Kris Aquino becomes "stage mother" to son Bimby in his first movieby Rose Garcia posted on

Kris Aquino on allowing son Bimby to join showbiz: "Na-realize ko, ngayon lang darating ang opportunity na ito na cute pa siya, maliit pa siya. Gusto kong gawin, and gusto ko na masubaybayan ko.”


Tutok ang TV host-actress na si Kris Aquino sa anak na si Bimby, sa unang pelikula nitong My Little Bossings.

Kasama rin sa pelikula si Kris at sina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon.

Dahil sa pagiging tutok ni Kris kay Bimby sa bawat eksena nito ay may nagsasabi tuloy na baka sumusobra na ang pagiging “stage mother” ng Queen of All Media.

Pero paliwanag naman ni Kris sa panayam niya sa The Buzz, “Ito ang first movie ni Bimb kaya gusto ko talaga, mag-look back siya fondly to this.

“Natutuwa siya, kasi sabi ko, ‘See? I’m just watching you, I’m making you bantay.’”



FIRST MOVIE. Proud at masaya si Kris dahil nakikita raw niyang focused ang anak sa paggawa ng kauna-unahan niyang pelikula.

Patotoo pa niya, “Parang alam niya kung ano ang trabaho talaga, parang alam niyang focus talaga.

“Nagbe-behave naman kaya nakaka-proud. Tapos, sabi ko, ‘Bawal ang nahihiya, ha?’

“Tapos, ang gusto ko talaga, lumalawak ang pagtingin niya kung ano ang meron sa mundo.

“At happy ako, yung mga una niyang nakatrabaho, puro mga down-to-earth.”

Si Kris naman daw ay kaunti lang ang mga eksena sa pelikula.

“Special participation lang talaga ako, kasi kung nandoon ako sa buong movie, walang kuwento.

“Kasi ang kuwento has to be nawala ako, that’s why napunta siya [Bimby] kay Vic.

“Inaalagaan siya, and that’s why nakilala niya ang pamilya ni Vic.”

Balik-tambalan din nina Kris at Vic ang My Little Bossings, na official entry sa Metro Manila Film Festival 2013.

Pero pauna na ni Kris, “Doon po sa script, tatatlo po ang eksena namin. So, huwag kayong mag-expect ng anything.

“Kanina, sinasabihan nga siya [Vic] na siya na yung last take.

"Sabi ko, ’Dapat lang, kasi dapat i-prioritize natin ang kids.’”

MAGICAL TIME. Open-ended daw ang My Little Bossings, kaya depende sa magiging takbo ng pelikula kapag ito’y naipalabas ang pagkakaroon nito ng Part 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Kris, “Ang sayang makita kung paano lalaki yung dalawang bata, ang sarap masubaybayan yung maturity nilang dalawa.

“It’s a special magical time sa kanilang dalawa.”

Masaya rin si Kris dahil nakikita niya ang anak na kumportable sa mga katrabaho nito, lalo na kay Ryzza Mae.

“Ang nakita ko lang talaga is that nagtutulungan sila.

“Pero napapansin ko na medyo may shyness pa ng konti kay Ryzza.

“Sinabi niya sa akin, ‘Ang name po kasi namin, masa kami… Viray.’"

Natatawang kuwento pa ni Kris, “Viray raw sila. So sabi ko, ‘Sige, kung ‘yan ang gusto mo, e, di go!’

“Nagkataon lang talaga that this opportunity arose, and noong in-offer nila sa akin for Bimb to be part of it and [for me] to co-produce it, I thought about it talaga.

“I discussed it with my family.

"And then, na-realize ko, ngayon lang darating ang opportunity na ito na cute pa siya, maliit pa siya.

“Gusto kong gawin, and gusto ko na masubaybayan ko.”



MORE OFFERS. Sinabi rin ni Kris na hindi pa man tapos ang pelikula, may mga offer na raw siyang natatanggap kay Bimby para naman sa telebisyon.

“Well, may mga offers na siyang series after this.

“Inu-offer siya ng kanyang Ninong Deo [Endrinal], one season ng Wansa [Wansapanataym], na pinag-iisipan namin.”

Pero ayon kay Kris, pinasok man daw ni Bimby ang showbiz ay alam pa rin nila kung ano ang prayoridad nito.

Aniya, “Ayoko lang mag-suffer ang school kasi he’s doing well... okay siya academically.

“Tapos sa sports, he’s on the taekwondo team at nasa swim team siya, so prioritizing lang talaga ‘yan.

“Hindi ko alam, ayokong ma-deprive siya of a childhood also, dahil puro trabaho.

“So, tingnan na lang natin.”



CONFIRMED. Kinumpirma naman ng direktor ng My Little Bossings na si Marlon Rivera ang pagiging "stage mother" ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Direk Marlon, “Si Kris po ay isang stage mother, confirm na confirm na po yun!

“Salubong niya sa akin, pagka-greet niya sa akin, may mga dala siyang costumes, ‘Direk, ano ang susuutin ni Bimby? Kasi, I have choices, e.’

“Tapos, sabi ko, ‘Ikaw talaga ang may dala ng mga costumes na ‘yan?’

“’Oo, Direk, di ba?’

“For me, nanay siya ni Bimby. For me, nakita ko ang ibang side ni Kris.

“Meron siyang ibang binabantayan. This time, may iba siyang concerns.

“Nagbabantay siya, nasa tabi lang siya ng camera, hindi siya sa harap ng camera."

Dagdag ng direktor, “Bimby can also be playful, but he follows instructions.

“Siyempre, hinihintay ng mga tao, unang pelikula ni Bimby and with Ryzza Mae.

“Of course, si Bimby naman, ipinanganak na ‘yan sa showbiz—ipinanganak na ‘yan sa camera.”



JOSHUA. Iba naman daw ang ibinibigay na suporta ni Kris para sa panganay niyang anak na si Joshua.

“Si Kuya kasi, naka-focus siya ngayon. Meron siyang 10-kilometer run end of the month.

“Inaano niya sa akin, kailangan nandoon kami to cheer.

"Ang goal niya next year, to compete sa triathlon.

“Serious siya talaga about it and talagang ano talaga, may passion and dedication.

“So, yun, encourage lang, kung ano ang gusto nila, go.”



PRIVATE LIFE. Maliban sa dalawang anak niya, may balitang may espesyal na lalaki na rin daw si Kris ngayon.

Kapansin-pansin daw ito sa ilang Instagram posts ng Queen of All Media, na may quotes na nagpapahiwatig na may espesyal na lalaki sa buhay niya ngayon.

Ano ba ang katotohanan dito?

“No comment ako talaga, kasi I deserve privacy and happiness,” nakangiting sabi ni Kris.

Masaya ba siya?

“Okay naman. Ayokong sabihing haping-happy ako dahil maraming gustong maging sad ako, kaya okay lang.”

Open ba siya sa puwedeng mangyari?

“Basta!” natatawang sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ako sasagot kasi sabi lang sa akin, if you keep that aspect of your life private, mas magiging malaki ang chance na mag-progress at lumigaya.

“So, mas maganda na tumahimik na lang ako.”

Kris Aquino becomes "stage mother" to son Bimby in his first movie Kris Aquino becomes "stage mother" to son Bimby in his first movie Kris Aquino becomes "stage mother" to son Bimby in his first movie


Kris Aquino becomes "stage mother" to son Bimby in his first movie Kris Aquino becomes "stage mother" to son Bimby in his first movie Kris Aquino becomes "stage mother" to son Bimby in his first movie Kris Aquino becomes "stage mother" to son Bimby in his first movie

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN