Aljur Abrenica on working with Renz Fernandez in Prinsesa Ng Buhay Ko: “Sobrang loving na tao, sobrang marespeto, sobrang honest...”

Aljur Abrenica on Renz Fernandez: “Well, first of all, very honored ako, na nakatrabaho ko yung isa sa mga anak ng idol ko na si Tito Daboy. Napakagandang oportunidad na nakatrabaho ko si Renz. At bilang isang tao, si Renz sobrang thankful ako na siya yung nakatrabaho ko dahil sobrang loving na tao, sobrang marespeto, sobrang honest. Kaya I think edge namin yun e, dahil iyon yung mga ways para mas maging successful ang show. At magiging mas effective kung pagsasama-samahin mo


Sa nalalapit na Cosmo Bachelor Bash 2013, may pasabog daw na gagawin si Aljur Abrenica.

“Meron kaming ni-request na gawin pero inaantay pa namin yung approval ng Cosmo, so surprise muna.

“Kasi bawat isa kasi may entrance e, so nagbibigay sila ng request nila, binigyan kami ng chance na mag-request, so nag-request kami,” panimulang kuwento ng Kapuso hunk.

Hindi pa raw puwedeng sabihin kung ano ang ni-request ni Aljur na entrance niya sa naturang sexy event na gaganapin sa World Trade Center sa September 24.

Bilang clue, sinabi ni Aljur na …

“The theme itself pa lang kasi sobrang hot na... kasi schoolboy e, so…”

Ang naturang request raw ay galing mismo kay Aljur at sa GMA Artist Center.

WORKING WITH RENZ FERNANDEZ. Sa Prinsesa Ng Buhay Ko na show nila ni Kris Bernal sa GMA-7 na eere sa September 23, sa unang pagkakataon ay makaka-love triangle nila ni Kris si Renz Fernandez.

Ano ang nararamdaman ni Aljur na ang anak ng yumaong si Rudy Fernandez at ng mahusay na aktres na si Lorna Tolentino ang makakaribal niya?

“Well, first of all, very honored ako, na nakatrabaho ko yung isa sa mga anak ng idol ko na si Tito Daboy. Napakagandang oportunidad na nakatrabaho ko si Renz.

“At bilang isang tao, si Renz sobrang thankful ako na siya yung nakatrabaho ko dahil sobrang loving na tao, sobrang marespeto, sobrang honest.

“Kaya I think edge namin yun e, dahil iyon yung mga ways para mas maging successful ang show.

“At magiging mas effective kung pagsasama-samahin mo yung karakter na yun, yung ganung attitude, yung honest ka.

“Nagsasabihan kaming tatlo, wala kaming tinatago sa isa’t isa.

“Example... pag nasa eksena kami, pag medyo kulang sasabihin nila.

“Pag may kulang sa amin, sasabihin namin. Kumbaga nagtutulungan kami, iyon yung attitude naming tatlo na hindi mo makikita sa ibang katrabaho mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, thankful ako na nakasundo namin kaagad si Renz, walang hirap, walang pakisamahan, talagang na-click namin siya kaagad,” pagpuri niya kay Renz.

Natawa naman si Aljur nang sabihin namin sa kanya na nagdyi-gym daw si Renz para kahit paaano ay matapatan ang abs ni Aljur.

Kumusta naman si Dondon Santos bilang direktor nila sa Prinsesa Ng Buhay Ko?

“Wow! Si Direk Dondon Santos, we’re very lucky na makatrabaho siya. Marami siyang input sa bawat eksena, nalalaro niya bawat emosyon, as a director binabantayan niya kami, bawat scene.

“Hindi niya pinapalampas kapag hindi niya naramdaman, so we’re very blessed and lucky na siya ang naging direktor namin,” bukambibig naman niyang pagka-bilib sa kanilang direktor.

RARING TO WORK WITH MARIAN. Sa tanong naman na kung may isang artista na hindi pa nakakatrabaho ni Aljur na gusto niyang makatrabaho, mabilis na sinabi ni Aljur ang pangalang…

“Marian Rivera!”

Binanggit rin ni Aljur ang pangalan ni Heart Evangelista na hindi pa niya nakakapareha sa isang teleserye although sila ang magkapareha sa 2011 movie na Temptation Island.

“Si Carla [Abellana] gusto ko rin.

“Pero Marian talaga,” ulit niya.

INVESTMENTS. Sa opinyon naman ng iba, sa batch ni Aljur at ng mga kaedad niyang young stars, masasabing isa siya sa pinamakayaman at may maraming investments from his income sa showbiz.

Natawa si Aljur bago sinabing…

“I think siguro I’m blessed na nagkaroon ako ng father na businessman. Kasi kung wala siya, siguro ginastos ko na lahat ng pera ko,” at muling tumawa ang hunky actor.

“Pero imbes na nangyari yun, pinundar po niya sa business, e. Pinundar niya sa pagkakakitaan ko pa, ’tsaka inipon po niya, e. Inipon niya po sa pambahay [pambili ng bahay] ko dito sa Maynila.

“Siya po nag-ipon po nun.

“Kasi nung bata pa ho ako, tapos nung tuluy-tuloy ang trabaho natin, hanggang sa commercials, hindi po ako marunong humawak ng pera, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, finally ngayon po nasa akin na lahat ng pera.

“In a way nagulat po ako, hindi ko in-expect na ganun na pala kalaki.

“Pinalaki niya pa po lalo.”

Ibinigay raw sa kanya ng ama niya ang pera niya when Aljur turned twenty-one. Nasa pangalan na ni Aljur ngayon ang lahat ng pera niya.

FRANCHISE PLANS. At sa tanong kung ano ang susunod na gusto ni Aljur na maging investment…

“Ako, yung totoo? Bata pa lang ako pangarap kong magkaroon nito, e… Jollibee! Franchise ng Jollibee.”

Binanggit namin kay Aljur na sana ay kunin siyang endorser ng naturang fastfood chain.

“Naku, pag nakuha ako, libre kayo dun! Isang taon kayong libre dun.

“Tandaan ninyo yan ha, pag nakuha ako ha, isang taon kayong libre dun,” pangako pa ni Aljur sa amin at sa iba pang mga press people na kaharap niya noong mga oras na iyon.

Saan niya plano ilagay ang franchise niya if ever?

“Basta ang importante naman kasi pag nakaipon ka na e, di ba? Ang lokasyon kahit saan naman puwede, e.”

May resort si Aljur sa Batangas kaya puwedeng doon rin siya maglagay ng franchise niya.

“Puwede, puwede sa Batangas. Basta eto ha, pag natuloy yan ha, libre kayo, isang taon,” pag-ulit niya bilang pangwakas.

Favorite daw niya ang Aloha Burger ng Jollibee.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN