Marco Alcaraz wants "better contract" with GMA-7

Marami na raw pagbabago kay Marco Alcaraz mula nang isilang ng asawang si Precious Lara Quigaman ang kanilang anak na si Noah. Kuwento niya, “Well, hindi na ako madalas na lumalabas, it’s more on to give him a good future… To be a good dad para sa baby and to be a good husband din para kay Lara.”


Halatang masaya si Marco Alcaraz sa kanyang pagiging mister kay Precious Lara Quigaman at ama sa kanilang anak na si Noah.

Ilang buwan ding nabakante sa trabaho si Marco, pero ginamit daw niya ang panahong ito para alagaan ang kanyang anak.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Yung last soap ko, yung Bukod Kang Pinagpala, kontrabida rin ako doon.

“Two and a half months din ako nakapagbakasyon, nakapag-alaga ng baby.”

Kumusta ang pagiging daddy niya?

“Yun nga, pressured na maging mabait at responsable na dad,” sagot ni Marco.

May pressure ba?

“Sobra, oo, kasi the baby looks up sa iyo.

“Like ngayon, pinagbabawalan ako ni Lara na magsalita ng bad words kapag nasa harap ng baby.

“Siyempre, ang bilis niyang maka-pick up ng words ngayon, e, ang bilis niyang gumaya.

“So, yun, gusto ko lang maging magandang ehemplo kay Noah.”

Marami bang nabago sa kanya ngayong daddy na siya?

Ayon kay Marco, “Well, hindi na ako madalas na lumalabas, it’s more on to give him a good future…

“To be a good dad para sa baby and to be a good husband din para kay Lara.”

Sa kanilang dalawa raw ni Lara, mas nakikita ni Marco ang pagiging hands-on ng misis niya.

Kuwento niya, “I give credit kay Lara kasi siya talaga yung sobrang hands-on na minsan, dinadala pa niya sa taping.

“Minsan, nami-miss niya ang baby kapag nasa taping siya.

“Like kahapon, ayaw niyang mag-taping kasi may konting sinat yung baby, so ako ang nagdala sa pedia.”



FIRST BIRTHDAY. Sa November 10 ang unang kaarawan ng kanilang anak at kasabay na rin nito ang binyag.

Ano ang mga plano nilang mag-asawa?

Natatawang sabi ni Marco, “On the works pa rin po, inaayos pa ang lahat, parang cramming nga!

“Pero siyempre, gusto ni Lara, espesyal talaga para sa baby.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga ninong at ninang na ba silang napili?

“Well, sina Direk Dominic Zapanta, Direk DonDon Santos.

“Ang alam ko, kinuha rin niya sina Jhong Hilario, Senator Lito Lapid na nakasama niya sa Little Champ, at ibang directors din from ABS-CBN.

“Sina Luis Alandy, Gerald Anderson... maraming non-showbiz na friends din.

“Pero sa showbiz, kung sino rin usually yung nasa kasal ko, sila rin yung mga ninong at ninang.”



KID’S CHOICE. Kung sakali, saan gusto ni Marco na sumunod ang kanilang anak—sa pag-aartista tulad ni Lara o pagiging basketball player tulad niya?

Sabi niya, “Well, kapag kasi kinukuhanan ng picture, kapag sinabi naming smile, ayaw niya.

“Pero kapag may flash, naka-ready ang smile.

“Mukhang bibo naman siya, sumasama sa lahat ng tao.

"Kung gusto niyang mag-artista, why not, di ba? Pero siyempre, studies first muna.

“Kung gusto niyang maging artista, why not, kung once a week muna.

“Parang Goin’ Bulilit, para ma-develop ang acting skills niya.

“Pero siyempre, gusto ko rin na maging player siya... kahit saan niya gusto.”



BASKETBALL VS. SHOWBIZ. Dating amateur basketball player si Marco at nakapaglaro siya sa National Collegiate Athletic Association (NCAA).

Noong nakaraang FIBA Asia nga raw ay todo-suporta niya sa Gilas.

Kuwento niya, “Halos every game nga nandoon ako, nanonood ako.

“Lucky na nakakakuha ng tickets, nakakakuha ng magandang seats.

“Nakaka-miss maglaro, pero sobrang proud ako sa Gilas, sobrang happy dahil nangyari yun.

"Forty years ago pa na tayo ang nag-host. Sobrang tagal na rin na nakaabot sa World Cup.

“Sobrang proud ako sa history at siguro naman, lahat ng Pinoy, proud sa nangyari sa Gilas.”

Pagdating naman sa showbiz career niya, sinabi ni Marco na hanggang ngayong September na lang ang kontrata niya sa Kapuso network.

Pero ipinauubaya na raw niya sa kanyang manager na si Noel Ferrer kung ano ang magiging desisyon nito pagkatapos ng kontrata niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ng anim na taon niya bilang Kapuso, magiging masaya ba siya kung sakaling ire-renew siya?

“Opo naman, pero siyempre sana mas maayos na kontrata,” nakangiti niyang sabi.

Ano ang ibig niyang sabihin sa mas maayos na kontrata?

“Well, siyempre may pamilya na tayo, loyal naman tayo sa kanila.

“So, hopefully better contract, sana ma-guarantee tayo.”

Kung sakali at magkaroon din ng offer sa kanya ang ibang network, prayoridad pa rin niya ang GMA-7?

Sagot ni Marco, “Siyempre, priority natin ang mother network natin.

“Nine years na rin pala ako sa industriya, matagal-tagal na rin ako sa show business.

“Nag-umpisa ako sa ABS ng mga more than two years, then GMA na talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN