Enzo Pineda on status of relationship with ex-girlfriend Louise delos Reyes: "We’re dating."

Seryoso at maingat na raw si Enzo Pineda sa muling pagde-date nila ng dating girlfriend na si Louise delos Reyes. Kuwento niya, “We have work, may mga priorities kami sa buhay namin. I want to be with her because I want to celebrate something or I want to have fun.”


Pagkatapos niyang magpakita ng kakayahan sa afternoon soap na Kakambal ni Eliana, leading man muli si Enzo Pineda sa weekend serye ng GMA-7 na Dormitoryo.

Ayon kay Enzo, nang makausap ng PEP.ph Philippine Entertainment Portal) last week, “I feel happy.

“Kapag nagsisipag ako, at least maraming nagbubungang blessing dahil doon.

“Akala ko kasi dati, kailangang maghintay for a project.

“Pero natuto ako na kailangang magsipag muna para mabigyan ka.”

Dati ba ay hindi siya masipag at naghihintay lang ng proyektong ibibigay sa kanya?

Aniya, “Siguro, hindi ako ganoon kasipag.

“Aminado ako, I just have to... this year lang kasi na I wanna make the most out of it.

“Ayoko na maging, ‘Wala lang itong taong ito.’"

Dagdag pa ni Enzo, “Kakambal ni Eliana, then nagkaroon na ako agad ng Dormitoryo.

“Having two shows in a year, it’s kinda like a big deal, di ba?

“Happy ako sa trust na ibinibigay sa akin ng GMA, at happy ako dahil they are willing to invest on me at nakikita nila yung efforts ko.

“Yun lang naman din ang gusto kong makita nila—I’m here and I’m willing to be a very good actor.

“Mahal ko ang trabaho ko at gagawin ko ang lahat para maging okay ako.”


NEW FRIEND. Kung sa Kakambal Ni Eliana ay si Kim Rodriguez ang kapareha niya, dito sa Dormitoryo ay sila ni Lauren Young ang magkatambal.

Si Lauren ay dating kasama naman ng napapabalitang nakabalikan niyang girlfriend na si Louise delos Reyes sa Mundo Mo’y Akin.

Sabi ni Enzo tungkol kay Lauren, “Okay lang, at least there’s trust.

“We’re comfortable with each other, walang ilangan.

"They’re good friends, so walang ilangan.

“And Lauren is really fun to be with... sa set, makulit ‘yan, e."

Nagtutuksuhan ba sila?

“Nagtutuksuhan kami, pero hindi tungkol sa mga mahal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masarap kasama si Lauren at hindi ko akalain na magiging ganoon kami ka-close in a span of a month.”



PRESSURE. Aminado si Enzo na may pressure sa kanilang cast ng Dormitoryo. Ilan na rin kasing youth-oriented show na nailagay sa naturang timeslot ng GMA-7 na nawala rin agad.

“Yes, nakaka-pressure, pero ayoko siyang isipin.

"Basta maganda ang trabaho namin, maganda ang quality ng show namin.

“Of course, pressure ito, ang tagal bago nagkaroon sa timeslot na yun.

“But I believe in our team, sa cast, kay Direk Jun Lana.”



COSMO BASH. Samantala, hindi muna rarampa si Enzo sa Cosmo Bachelor Bash sa September 24.

Ito ay sa kabila ng halos karamihan ng mga kasamang actors sa taunang event ay mga kapwa niya Kapuso.

Paliwanag niya, “Hindi na muna for this year, kasi naging part ako ng Bench Body, nag-Cosmo ako, nagawa ko na yun.

“So I want to show something new naman this year, lalo na sa mga viewers natin.

“Mahirap kasing mag-Cosmo na magtatanggal ka lang ng suit.

“Kailangan, may maganda kang gimmick or may hype na parang may gagawin ka or something or you’ll show something new.

“Hindi naman yung tatanggapin mo lahat.

“Kasi, nag-Cosmo ako two years ago, parang totoy pa ako.

“Siguro, gusto ko naman, pagbalik ko, hindi na yung parang boy-next-door.”



TOGETHER AGAIN? “We’re dating,” ang naging sagot ni Enzo nang tinanong kung umaamin na siyang nagkabalikan sila ni Louise.

Sabi niya, “Well, kapag nag-deny naman ako, medyo sinungaling na ako.

“Nakikita naman sa Instagram ang mga post ko, post namin.

“At saka, sinabi sa amin ng GMA Artist Center, ‘If you’ll gonna post something, you have to make sure na kaya mong panindigan.’

“Ngayon naman, we’re just having fun at tina-try ko siya na hindi maging ganoon kaseryoso...

"Hindi sa hindi ko siya sineseryoso... I mean, we have work, may mga priorities kami sa buhay namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I want to be with her because I want to celebrate something or I want to have fun.

“Hindi yung not too serious na you’re taking… having so much responsibilities with each other.

“It’s always good to have your own space.”



BIRTHDAY GIFT. Hindi rin itinanggi ni Enzo na noong 20th birthday kaarawan ni Louise last September 1 ay isang Tiffany necklace at Bulgari bag ang iniregalo niya rito.

Ayon kay Enzo, “Yun ang gusto niya, e.

“Nakita ko sa Instagram, nag-spy na rin ako, tapos yun na ang binili ko.

“I could have gotten her something else, pero siyempre, ibibigay ko na ang gusto niya.”

Ano ang sabi ni Louise noong ibinigay niya ang kanyang regalo?

“Siyempre natuwa siya. Sobrang proud nga.

“Parang sa lahat ng shows, yun na ang gagamitin niya.

“Siyempre, masarap sa pakiramdam dahil ganoon din naman ako.”

Isang TechnoMarine watch naman ang naging regalo ni Louise sa kanya noong 23rd birthday niya last August 12. Suot-suot pa nga ni Enzo ang relo noong kausap namin siya.

Aniya, “Siyempre, kailangan ko rin namang bumawi sa kanya.

“Simple lang naman ang gusto ni Louise—it’s kinda expensive, pero yung design, simple.

“At yun ang isa sa nagugustuhan ko sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN