Richard Gutierrez still mum on network transfer and baby rumors

Richard Gutierrez on the never-ending question about Sarah Lahbati’s alleged pregnancy: “Alam mo Mond, uhm, gusto ko talaga ikuwento ang lahat ng mga nangyayari sa buhay ko ngayon, na lahat ng mga nangyayari sa paligid ko, gusto ko i-share sa mga tao. Uhm, but of course, like what I said, I’m behind Sarah, I’m supporting her, and she has a case right now. And we can’t really discuss these things right now. Darating yung panahon na masasabi


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkasama sa isang interview ang magkakapatid na Gutierrez na sina Ruffa, Richard at Raymond sa show ng huli kahapon, Sabado, September 14, sa TV5.

Ayon pa kay Raymond sa kanyang intro spiels sa Showbiz Police: Intriga Under Arrest: “Dito sa Showbiz Police walang Kapamilya, walang Kapuso, at walang Kapatid dahil lahat under arrest.

“And speaking of that, andito po ngayong gabi ang aking mga kapatid, ang nagbabalik sa TV5 na si Miss Ruffa Gutierrez. Thank you for being here.”

Bati ni Ruffa, “Hello, Mond! At ’tsaka, siyempre, hello sa lahat ng mga televiewers ng TV5. I see so many familiar faces, hello, na-miss ko kayo.”

Dagdag ni Raymond, “And on his first appearance here on TV5, my twin brother Mr. Richard Gutierrez. Hi Chard!”

Sagot ni Richard, “Maraming, maraming salamat sa inyong lahat, sa TV5 sa pag-imbita sa akin dito and, Mond, I want to congratulate you for this new show dahil ngayon Kapatid ka na.

“Andito ka na sa TV5, hindi niyo pagsisisihan ’to, TV5, napakagaling at napakahusay nitong kapatid ko.”

Biro ni Raymond, “Actually, actually, I forced them to be here.”

Dagdag pa niya, “Okay, simulan na natin ang interogasyon.”

RICHARD GUTIERREZ: NO HURT FEELINGS WITH GMA. Una munang tinanong ni Raymond ang kakambal.

Aniya, “Okay, Chard, people are asking, they haven’t seen you on television for quite some time. Itong mga past several months, anong ginagawa mo? What have you been busy with?”

Tugon ng kapatid, “Mond, you know what, I’m very happy to say na ngayon lang ako nagkaroon ng opportunity na ganito after eleven years of working straight, doing action, doing reality shows, travelling the Philippines, doing different kinds of adventures...

“Ngayon lang ako nagkaroon ng opportunity na makapagpahinga nang maayos, spend quality time with you guys, and get to travel a bit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, pinlano ko ’to, sabi ko pagdating ng tamang panahon, magbi-break muna ako sandali and try to weigh my options, just relax a bit.”

Sambid ni Raymond, “Yes, Chard, may mga nasulat na after your contract with GMA expired, parang meron bang mga bagong negosasyon na nangyari after your contract with GMA or ikaw na mismo ang nagsabing huwag muna ngayon?”

Pahayag ni Richard, “Ang nangyari diyan, Mond, March pa lang, hindi pa nag-expire yung contract ko, I already made a decision for myself na pagkatapos ng kontrata ko sa GMA, gusto kong magkaroon ng long break, long vacation, to kind of assess kung ano ba talaga ang gusto ko.

“Try to think through things and try to weigh my options nga. Gaya ng nasabi ko kanina, nagkaroon ng offer ang GMA sa akin pero hindi na kami dumating sa point na nagkaroon ng negotiation.

“Ako mismo ang nagsabi na, ’Sandali lang, a, gusto ko ng timeout muna, at gusto ko magpahinga ng sandali.’

“It doesn’t mean na masama ang loob ko sa GMA. I’m very thankful sa GMA sa lahat ng mga projects na ’binigay nila sa akin... sa lahat ng opportunities na nabigay nila sa akin for the eleven years na nandoon ako sa kanila.

“I’m very thankful and grateful to them. But ngayon, pahinga muna. Now is the right time for me to kind of assess things.”

Kasunod na tanong ni Raymond sa kakambal, “Noong presscon ng Showbiz Police, the press people were asking me, ‘Mond, ikaw lang ba ang Gutierrez na magiging Kapatid soon?’ So, I will ask you that, but before we get to that, I’ll ask Ate first.”

RUFFA: LIVING A POSITIVE LIFE. Ani Raymond, “Ate, kasi marami ang nakakita ng magazine cover mo for September [Metro Magazine], na lumipad pa kayo patungong Italy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi nila, ‘Wow, ka-age na ’ata ni Ruffa si Anne Curtis at si Georgina Wilson!’”

Singit ni Ruffa, “Hindi, Julia Barretto lang ang peg ko!”

Dagdag pa ni Raymond, “So marami ang nagtatanong, what was…why…how do you keep it so ageless?

“What is your beauty secret? Para dun sa kaalaman ng mga Kapatid out there na women... na mothers can also look this good at your age.”

Tugon ni Ruffa, “It’s the genes. Aside from the genes, I really take care of myself. You know I don’t let stressful things affect me.

“Pag may problema or pag may mga umaaway sa akin or may mga people na try to bring me down, hindi ko siniseryoso, you know.

“Actually, I just ignore it kasi I just want to live a positive life, kasi if you’re positive, you’re happy. Wala kang wrinkles. It shows in your face kasi kung malungkot ka, lalabas at lalabas e, diba?

“Parang you’re so stressed, pumapangit ka, so aside from the genes, just probably taking good care of myself.”

Kuwento pa ni Raymond, “At yung pag-lessen daw ng stress mo ay because dun sa resulta na ng pagkalma na ni Mommy, wala nang inaaway, medyo backseat na siya ngayon. Ito ba dahil din diyan?”

Saad ng Ate niya, “Exactly. Well, let’s see for how long, di ba? I mean ngayon, my mom is so quiet, our mom is quiet. Uhm, nakikinig na siya.

“When I was in London, sabi ni Mond, ’Si Mommy nag-tweet na naman.’ Sabi ko, nag-tweet na naman, oh my gosh anung tiniweet niya?”

“Sabi ko, ’Ma, you have to start tweeting again like, ’I pray for you anak,’ or ’brush your teeth,’ di ba, so at least happy naman.”



RICHARD TO FOLLOW RAYMOND? Muling binalikan ni Raymond si Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “So, Chard, ito yung hanging question ko sa ’yo. Sa presscon ng Showbiz Police, marami ang nagsasabi, ‘Mond, appetizer ka lang ba, meron pa bang main course na parating dito sa TV5?’ So Chard, once and for all, ikaw ba lilipat dito sa TV5?”

Nakangiting tugon ni Richard, “Alam mo, Mond, mahirap pangunahan ang mga bagay-bagay.

“I’m very happy for you na nandito ka na ngayon, you deserve everything and all the blessings.

“Darating din ako kung saan ko gustong mapunta at meron din para sa akin, yan ang dapat abangan ng mga Kapatid na nanonood ngayon.

“At, tingnan natin, tingnan natin. As of now, uhm, abang-abangan muna ng mga tao.”

Sabat ni Ruffa patungkol kay Raymond, “Ang bongga, di ba, dati magkalaban tayo ng show, ngayon ikaw na ang pumalit sa akin dito sa TV5.

“Umiikot lang talaga ang mundo, right? No permanent friends, no permanent enemies, and no permanent stations.”

Pagsang-ayon ni Raymond. “Yes. And also sa mga nanonood diyan, ito actually ang first time naming magkakasama, kaming tatlo in one interview. This is the first time.”

Nagtanong pa ulit si Raymond tungkol naman sa girlfriend ng kakambal, na si Sarah Lahbati.

Aniya, ‘Okay, Chard, mapunta naman tayo kay Sarah. Naging laman siya ng mga bali-balita for the past how many months. Ikaw, how do you show your support to Sarah, being her real-life leading man?”

Lahad ni Richard, “Uhm, she knows that I’m there for her no matter what happens. You know I’m there to support her. I’m there behind her.

“Uhm, I know what she’s going through and I know… I’m very proud of her because she’s very strong.

“And she was able to keep her morals intact dito sa industriyang ginagalawan natin. Mahirap minsan gawin yan. So I’m very proud of her, I’m there for her. Right now, we’re spending quality time.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Raymond, “Si Sarah ba, dahil biglang tumigil ang showbiz career niya, does she miss showbiz?”

Sagot ni Richard, “Sobrang nami-miss niya, Mond. A, si Sarah, you know she’s very passionate about her craft, she can sing, she can act, and she can’t wait to get back into the grind.

“Uhm, gusto na niya pero right now, you know, merong mga kailangang asikasuhin muna. Pero hindi ko dina-doubt na makakabalik siya because she’s very passionate about her craft.”

RUFFA IN LOVE? Binalikan muli ni Raymond ang kanyang Ate Ruffa, na meron daw nakilalang guwapong Englishman.

Aniya, “Ito na yung headline namin kanina because, well, I know that you’re gonna go back to London. Is it true that while you were studying in London, you met a dashing, handsome Englishman?”

Pabirong sagot ni Ruffa, “Actually, I met eight. Pero hindi siya based in London, hindi siya from London, he’s not British.”

Dagdag ni Raymond, “Doon sa eight, meron ka na bang first placer?”

Tugon ng Ate ni Raymond, “A, meron na. Meron na siyang first placer, pero mukhang malalaglag siya because hindi pa niya ako pinapadalhan ng ticket to go to London. I know that’s your next question.

“I was supposed to leave for London tomorrow, pero hindi pa ako makakaalis kasi wala pa akong ticket.

“Alam mo, Mond, at this stage in my life, ayoko nang gumalaw, ayoko nang to go out of my way to please people, you know.

“If somebody wants me, hello, they have to come here and pick me up. Silang manuyo sa akin, di ba?”

AN ADDITION TO THE GUTIERREZ FAMILY? Sa pagtatapos ng panayam, niliwanag ni Raymond ang isyu tungkol sa diumano’y karagdagan sa kanilang pamilya.

Ito nga yung balitang nanganak na raw si Sarah ng panganay nila ni Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanong ni Raymond, “Ito naman si Chard ang final question ko sa ’yo, kasi alam ko nung sinabi ko sa ’yong, ’Chard, can you guest here?’ Sabi ko, ’We’ll make it light lang, we’ll make it fun.’

“Pero itong katanungan na ito, iniisip ng sambayanang Pilipino, mga bulung-bulungan sa presscon, kung saan-saan…”

Dito ay sumabat si Richard. Aniya, “Sandali, sandali... wala sa usapan natin yan, a…”

Giit ni Raymond, “Sana may family pa ako tomorrow, ’no? But really, really, Chard, I have to ask you this bilang a host here in Showbiz Police.

“And I think just to acknowledge it, totoo ba na nadadagdagan ang pamilya Gutierrez?”

Sagot ni Richard, “Si Mond talaga, wala sa usapan natin yan, when you’re giving me all the hard questions, alam mo, Mond, ayoko na…”

Dito ay akmang tatayo si Richard na parang magwu-walkout. Pero mukhang biro lang niya ito.

Sabi ni Richard, “Akala niyo walkout na... No, hindi, hindi. Uhm...”

Sabat ni Raymond, “No, we don’t want another walkout.”

Saad ni Ruffa, “Uy, I finished naman my segment, ’no? Gosh.”

Ang pinag-usapan nilang walkout ay ang nangyaring paglisan ni Ruffa noon sa The Buzz habang nag-commercial break ang Sunday entertainment talk show ng ABS-CBN. Hindi pa tapos ang show noon.

Matapos magkatawanan ang magkapatid, nagbigay na rin ng pahayag si Richard tungkol sa isyu.

Aniya, “Alam mo, Mond, uhm, gusto ko talaga ikuwento ang lahat ng mga nangyayari sa buhay ko ngayon, na lahat ng mga nangyayari sa paligid ko, gusto ko i-share sa mga tao.

“Uhm, but ,of course, like what I said, I’m behind Sarah, I’m supporting her, and she has a case right now. And we can’t really discuss these things right now."

Ang tinutukoy ni Richard ay ang kaso nina Sarah at Annette Gozon ng GMA Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagpapatuloy ni Richard, “Darating yung panahon na masasabi at masasagot ko ’yan sa tamang panahon. Pero, as of right now, you know we have to keep things this way.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN