Jake Vargas shrugs off nude-photo leak: “Hindi pa ako artista noong time na yun.”

Jake Vargas on nude-photo leak: “Ano po yun, actually yung ano po na iyon, matagal na po yun, hindi pa ako artista nun. Marami kami nun na mga barkada ko talaga. So andun kami sa loob ng isang bahay, parang siguro party-party ganun. Ang nangyayari may inuman. E, mainit kasi e. Mainit kasi noong time na yun. Hindi pa ako artista noong time na yun. Siyempre, alam ko naman sa sarili ko kung ano yung mali, magri-react naman ako sa mga nilalabas nila. Okay lang yan sa akin kasi wal


Marami ang nagsasabing pumayat at gumanda na ang pangangatawan ni Jake Vargas nang matiyempuhan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, September 14, sa Zirkoh Tomas Morato sa Quezon City.

Nakapanayam siya ng PEP habang ini-enjoy ang show na TKO (Tawanan, Kantahan, Okrayan) Round 2, kung saan sinuportahan niya ang kaibigan at kasamahan sa Master Showman na si Michael Pangilinan, na isa sa performers noong gabing iyon.

Sabi niya, “Nagpapayat, kasi kailangan din sa TV, kasi parang ang taba-taba ko na sa screen so kailangang magpapayat. Bawas kanin.”

NUDE PICS. Usong-uso ngayon ang mga video at photo scandals, at kamakailan lamang ay naging viral ang kumakalat na larawan diumano ni Jake na walang suot na pang-itaas kasama ang isang babae.

Dahil hindi nagbigay ng pahayag noon ang young actor tungkol dito, minabuti naming tanungin ang Kapuso teenstar at alamin ang puno’t dulo ng nasabing larawan.

Natatawa niyang sabi, “Alin dun? Yung na-eskandalo ako?

“Ano po yun, actually yung ano po na iyon, matagal na po yun, hindi pa ako artista nun.

“So, siyempre, hindi naman mawawala yung mga picture-picture na ganyan. Marami kami nun na mga barkada ko talaga.

“So, andun kami sa loob ng isang bahay, parang siguro party-party, ganun. Ang nangyayari, may inuman.”

Sa umiikot na larawan, parang nakahubad talaga si Jake habang may parang kausap na babae. Bakit nga ba parang walang suot na damit si Jake?

Aniya, “E, mainit kasi e. Mainit kasi noong time na yun. Ako kasi, sa akin, wala pa akong alam sa mga ganun na kahit nakahubad ka... Di ko alam na noong naging artista na ako lumabas.

“Hindi pa ako artista noong time na yun.

“Siyempre, alam ko naman sa sarili ko kung ano yung mali, magri-react naman ako sa mga nilalabas nila.

“Basta sa akin, no comment. Okay lang ’yan sa akin kasi wala namang nangyayaring masama,” paliwanag ni Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN