Dingdong Dantes waits for "spiritual blessing" before tying the knot with Marian Rivera

Although he’s committed to his showbiz career, Dingdong Dantes says it’s not the reason why he’s yet to propose marriage to Marian Rivera. "Ang basehan ay hindi naman mga praktikal na bagay. It’s a spiritual thing. You’ll just know the right time. Siguro ako lang nakakaalam nun.”


“Siyempre, she was happy. She needs someone beside her.”

Ito ang pahayag ni Dingdong Dantes tungkol sa reaksyon ng girlfriend niyang si Marian Rivera sa pagpirma niya ng five-year exclusive contract sa GMA-7.

Kasabay nito ay ang ispekulasyon kung magbabalik-tambalan ba sila sa primetime TV sa 2014.

Nabanggit kasi ni Marian sa nakaraang press conference nito na posibleng magkatrabaho ulit sila ng nobyo sa susunod na taon.

Pahayag ni Dingdong sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nung Sabado, September 14: “Sana. Pero siyempre nung mga panahon na yun nothing is certain yet. Nag-uusap pa ang aking manager at GMA.

"So, wala po kami sa posisyon na mag-declare ng posibleng gawin.”

Ganun pa man ay bukas daw siya sa ideyang makatambal muli si Marian, na huli niyang nakatrabaho sa teleseryeng My Beloved (2012).

Paliwanag ni Dingdong, hindi basta-basta lang ang pagpili kung sino ang puwede niyang maging leading lady sa susunod niyang proyekto.

Malaking factor din ang perfect timing, lalo na’t kung minsan ay may naiisip na bagay sa kanyang leading lady, pero hindi magkatagpo ang schedule sa paggawa ng proyekto.

“Ayoko lang dahil gusto. We now do this, wherein we go through auditions. Even I subject myself na, ’Babagay ba sa akin yung role?’ Hindi ko ipipilit.

“So, if it has to be na we will go through a process like audition, kailangan gawin yun, which we have been doing mula noong Marimar (2007-2008). It’s not just like, isipin ko, ‘Ah, ’eto gusto ko.’

“Kaya I give my full trust sa ating mga boss.”

MARRIAGE TALKS. Isa sa mga napag-usapan sa press conference na ginanap pagkatapos ng contract signing ni Dingdong ay kung kasama ba sa plano niya ang pagpapakasal sa loob ng susunod na limang taon.

Mismong boss niya na si Felipe Yalong, GMA-7 Executive Vice-President and Chief Financial Officer ay nagpasaring na susuportahan ng Kapuso network kung sakaling maisipan ni Dingdong na magpakasal na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit ayon kay Dingdong magpo-focus muna siya sa commitment niya sa kanyang trabaho.

Sa edad niyang 33 taong gulang, kailan niya masasabing handa na siyang lumagay sa tahimik?

“Ang basehan ay hindi naman mga praktikal na bagay. Hindi yung kung anong nagawa at kung ano yung hindi nagawa.

"It’s a spiritual thing. You’ll just know the right time.

"Siguro ako lang ang nakakaalam nun,” nangingiting turan ni Dingdong.

Maging si Marian, 29 ay nasa hustong gulang na rin para magpakasal.

Pero ayon kay Dingdong, ramdam niya na hindi pa naman ito naiinip sa paghihintay ng marriage proposal.

“Alam ko mga pangarap niya. Alam ko yung capability niya. Alam ko yung mga gusto pa niyang gawin.

"Although I don’t wanna claim naman na 100 percent [na alam ko], kasi siya ay isang indibiduwal din na may sariling discretion.

"But at this point I know what will make her happy," saad ng Kapuso actor.

Ayon pa kay Dingdong, buo ang tiwala at seguridad ni Marian sa kanilang relasyon.

“Just like my commitment to GMA for 15 years, it [also] speaks of how I am to people that I love.”

PROUD BOYFRIEND. Tulad ni Dingdong ay sumabak na rin si Marian sa pagpo-produce ng sariling pelikula.

Pareho pa silang nabibigyan ng pagkakataon na makatrabaho ang malalaking artista ng ABS-CBN via Star Cinema.

Co-producer ni Marian sa Kung Fu Divas ang co-star niyang si Ai-Ai delas Alas at direktor nilang si Onat Diaz. Joint production din ito ng Star Cinema at Reality Entertainment.

Saad ni Dingdong tungkol dito, “Yung project na yun, nag-umpisa dahil gusto niya yung concept.

"Nung time na yun, hindi pa sure na may posibilidad na magiging kapartner nila ang Star Cinema.

“But probably, because yun ang direction ng kanyang partners, si Direk Onat at si Ai-Ai ay mas naging lamang ang gano’ng option.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, sa umpisa, hindi niya alam it could happen. Siguro dahil nandiyan na ‘yan, it’s a good thing for her also to experience that.”

Binigyan ba niya ng tips si Marian pagdating sa pag-produce ng pelikula?

“Hindi na kailangan. Alam kong may sarili siyang diskarte.”

MOVIE WITH BEA. Samantala, tuluy-tuloy raw ang shooting ni Dingdong ng upcoming movie nila ni Bea Alonzo na She’s The One.

Kumpara sa huli niyang pelikula sa Star Cinema na One More Try (2012), wala raw siyang ginawang love scenes para rito.

Ani Dingdong, “It’ a light-romantic movie, so none of those scenes that you saw from my previous one.”

Sa isang hiwalay na panayam ay inamin ni Bea na nailang siya kay Dingdong dahil ito ang unang proyekto na pinagtambalan nila.

Pero ginarantiya ni Dingdong na maganda ang resulta nito ng mga nakunan na nilang eksena.

“It’s pretty much an advantage to both of us. We enjoy working on the set.

“I shoot every day, even on Sundays. Lalabas na kami sa October 16.”

Maging ang pagkakaroon nila ni Bea ng kani-kanilang karelasyon sa tunay na buhay ay nakatulong din daw sa paggawa nila ng pelikula.

“It really works that we have our respective partners.

"Ang nilalatag naman namin is a story how life is, how love is.

"Ano ba ang ang magandang pagbasehan kundi ang aming personal na buhay?” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN