GMA primetime queen Marian Rivera steps into ABS-CBN territory for Star Cinema’s Kung Fu Divas

Marian Rivera (left) and Ai-Ai delas Alas will co-produce and star in Kung Fu Divas.


“Hindi ko maipaliwang,” ang masayang tugon ni Marian Rivera nang tanungin sa pakiramdam nito sa pagtungtong niya sa ABS-CBN complex noong Setyembre 11.

Nagpunta ang Kapuso Primetime Queen sa Kapamilya complex, kasama si Ai-Ai delas Alas, para sa meeting ng pelikulang Kung Fu Divas ng Star Cinema.

Hindi lamang mga bida sina Marian at Ai-Ai sa pelikulang ito, sila din ay mga co-producers nito.

Ayon kay Marian sa ipinalabas sa The Buzz kahapon, September 15, “Nakakataba ng puso na, siyempre, sa unang pagkakataon e nakatungtong ako rito sa ABS at ang saya-saya kong makapunta rito.”

Dagdag pa niya, “Naalala ko nga pala, nag-OJT nga pala ako rito noong college ako. So, pangalawang pagkakataon na ito.”

Si Marian ay nasa bakuran ng GMA-7 (Kapuso network), ang mahigpit na kalaban ng ABS-CBN (Kapamilya network).

Ayon kay Ai-Ai, mabait si Marian at mahiyain, “hindi lang halata.”

Sabi naman ni Marian, parang “ate” niya si AiAi, “palaging nandiyan, napakalambing.”

Dagdag ni Marian, “Parang lahat ng katangian ng isang mapagmahal na ate, na kay Ate Ai na yata. Kaya thankful ako na nakatrabaho ko siya.”

Ang Kung Fu Divas na pagsasamahan nina Marian at Ai-Ai ay ipapalabas na October 2.

Sabi ni Marian, “Dahil sa pelikulang ito e merong friendship na nabuo sa aming dalawa, at yun ang masaya sa amin.”

Sa isang banda, nilinaw ni Marian kung talagang may plano na silang magpakasal ng boyfriend na si Dingdong Dantes.

“Ay, hindi totoo. Ang bilis, ‘no, ‘di ba? Hindi, totoo,” tanggi ni Marian, nakangiti.

Wala pa ring engagement?

“Wala. Sabi ko nga, yung mga ganyang bagay, hindi dapat nililihim. Ako mismo ang magsasalita at i-invite ko rin kayo.”

Tinanong din si Marian kung okay sa kanya na mag-guest sa It’s Showtime para i-promote ang Kung Fu Divas. Mainstay sa show ang ex-girlfriend ni Dingdong na si Karylle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Marian, “Actually, ti-nag niya ’ko sa Instagram at ni-like ko siya.”

Sinagot din ni Marian ang tungkol sa It’s Showtime, ang popular noontime show ng ABS-CBN, kung saan meron din siyang ka-look-alike, isang contest sa show.

Aniya, “Kahit saan naman puwede basta papayagan ako siyempre ng network.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN