Luis Alandy on manager Noel Ferrer: “Hindi na rin naman ako parang bata na sunod nang sunod din sa kanya.”

Sa huling linggo raw ng Setyembre ay magtatapos ang kontrata ni Luis Alandy sa GMA-7. Pero aniya, kung anuman ang plano ng manager niyang si Noel Ferrer para sa kanyang career ay kailangang klaruhin muna nila. “Kung ano, pag-uusapan muna namin, hindi naman ako kaagad papayag,” pahayag ni Luis.


“Maganda yung ending namin at medyo may kilig, at saka parang open-ended,” umpisang sinabi ni Luis Alandy tungkol sa nalalapit na pagtatapos sa Biyernes ng Binoy Henyo ng GMA-7.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Luis sa Bago Bantay Elementary School sa Quezon City, kahapon, September 15 sa last taping day ng Binoy Henyo.

Siyam na linggo lang ang itinakbo ng show na ito na kinabibilangan niya at pinagbibidahan naman nina David Remo at Sheena Halili.

Hindi ba naiiklian si Luis sa itinakbong airing ng show?

“Actually, you see the positive in everything.

“Kahit na sandali lang kami, at least yung substance ng show namin maganda, tsaka maganda yung ratings,” sagot ni Luis.

Mami-miss raw niya ang kanyang co-stars.

“Mami-miss ko si David, si Sheena, tsaka si Gwen [Zamora]. Kasi sila yung madalas kong kaeksena.”

Si David ang gumanap sa show bilang ang bidang bata na si Binoy.

NO KID YET. Napag-alaman ng PEP na mahilig pala sa bata si Luis.

“Oo, ako na lang kasi ang walang anak sa aming magkakapatid,” katwiran niya.

Pero napagkikita siya na may mga kasamang bata minsan. Sino ang mga ito?

“Siguro nakikita nila yung mga pamangkin ko. Madalas kasi sa akin sila sumasama, e.

“Actually isa na lang ang natira dito, yung anak ng sister ko. Yung ibang mga brothers ko kasi nasa ibang bansa na e,” patuloy ni Luis.

HORROR WITH SHEENA. Tungkol naman sa mga plano sa kanyang career ang napag-usapan.

Nabanggit niyang magkakasama pa sila ni Sheena sa isang horror movie.

“Dapat entry siya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na independent film, kasi yata may independent film [category] na, pero nag-pull out yata yung production. Ilalagay nila sa International Horror Festival, so mas malaki yatang festival iyon.”

SEVEN YEARS WITH SEVEN. Pitong taon nang nagtatrabaho si Luis sa Kapuso network. At sa huling linggo raw ng buwang ito, matatapos na ang huling kontratang pinirmahan niya sa GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magre-renew ba siya ng kontrata sa Siyete?

“Hindi ko pa alam kay Noel kung ano. Dini-discuss nila,” sagot ni Luis.

Paano kung sabihin sa kanya ng manager niyang si Noel Ferrer na ililipat siya sa ibang TV station?

“Kung ano, pag-uusapan muna namin, hindi naman ako kaagad papayag.

“Siyempre, kung sa tingin niya kung ano ang mas makakabuti sa akin, siyempre I should trust him.

“And hindi na rin naman ako parang bata na sunod nang sunod din sa kanya.

“Siyempre kailangan pag-usapan din namin.”

Pero sa kabila ng manager-talent relationship nila ni Noel, ayon kay Luis ay wala siyang kontrata rito.

“Lahat naman ng previous managers ko, wala.

“Wala naman silang naging problema sa akin,” sabay-tawa ni Luis.

Wala pa raw siyang alam na next project niya.

“Ano pa lang, movies pa lang ang sinabi ni Noel.

“Yung Katipunan dapat pero, as of yesterday, sabi ni Noel parang hold daw muna dahil parang nagkakaroon ng problema sa casting.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN