni Aljur sa girlfriend na si Kylie Padilla nang nakausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nangyari ang panayam noong Huwebes ng gabi, September 12, sa 17th floor ng GMA Network Center, sa presscon ng Prinsesa Ng Buhay Ko, na pinagbibidahan ni Aljur at ni Kris Bernal.

Ang sinagot raw sa kanya ni Kylie ay, ‘Sana!’

ACTING DEPTH FROM MATURITY. Tinanong namin si Aljur kung ano ang pagkakaiba ng atake niya sa acting sa Prinsesa Ng Buhay Ko kumpara sa huli nilang pinagsamahan ni Kris na Coffee Prince.

“Siguro kasi, ito kasi napansin ko din kay Kris, habang tumatagal, as we go along sa bawat trabaho, sa bawat pagsubok ng buhay na dinadaanan namin, nakikita ko na mas minamahal namin ang trabaho namin.

“Mas nagiging seryoso kami. Yung dynamics [in acting], yung ibig sabihin niya kanina, yung atake ng pag-arte siguro mas naging seryoso lang ako, e.

“Mas naging seryoso lang ako sa karakter at, in short, yung pinaghuhugutan ko po is yung maturity bilang isang tao.

“Kaya siguro napapansin nila iyon,” pag-aanalisa niya.

Hindi ba mga mapapait na karanasan ang pinaghuhugutan niya ng emosyon sa pag-arte?

“Siyempre, kasama diyan yung mapait na karanasan. May masaya, may sa hirap at ginhawa. Wala namang taong nabubuhay ng puro sarap lang e, di ba?

“May experiences sa pamilya... lahat, lahat. Hindi naman tayo perfect,” dagdag pa ni Aljur.

Bukod kina Aljur (na gumaganap bilang Nick) at Kris (na gumaganap bilang si Princess), marami pang artistang mapapanood sa Prinsesa Ng Buhay Ko simula September 23 (bago ang 24 Oras).

Kabilang dito sina Renz Fernandez bilang si Luis, LJ Reyes bilang Kate, Emilio Garcia bilang Roberto, Maritoni Fernandez bilang Tess, Marco Alcaraz bilang Waldo...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ping Medina bilang Steve, Debraliz bilang Mother Superior, Jan Manual bilang Phil, Vincent Magbanua bilang Vicvic, Lian Paz bilang Violet, at si Ms. Carmi Martin bilang Eliza.

Ito ay sa direksyon ni Dondon Santos.

NEW HOUSE. Nakalipat na si Aljur sa bago niyang bahay.

“Kumpleto na yung pamilya ko po, pero yung gamit… third floor pa lang ang tapos. Kasi mahirap e, nung tinirhan namin, tumigil yung construction, e.

“Pero inuunti-unti namin yung kitchen, inuuna namin yung kitchen,” kuwento niya.

Mga porsyento na lang daw ang hindi pa natatapos sa bahay nila.

“Kasi tapos na yung bahay, totally. Yung outdoor, yung indoor, third floor na lang, siguro mga thirty percent na lang,” patuloy niyang saad.

Ayaw i-reveal ni Aljur kung magkano ang kabuuang nagastos para sa bahay nila.

“Basta isipin nyo na lang na lupa siya sa Scout area,” at ngumiti ang binata.

Prime lots ang matatagpuan sa naturang lugar sa Quezon City. Ni-loan daw ni Aljur sa bangko ang kalahati ng kabuuang halaga at ang kalahati ay binayaran niya ng cash.

SUNDAY ALL STARS. Nitong nakaraang linggo ay nanalo si Aljur sa Sunday All Stars bilang Outstanding Performer.

“Very honored, siyempre! Overwhelmed, kasi para sa akin iyon ang pinaka… wow! Kasi best performer. Nagpapasalamat lang talaga ako.

“Una nga ang pinasalamatan ko nun, nung tumayo ako sa stage, ang Panginoon, e. Nagpasalamat ako sa Panginoon sa ibinigay niyang talent.

“Naging inspirasyon din yung mga... malaking inspirasyon ko po yung mga kasamahan ko sa Sunday All Stars dahil lahat sila gumagaling, e.

“Magagaling na lahat. Dyusko, wala nang nagkakamali, di ba?

“So, naging inspirasyon ko rin yung hard work nila, nakikita ko sila, nahahawa ako.

“So yung tagumpay na iyon, yung nakuha ko pong award is binabahagi ko rin sa lahat ng mga miyembro ng Sunday All Stars.

Sinasabing isa sa inaabangan sa SAS ay ang paghuhubad niya, pati na rin nina Alden Richards, Enzo Pineda at Steven Silva, among others.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero may ilang negative comments, na tila nasasamantala raw sila ng show para maghubad.

“Hindi po totoo yan! Wala pong katotohanan yun. Hindi po totoo na pinagsasamantalahan po ng SAS yung pagkakataon na paghubarin kami. Hindi po.

“Kasi bawat isa po sa amin meron po kaming sariling desisyon, free will, kung gusto naming gawin ang isang bagay o hindi.

“Yung paghuhubad po namin dun, nagkataon lang po na kailangan naming sumunod sa theme ng kapiyestahan sa Asya.

“Dahil yung Hawaiian… Pacific kasi yung kinuha namin na napabilang sa amin ni Enzo ’tsaka ni Alden. E, lahat ganun ang suot, e.

“So, nagkataon talagang naghubad kami dahil iyon ang peg talaga ng Hawaiian na theme so wala po, wala po... Hindi po totoo ang sinasabi nilang pinagsasamantalahan kami. Never,” pagklaro ni Aljur.

Si Alden, in a separate interview ay sinabing magbabawas na raw ito sa paghuhubad sa SAS.

“E, kanya-kanya po tayong desisyon,” sabi ni Aljur.

Nirerespeto raw niya ang desisyon ni Alden.

Marami pa raw silang pasabog na gagawin sa SAS.

“Kasi sa napansin ko po sa bawat grupo, lahat gumagaling, lahat mas lumalalim ang ideas. Hindi po kami nauubusan ng pasabog, e. Hindi pa naman kami umaabot sa puntong yun.

“At alam kong hindi kami aabot dun dahil napakaraming ideas at marami kaming puwedeng ilabas pa.

“Marami pa pong pasabog dahil bawat isa sa amin ay gumagaling sa imahinasyon, gumagaling sa pag-perform at mas nagiging disiplinado kami... mas nagiging dedicated kaming lahat.

“Pag dedicated ka, walang imposible,” pangwakas na pahayag ni Aljur.

Sunday All Stars: “Hindi po totoo ’yan!”" data-url="https://www.pep.ph/news/40348/aljur-abrenica-denies-being-sexually-exploited-and-being-forced-to-bare-in-sunday-all-stars-hindi-po" data-desc="Aljur Abrenica names girlfriend Kylie Padilla as his "Prinsesa Ng Buhay Ko."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9af966201.jpg"> Sunday All Stars: “Hindi po totoo ’yan!”" data-url="https://www.pep.ph/news/40348/aljur-abrenica-denies-being-sexually-exploited-and-being-forced-to-bare-in-sunday-all-stars-hindi-po" data-desc="Aljur Abrenica names girlfriend Kylie Padilla as his "Prinsesa Ng Buhay Ko."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9af966201.jpg"> Sunday All Stars: “Hindi po totoo ’yan!”" data-url="https://www.pep.ph/news/40348/aljur-abrenica-denies-being-sexually-exploited-and-being-forced-to-bare-in-sunday-all-stars-hindi-po" data-desc="Aljur Abrenica names girlfriend Kylie Padilla as his "Prinsesa Ng Buhay Ko."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9af966201.jpg">


Sunday All Stars: “Hindi po totoo ’yan!”" data-url="https://www.pep.ph/news/40348/aljur-abrenica-denies-being-sexually-exploited-and-being-forced-to-bare-in-sunday-all-stars-hindi-po" data-desc="Aljur Abrenica names girlfriend Kylie Padilla as his "Prinsesa Ng Buhay Ko."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9af966201.jpg"> Sunday All Stars: “Hindi po totoo ’yan!”" data-url="https://www.pep.ph/news/40348/aljur-abrenica-denies-being-sexually-exploited-and-being-forced-to-bare-in-sunday-all-stars-hindi-po" data-desc="Aljur Abrenica names girlfriend Kylie Padilla as his "Prinsesa Ng Buhay Ko."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9af966201.jpg"> Sunday All Stars: “Hindi po totoo ’yan!”" data-url="https://www.pep.ph/news/40348/aljur-abrenica-denies-being-sexually-exploited-and-being-forced-to-bare-in-sunday-all-stars-hindi-po" data-desc="Aljur Abrenica names girlfriend Kylie Padilla as his "Prinsesa Ng Buhay Ko."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9af966201.jpg"> Sunday All Stars: “Hindi po totoo ’yan!”" data-url="https://www.pep.ph/news/40348/aljur-abrenica-denies-being-sexually-exploited-and-being-forced-to-bare-in-sunday-all-stars-hindi-po" data-desc="Aljur Abrenica names girlfriend Kylie Padilla as his "Prinsesa Ng Buhay Ko."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9af966201.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN