Rufa Mae Quinto ignores young suitors: “Mas gusto ko yung kaedad ko o yung mas may edad sa akin.”

Nabibilang na isa sa mga magaganda at attaractive na artista si Rufa Mae Quinto pero nanatiling single pa rin siya. Ang dahilan niya, “Enjoy naman ako sa life ko. May panahon pa naman sa sinasabi nilang ano... yung pagiging double, nasa choice kasi ‘yan ng tao. Ako kasi, hindi ko choice na mag-focus doon sa lovelife.”


Cover girl si Rufa Mae Quinto ng FHM September 2013 Special-Double Issue (Comedy+Style) with Luis Manzano sa flip cover.

Pang-apat na appearance na ito ni Rufa Mae sa popular na men’s magazine.

Una ay noong January 2001, sumunod noong April 2003, at ang pangatlo ay noong February 2010.

Kinumusta ng PEP.ph (Phlippine Entertainment Portal) si Rufa Mae noong Biyernes, September 13 sa Robinsons Galleria bago ang autograph signing niya ng FHM issue.

“Heto, siyempre, masaya ako. Kasi I feel like at home na ako sa FHM," bungad ni Rufa Mae.

“Meaning, sexy pa pala ako, kaya I’m happy and proud na kinuha pa rin nila ako.”


MORE PROFESSIONAL. Ano ba ang kaibahan nito sa dating poses niya sa mga nakaraang isyu na siya rin ang cover girl?

Pagbabalik-tanaw niya, “Yung dati kasi, halos mas nahihiya... alam mo yun? Two-piece ang ganap na basta mag-pose lang?

“Ngayon kasi, mas matagal na akong nagko-cover girl, nagpo-pose, parang mas professional ang dating.

“Ngayon siyempre ay mas napa-proud ako nang wagas.

“Lahat nga ng tao ay nagsasabi ng, ‘Congrats, Peachy [palayaw niya]!’ Ganyan-ganyan.

“Yun, na-appreciate ko yun, na everybody is happy for me.

“So, congratulations to me,” na sinabayan niya ng malakas na bungisngis.


TOP SEXY-COMEDIENNE. Nagkaroon ba siya ng pagkakataon na magbigay ng kanyang mga suggestion o ideas pagdating sa concept ng kanyang cover?

Pagtanggi ng sexy-comedienne, “Hindi naman. Sila ang nag-isip.

“Gusto nila ay yung mas ako lang. Wala na kung anu-ano pa.

“Ang bilis ko namang kausap, e. Kung yun ang gusto nila, ako lang as myself, di go!

"Pose, smile, pose...ganoon.

“Ngayon kasi, hindi na uso yung cleavage, e. Yung sa baba [lower body] na ang focus nila para maiba naman.”

Ayon sa isang FHM insider, si Rufa Mae ang kinuha nila ulit bilang cover girl para sa September back-to-back issue, dahil ang concept nila ay i-feature ang isang top sexy-comedienne—si Rufa Mae nga yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang pakiramdam niya pagturing sa kanyang ito ng sikat na men’s magazine?

“Wow! Maraming salamat,” masayang reaksiyon ng seksing komedyana.

“Importante ay masaya ako sa ganap ko dito sa FHM.

“Pinili nila ako again for this issue, which is a collector’s issue daw, at narito rin si Luis Manzano na hindi naman madalas na may guy sa FHM.

“For me, that’s the most important thing.

“So, thank you sa lahat ng mga naniniwala. O, di ba? Thank you sa lahat ng buyers ng FHM.”


STILL HOT. Mas nako-conscious na ba siya ngayon sa sexy pictorials niya considering 35 years old na siya?

Tugon niya, “Minsan kasi, naiisip ko rin, ‘Kelan pa ba? Hanggang kelan ko ba gustong maging sexy?’

“Minsan kasi ay naiisip ko na rin na mag-let go [ng sexy image]. O, di ba, baliktad ang pangarap?

“Kaya ngayon, habang carry pa at puwede pa yung pose-pose na ganyan, ginagawa ko na.

“Actually, almost three years din since noong last na mag-cover ako, di ba?

“Kasi nga, parang ano... lagi na lang akong nagpapa-sexy sa pictorials.

“Sabi ko, dapat tama na rin. Kaya lang, I can’t resist. Gets pa rin nila ako.

“They truly believe in me,” na sinabayan niya ulit ng malakas na tawa.


COMEDY TO DRAMA. Bukod kasi sa pagpapa-sexy ay gusto na niyang magpakaseryoso bilang isang drama actress.

Tulad daw ng ginawa niya sa pelikulang Ang Huling Henya at ang kasalukuyan niyang ginagawa na Positive, isa sa mga bagong TV drama series ng Kapatid network.

“Yun nga, drama siya, drama ako again. So, that’s the best,” pagmamalaki ni Rufa Mae.

“From sexy-ness to comedy-ness to drama-ness,” biro pa niya.

“Drama talaga siya with Martin Escudero, Bing Loyzaga, Bianca Manalo, at marami pang iba.

“Ang director namin ay si Eric Quizon.

“Tungkol ito sa AIDS na may dyowa akong bagets. O, di ba, ganoon ang ganap?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hayun, si Martin nga ang dyowa ko na inaalam-alam niya kung saan ba nakukuha ‘yang pagiging HIV-positive."

HIV o Human Immunodeficiency Virus-positive ang termino para sa estado ng isang taong may HIV na siyang nagdadala ng sakit na Acquired Immunodeficency Syndrome o AIDS.

“So, isa ako sa mga nakarelasyon niya. Yun," patuloy ni Rufa Mae tungkol sa drama series nila ni Martin.


MATURE MEN. Puwede ba siyang ma-in love at magkaroon ng boyfriend na mas bata sa kanya sa totoong buhay?

“Posible naman,” kaswal na sagot ni Rufa Mae.

“Why not, di ba? Kaya lang, parang hindi ko lang gusto masyado.

“Mas gusto ko yung kaedad ko o yung mas may edad sa akin.

“May mga nanligaw sa akin na bagets, pero hindi ko na alam, hindi ko naramdaman.

“I just talk to them... wala, parang normal lang.”

Feeling ba niya ay iba ang intensiyon ng mga ito dahil sa sexy image niya?

“Oo nga, kaya nga hindi ko sila masyadong pinapansin,” pagsang-ayon naman niya.

NO PRESSURE. Masasabing isa si Rufa Mae sa "most desirable women" ng showbiz.

“Yung may mga intensiyon na... Ha-ha-ha! Merong ganyan ang ganap.”

Kaya ba hanggang ngayon ay single pa rin siya?

“Yes, I’m free. I’m carefree. Joke!” natatawang saad niya.

“Masaya naman ako sa pagiging single—walang pressure.

“Enjoy naman ako sa life ko. May panahon pa naman sa sinasabi nilang ano...

“Yung pagiging double, nasa choice kasi ‘yan ng tao.

“Ako kasi, hindi ko choice na mag-focus doon sa lovelife, e.

“Kasi, nag-focus na ako before nang bonggang-bongga. Ibahin naman ang focus.

“Basta, I’m settled. O, yun.”


RESOURCE PERSON. Dahil tungkol nga sa AIDS o sa pagiging HIV-positive ang tema ng huling proyekto niya sa TV, hindi malayong maimbitahan siya ng mga concerned groups na maging speaker tungkol dito.

Papayag ba siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko sure kung ano ang sasabihin ko,” natatawang pahayag niya.

“Ano, siguro, parang babala na lang. Kasi, dapat maging aware sila sa kaganapan sa pali-paligid.

“Siyempre, dapat alam nila yung magiging consequence kung sakaling hindi sila mag-iingat.

“Marami na ring kaso sa atin ng ganoon, di ba? So, dapat, mag-ingat talaga at matakot, kasi kakaiba ang sakit na ito.

“Yung lang siguro ang puwede kong gawin as of ngayon—mabigyan sila ng babala,” pagtatapos ni Rufa Mae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN