Ritz Azul happy with new lineup of TV5 projects

Ritz Azul on being reassured of new projects for TV5: “Sinabi naman po nila Ma’am Wilma [Galvante] sa akin na huwag akong mag-alala, kasi kung paano ako inalagaan ni Sir Perci [Intalan] ay gano’n din ang pag-aalaga na gagawin nila sa akin. May mga naka-line up na raw na mga projects para sa mga talents ng TV5 bago matapos ang taon at sa pagpasok ng 2014. Kaya excited po ako na tuluy-tuloy lang ang pagtrabaho naming lahat.”


Hindi itinago ng TV5 Drama Princess na si Ritz Azul ang kanyang pangamba na baka hindi na siya muling magbida sa isang teleserye, lalo na noong magkaroon ng pagbabago sa management ng entertainment division ng Kapatid network.

Nag-resign na nga raw kasi sa kanyang posisyon ang dating head ng entertainment programming ng TV5 na si Perci Intalan at ang pumalit sa kanyang posisyon ay si Wilma Galvante.

Malaki raw kasi ang utang na loob ni Ritz kay Perci dahil ito raw ang nagbigay sa kanya ng big break na magbida sa mga primetime teleserye ng Singko pagkatapos niyang sumali sa reality-artista search na Star Factor noong 2010.

Una ngang nabigyan ng break si Ritz sa teleserye na Mga Nagbabagang Bulaklak. Nasundan ito ng Glamorosa at Misibis Bay.

Naging leading lady naman siya ni Derek Ramsay sa Kidlat at ni Martin Escudero sa Kapitan Awesome.

“Inaamin ko naman po na noong mabalitaan ko na mag-resign si Sir Perci, kinabahan talaga ako.

“Si Sir Perci kasi ang nag-alaga sa amin at siya ang nag-iisip ng mga magiging projects namin.

“Kaya hindi nga mawala sa akin ang mag-worry na baka wala nang mag-asikaso sa amin kasi nga nasanay na kami sa pangangalaga ni Sir Perci,” pahayag pa ni Ritz nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nangyari ito sa launch ng mga bagong weekend programs ng TV5 sa Megatrade Hall ng SM Megamall noong September 8.

ASSURED OF NEW PROJECTS. Pero in-assure naman si Ritz ng mga bagong namamahala ng entertainment division ng Singko na patuloy ang pag-build up sa kanya dahil may napatunayan na naman siya bilang talent ng naturang istasyon.

“Sinabi naman po nila Ma’am Wilma [Galvante] sa akin na huwag akong mag-alala kasi kung paano ako inalagaan ni Sir Perci ay gano’n din ang pag-aalaga na gagawin nila sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga naka-line up na raw na mga projects para sa mga talents ng TV5 bago matapos ang taon at sa pagpasok ng 2014.

“Kaya excited po ako na tuluy-tuloy lang ang pagtrabaho naming lahat,” masaya niyang pahayag.

GAG SHOW. Kinatutuwa nga ni Ritz ang pagkakasali niya sa gag show na Tropa Mo Ko UNLI, kunsaan kasama niya sila Ogie Alcasid, Gelli de Belen, Wendell Ramos, Tuesday Vargas, Eula Caballero, Edgar Allan Guzman, Valeen Montenegro, at marami pang iba.

First time raw na makasama sa isang gag show si Ritz kaya tuwang-tuwa siya noong mag-taping na sila.

“Nagiging guest lang ako before sa Loko Moko. Hindi ako naging regular kasi nga mas nakatoka ako sa mga teleserye.

“Ngayon, enjoy ako kasi first time ko makatrabaho sila Sir Ogie at Ms. Gelli. Si Wendell naman kasi nakatrabaho ko na before sa Glamorosa at Kidlat.

“Nakakatuwa pong makatrabaho pala si Sir Ogie. Kasi napapanood ko lang siya noon sa Bubble Gang at sa ibang shows niya sa GMA-7. Ngayon nandito na siya sa TV5 kaya napakasuwerte namin.

“’Tsaka ang bait-bait po niya. Never kong naisip na one day ay makakasama ko siya sa isang TV show. Nangyari po iyon dito pa sa TV5,” kuwento pa niya.

THE GIFT. Lalong ikinatuwa pa ni Ritz nang makasama rin siya sa teleserye na gagawin ni Ogie for TV5, na may titulong The Gift.

Nakapag-taping na si Ritz pero wala pa siyang eksena with Ogie.

“Yung The Gift nga po ang ginagawa ko ngayon na teleserye. Marami po kaming kasama dito sa show at bida nga po si Sir Ogie.

“Kaya ang ganda po ng mga nangyayari para sa amin dito sa TV5.

“Wish nga po naming lahat na tuluy-tuloy ang mga magagandang programs, kasi hindi lang naman si Sir Ogie ang nandito kundi si Ms. Sharon Cuneta at Sir Aga Muhlach.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At nagpapasalamat kami kay Ma’am Wilma sa mga magagandang projects na naiisip niya para sa aming lahat,” pagtatapos ni Ritz sa aming panayam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN