Elmo Magalona on real score with Lauren Young: “We’re happy where we are right now.”

Elmo Magalona on what he likes most about rumored girlfriend Lauren Young: "I like analyzing people and expecting kung ano sasabihin nila sa akin and the things that make me laugh. With her, it’s always unpredictable. I don’t know what she’s gonna be doing next.”


Bagamat mailap pa rin si Elmo Magalona tungkol sa estado ng relasyon nila ni Lauren Young, inamin niya na tulad ng aktres ay mayroon din siyang inspirasyon ngayon.

Kaya tuloy marami ang naniniwala na ang kulang na lang ay kumpirmasyon na sila na.

Bilang lalaki ay mas maganda kung sa kanya manggaling kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para sa aktres.

Pero aniya, nirerespeto niya kung ano man ang opinyon ng ibang tao tungkol dito.

“Of course, it’s always the guy’s first move. But we’re happy where we are right now,” sabi ni Elmo nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa media launch ng Teen Week PH noong Biyernes, September 13.

Maingat man sa kanyang sagot, hindi naman niya itinanggi na si Lauren ang pinakamalapit na babae sa kanya ngayon.

Regular din daw ang kanilang komunikasyon kahit abala ngayon ang aktres sa GMA-7 weekend series na Dormitoryo.

Sabi pa ni Elmo, “We’re good. We’re really close.”

GOOD INFLUENCE. Kamakailan lang ay ibinahagi ni Lauren sa PEP na may isang lalaking itinuturing niyang inspirasyon para mas pahalagahan ang kanyang sarili.

Nang tanungin namin si Elmo tungkol dito, pakiramdam ng aktor ay magandang impluwensiya naman siya kay Lauren.

“Definitely. The way I see life, it affected her also.”

Pareho raw sila ng paniniwala pagdating sa pakikipagrelasyon.

“You’re not supposed to be dependent on the person you have relationship with. Pero usually, that’s how it starts. Masaya kayo, kasi magkasama kayo.

“Pero later on, as the relationship progresses, you’re gonna be able to appreciate little things that make you happy, even if you’re not with your boyfriend or girlfriend.”

Sa katunayan, ilan sa mga katangian na nagustuhan ni Elmo kay Lauren ay ang pagiging independent at ang fun-loving attitude ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She’s really unpredictable. I like analyzing people and expecting kung ano ang sasabihin nila sa akin and the things that make me laugh. With her, it’s always unpredictable. I don’t know what she’s gonna be doing next.”

REUNION WITH JULIE ANNE? Samantala, itinanggi ni Elmo na balak niya munang magbakasyon mula sa showbiz dahil hindi siya gaanong nakikita sa shows ng Kapuso network.

Bagamat hindi pa final kung anong susunod na proyekto ang kanyang gagawin, abala raw siya sa iba’t ibang commercial endorsements at social functions.

Saad niya, “It’s not intentional. Nagkataon lang na gano’n ang nangyari.

"People don’t see me as much as before. But I attend events here and there. I try to appear in different places, so that people will not think that I’m lying low."

May plano ba na makatambal niya muli si Julie Anne San Jose?

“Hindi ko alam. Kasi right now, we don’t really have a project together. It depends pa rin. We weren’t really told anything.”

Matagal na kasi mula noong huli silang nagkatrabaho sa teleseryeng Together Forever.

Kaya marami sa kanilang fans ang nagre-request na ibalik muli ang kanilang love team.

Pero ani Elmo, “I hear it from a lot of people. I guess, they’re just gonna have to wait.

Nagpapasalamat ang aktor na hanggang ngayon ay matindi pa rin ang suportang ipinapakita ng JuliElmo (Julie Anne-Elmo) fans.

Sa kabila nito, nakarating sa kanya ang balita na madalas nakakatanggap ng hate messages mula sa Julie-Elmo fans ang mga bagong nakakatambal ni Julie Anne tulad nina Kristoffer Martin, Ruru Madrid, at Alden Richards.

Kaya nakiusap si Elmo na sana ay respetuhin ng fans kung sino man ang bagong nakakapareha ng dating leading lady.

“I think it’s really petty, because we’re all in this professionally.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"They [bashers] should just be happy for different things. Huwag na silang mag-focus sa mga negative na nakikita nila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN