Julie Anne San Jose on being pitted against Daniel-Kathryn starrer Got To Believe: “Hindi naman po kami nakikipagkumpitensiya.”

Julie Anne San Jose on the possibility of her new show being pitted against Daniel-Kathryn starrer Got To Believe: “Ako po, actually I really want to keep peace sana and hindi naman din po kami nakikipagkumpitensiya, di ba? Kumbaga kung ano po yung matapatan, e di okay lang din po, di ba? At least di ba may story na tinapatan. I mean like, may story na tumapat sa kanila.”


May balitang ang Kahit Nasaan Ka Man (na ipapalabas na sa September 23) nina Julie Anne San Jose at Kristoffer Martin ang itatapat ng GMA-7 sa show nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na Got To Believe ng ABS-CBN.

Ironic dahil nagkaroon dati ng intriga sa pagitan nina Julie Anne at Daniel.

Maayos na ba sila ni Daniel?

“Never naman po kaming nakapag-usap or something,” sagot ni Julie Anne.

Kahit nagkasama sila sa concert ni Ogie Alcasid kamakailan, hindi raw sila nagkita kahit sa backstage.

At ang comment ni Julie Anne sa napipintong pagtatapat ng shows nila…

“Ako po, actually I really want to keep peace sana and hindi naman din po kami nakikipagkumpitensiya, di ba? Kumbaga kung ano po yung matapatan, e di okay lang din po, di ba?

“At least di ba may story na tinapatan. I mean like, may story na tumapat sa kanila,” saad niya.

Kinakabahan ba siya?

“Sort of, opo naman, opo naman po.

“Kasi first ko po ito sa primetime so medyo nakaka-pressure nga din po,” pag-amin ng dalaga.

Isa pang ironic, ang dating kapareha ni Kristoffer years ago ay si Kathryn. Sila ang gumanap na batang Dingdong Dantes at batang Marian Rivera sa Endless Love.

“Opo nga po,” at natawa si Julie Anne.

Sa Kahit Nasaan Ka Man, kakanta ng live ang bawat karakter sa mga eksena.

Wala nang challenge ito kay Julie Anne dahil mahusay siyang singer.

“’Okay lang po,” at muling tumawa ang dalaga.

“Kanina nga po ang ganda ng boses ni Kristoffer.’

Earlier that day ay nag-record sila ng kantang “I’ll Be There” na siyang theme song ng kanilang drama series.

“Natutuwa po ako sa kanya kasi habang kinu-coach ko siya nakukuha naman niya po. Konting praktis pa talaga tapos ayun, makukuha na niya,” pagmamalaki niya kay Kristoffer.

Ginagawa na ni Julie Anne ang kanyang second album, at sa tanong kung kailan man siya magku-concert siya sa Araneta Coliseum, tumawa muna ang dalaga bago sinabing…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko pa po alam, e. Pero hopefully po sana next year. Next year, sana po kayanin.”

NO JEALOUSY ISSUES WITH JOYCE CHING. Tinanong naman namin si Julie Anne kung hindi kaya siya pagselosan ni Joyce Ching na girlfriend ni Kristoffer ngayong sila ang magka-loveteam?

“Ay hindi po!”

Magkaibigan ba sila ni Joyce?

“Hindi po kami yung hindi talagang close pero okay po kami. although nagkikita po kami minsan pero wala naman po akong problema sa kanya, wala rin naman po siyang problema sa akin.

”So iyon po, as in like casual lang, tapos iyon okay kami, chill-chill lang, ganun, parang buddy-buddy, friends-friends,” paliwanag pa niya.

Nanalo si Julie Anne sa Sunday All Stars last week bilang Viewer’s Choice.

“Hindi ko nga po ine-expect e, Dyusko! Nagulat talaga ako, e.”

ON ALDEN RICHARDS. Kumusta na sila ni Alden Richards?

Na-link sila kamakailan lang.

“Okay lang po. Hindi po kami nagkikita, e.

”Nagkikita po kami pero okay lang po casual lang.”

May balita pa nga na nagliligawan diumano ang dalawa; bakit naudlot?

“Hindi ko po alam, I dunno.”

Nanligaw ba si Alden sa kanya?

“Hindi ko po alam, e.”

Nagparamdam?

“Hindi ko po alam, e.”

O baka naman binasted niya?

“Hindi ko po alam, e. Next topic na lang po, huwag na po nating pag-usapan yan.

“Tsaka tapos na po yan kaya let’s all move on,” at tumawa si Julie Anne.

“Let’s all move on, okay na po yun.”

Galit ba siya kay Alden?

“Basta po, ayoko na po munang pag-usapan. Kung gusto ninyo po, siya na lang po yung tanungin ninyo. Basta po ako, ayoko na rin pong magsalita kasi wala pong personalan, trabaho lang po ito talaga,” diin niya.

Pero may offer na proyekto na pagsasamahan nila ni Alden, tatanggapin ba niya?

“Ako, I’m just being a professional and if ever, okay lang naman din po sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung tatanungin siya ng GMA kung sino pa ang gusto niyang maging leading man na hindi pa niya nakakapareha…

“Si Aljur [Abrenica]!

“Sino pa ba? Si Tom [Rodriguez],” panghuling saad ni Julie Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN