Kristoffer Martin braces himself for "bash attack" from JuliElmo fans

Kristoffer Martin on dealing with JuliElmo fans who aren’t too pleased about his being paired with Julie Anne San Jose in Kahit Nasaan Ka Man: “Handa na po, may nang-aaway na nga e. Hindi naman nang-aaway, pero sinasabi na, ‘Mas JuliElmo pa rin kami, mas solid JuliElmo kami.’ Sinasabi, ‘Manonood kami dahil kay Julie Anne,’ ganyan-ganyan. Pag sinagot ko po baka mag-catch pa ng attention, lalong lumala, so tahi


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kristoffer Martin sa pictorial ng upcoming GMA-7 musical/drama series na Kahit Nasaan Ka Man na pagtatambalan nila for the first time ni Julie Anne San Jose.

Kaya ang una naming tanong sa binata during their pictorial sa Studio 1 ng GMA Network Center nitong Biyernes, September 13, ay kung handa na ba siyang awayin ng mga fans ni Elmo Magalona na ka-loveteam ni Julie Anne.

“Handa na po, may nang-aaway na nga e,” at tumawa ang binata.

“Hindi naman nang-aaway, pero sinasabi na, ‘Mas JuliElmo pa rin kami, mas solid JuliElmo kami.’

“Sa Twitter. Sinasabi, ‘Manonood kami dahil kay Julie Anne,’ ganyan-ganyan.”

Hindi raw ito sinasagot ni Kristoffer.

“Kasi pag sinagot ko po baka mag-catch pa ng attention, lalong lumala, so tahimik na lang po ako,” depensa ni Kristoffer.

Hindi pa raw sila nagkikita ni Elmo mula nang napunta kay Kristoffer ang proyekto.

“Pero nagkaka-text naman kami, naglalaro kami online,” pag-amin niya.

Hindi raw nila pinag-usapan ang tungkol sa tambalan nila ni Julie Anne.

“Kasi ayoko rin namang magkaroon ng awkwardness sa aming dalawa, ang alam ko din kasi dito siya, e,” dagdag pa ni Kristoffer.

Supposedly ay sina Julie Ann at Elmo ang bida sa Kahit Nasaan Ka Man at si Kristoffer ang ka-love triangle nila; at naging sina Kristoffer at Julie Anne na nga at ang katrayanggulo na nila ay si Lucho Ayala.

Tumaas si Kristoffer sa leading man level sa halip na siya ang ka-love triangle lang.

“Kasi ang original kasi, iyan ang alam ko ha, kasi nag-undergo kami ng screen test.

“Nagulat din ako, actually. Hindi ako prepared,” at muling tumawa si Kristoffer.

“Lalo na sa mga JuliElmo fans, sobrang in-demand sila so adjustments din.”

At dahil siya na ang leading man, tumaas ba ang talent fee niya?

Natawa muna si Kristoffer bago sumagot…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko po alam, huwag na nating pag-usapan yang mga personal na ganyan. Hindi ko rin alam kasi ang nagha-handle kasi, mommy ko ’tsaka si daddy.

“As much as possible, ayaw nilang malaman ko kung magkano yung kinikita ko dahil baka biglang tumatak sa utak ko na biglang kunin ko... na ganito pala yung kinikita ko.

“Iyon yung disiplina na binibigay nila sa akin.”

Ang parents niya ang humahawak ng pera ni Kristoffer at may binabayaran daw siya na condo unit at Honda City na kotse bilang investments niya.

ON GIRLFRIEND JOYCE CHING. Hindi raw para sa kanila ng girlfriend niyang si Joyce Ching ang naturang condo.

“Para sa pamilya ko,” paglinaw niya.

And speaking of Joyce, hindi raw ito nagseselos o kinakabahan na baka magkalapit ang loob nina Kristoffer at Julie Anne.

“Hindi naman, alam naman niya na ang trabaho is trabaho.

“Nagkausap naman na ho kami, before pa lahat, simula’t simula pa lang.

“Bago pa maging kami kasi nalinaw na namin sa sarili namin na trabaho, trabaho... iyon ang laging uunahin.

“Na kung magkakaroon ng kissing scene, ng loveteam, walang selos-selos. Basta alam naman natin kung ano yung off-cam, yung on-cam trabaho naman natin ito.

“Hindi naman dapat tayo ang nasusunod dito, hindi naman puwedeng tayo lagi. Ito yung pinasok nating trabaho, gusto natin itong parehas,” patuloy pang paliwanag ni Kristoffer.

Two years and six months na silang may relasyon ni Joyce.

Hindi rin daw conflict sa kanila na career-wise, mas angat ang isa kaysa sa isa, lalo ngayon at lead na si Kristoffer.

“Hindi naman. Sa amin hindi naman, kasi alam naman ni Joyce ang path ng career niya, papunta siya doon, bida-kontrabida.

“Alam naman namin kung paano kami igu-groom ng network e, tiwala naman kami sa network, e. So kung ano yung nakikita nila sa amin at iyon yung alam nilang kaya naming gawin, e ina-appreciate naman namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At least kahit papaano may trabaho,” saad niya.

Kailan sila huling nag-away? At ano ang pinag-awayan nila?

“Hindi ko na maalala, e. So far naman, kapag nag-aaway kami hindi naman about sa trabaho, mga mababaw na bagay lang.

“Parang yung time lang minsan, yung time sa isa’t isa.”

Sino ang mas madalas walang oras?

“Hindi ko masabi kasi sa amin kasi ni Joyce, yung trabaho kasi, yung kasagsagan niya sa buhay, ako yung nag-a-adjust, ako yung pumupunta sa bahay nila, ako yung nagse-set ng date.

“Or pag pagod siya, ako yung pumupunta sa bahay nila, nanonood kami ng movie doon, dadalhin ko yung hard drive ng kapatid ko, nanonood kami kasama yung mommy at daddy niya.

“So ganun lang.

“Tapos pag minsan siyempre hindi mo rin maiiwasan, na nagde-demand ka rin ng oras.

“Yung mga ganung bagay, tampuhan,” bukas niyang pag-amin.

Ngayon ay pareho silang busy dahil may Dormitoryo naman na show si Joyce.

“Nasa pag-a-adjust lang naman yan, e.”

WORKING WITH THE VETERANS. First taping day nila para sa Kahit Nasaan Ka Man noong Huwebes.

“Pero hindi pa po kami nagkasama ni Julie Anne, ang kasama ko po kahapon si Miss Eula [Valdes] ’tsaka si Miss Tessie [Tomas]po.”

Mahuhusay na aktres agad ang nakaeksena ni Kristoffer.

Aniya, “Actually, nung una nga po kinabahan ako kasi Miss Eula tapos Miss Tessie.”

Unang beses raw niyang nakatrabaho ang dalawang beteranang aktres.

“Tapos si Miss Tessie sobrang kuwela pala.”

Adoptive mother ni Kristoffer ang gagampanan ni Eula at ina naman ni Eula ang papel ni Miss Tessie.

Pinawisan daw si Kristoffer sa pagsabay niya sa eksena kasama ang dalawang aktres.

“Kasi ang eksena namin parang light lang naman pero siyempre kailangan todo-bigay pa rin kahit ganun lang, hindi naman puwedeng bara-bara.

“Pero nawala agad [ang kaba] dahil sobrang kuwela ni Miss Eula at ni Miss Tessie. Sobrang nagpapatawa sa mga eksena, tapos approachable, so totoo nga yung don’t judge a book by its cover.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tsaka nagulat ako na musical, nalaman ko lang na musical pala siya, na kakanta, sa storycon,” natutuwang pahayag ni Kristoffer.

So, siya na ba ang Zac Efron (ng pelikulang High School Musical) ng Pilipinas?

“Hindi naman,” sabay tawa ng binata.

“Pero parang ganun yung ano, pero iba e, sobrang iba. Kasi in the first place, hindi naman siya iikot sa classroom, hindi siya iikot bilang estudyante... malalim yung paghuhugutan.

“Nung binasa ko yung script sobrang na-hook ako. Kasi hindi siya pilit na musical, alam mo yun?

Hindi siya pinilit na, ‘Ah, i-musical dapat ito kaya dapat ganito.’

“Sobrang minimal lang ng ibang musical pero malalaman mo na agad.”

Masasabi ba niyang naungusan na niya si Elmo?

“Hindi naman, wala namang ganun.

“Kanya-kanyang pangalan, balance lang. Siyempre kaibigan ko rin naman si Elmo,” paliwanag niya.

Hindi raw naapektuhan ang friendship nila sa pagkakapalit niya kay Elmo bilang bidang lalaki sa show.

Hindi na raw nakapag-voice lessons si Kristoffer for his role, although hindi na naman niya kailangan dahil kumakanta naman siya.

“Kailangan ko rin, hindi naman ako magaling, marunong lang kumanta pero hindi rin naman ganung kaganda yung boses ko,” ang pa-humble pang sinabi Kristoffer.

“Kasi ako maganda lang yung boses ko pag alam ko yung kanta, pag gamay ko.”

Nahirapan nga raw siya sa recording nila ng kanta ni Julie Anne na “I’ll Be There” na theme song ng kanilang drama series.

“Kasi mataas tapos hindi ko forte yung kanta, hindi ko genre yung kanta, so medyo hirap ako kanina sa recording,” muli niyang pag-amin.

Sa taping ay live ang pagkantang gagawin nila sa mga eksena.

Kumanta na nga raw siya sa first taping day nila.

“”I’ll Be There” din pero may gitara at male version,” saad niya.

Challenge ba sa kanya na kumanta ng live sa mga eksena nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman siya mahirap pero yung kanta kasi hindi ko ganun kagamay. Sobrang para sa akin ang ganda ng kanta pero pag kinanta ko parang hindi maganda pag ako,” at muling natawa ang binata.

“Ganun yung feeling ko pag hindi ko gamay, pag hindi ko forte yung kanta.”

BROMANCE” WITH DERRICK MONASTERIO. Ayaw namang tanggapin ni Kristoffer ang sinabi namin na nalampasan na niya ang iba niyang kasabayang tween male stars.

“Hindi naman, may kanya-kanya naman iyan,” mapagkumbaba niyang saad.

Iisa ang manager nila (si John Fontanilla) nina Hiro Peralta at Teejay Marquez na kapwa niya tweens stars.

In an interview, sinabi ni Derrick Monasterio na may bromance sila ni Kristoffer.

“Nabasa ko nga iyon, e. Anong nangyari sa lalaking yun?” at tumawa si Kristoffer.

“Iyon nga pero nagulat ako paano na-open yun, pero okay lang.”

Ma-touch daw sila ni Kristoffer ayon pa kay Derrick.

“Oo, yakap-yakap, oo. Nabasa ko nga yung write-up natawa ako sa kanya. Yakap-kaibigan, siguro pag nagkikita, batian, ganyan-ganyan pero hindi naman landian,” paglinaw niya.

At tulad ni Derrick papayag si Kristoffer kung sakaling offer-an siya ng isang mala-My Husband’s Lover na younger version na proyekto.

“Nabasa ko rin yan. E kung bibigyan ng soap, kung iyon yung ibibigay, e di gagawin,” wika niya.

Siya na ang tween male star after Alden Richards na binigyan ng malaking break.

“Sabi nga pana-panahon lang. Pag di mo pa oras, hindi mo pa oras. Pag hindi pa sa iyo, hindi pa sa iyo.

“Pag oras mo, oras mo,” pangwakas niyang pahayag.

Mapapanood na ang Kahit Nasaan Ka Man simula sa September 23, at ito ay sa direksyon ni Gil Tejada, Jr.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN