Dingdong Dantes on finally being acknowledged by GMA-7 as Primetime King: "Sa lahat po ng bagay, may tama pong pagkakataon."

Nananatiling positibo si Dingdong Dantes sa kabila ng mga kaganapan ngayon sa mundo ng pulitika. Saad niya, “Ako, I trust the system now because kaya naman lumalabas ang mga ito dahil sa effort at struggle ng administration natin for transparency— and buti nasimulan na siya. Kumbaga, pag nalinis na lahat yan, it will be a very ideal place for anyone who wishes to do public service. And maaaring mahirap lang talaga ngayon dahil nasa cleaning process, e.”<


Pormal nang ibinigay ng GMA-7 ang titulong “Primetime King” kay Dingdong Dantes.

Una itong inanunsiyo ng top executives ng GMA-7 sa contract signing ng aktor noong Sabado, September 14, sa Manila Polo Club.

Dahil si Dingdong na ang Primetime King ng GMA-7, ibig bang sabihin nito ay “prinsipe” lang ang iba pang Kapuso male stars na angat din ang career ngayon?

Sabi ng aktor, “A, hindi, siyempre ano po, nagagalak po ako at I’m very grateful dahil kasi…

“Looking back, na fifteen years ng pagsilbi ko at pagiging kasama ko at miyembro ng GMA, parang at this stage, sinabi nila, binansagan akong ganun, e, nakakataba po talaga ng puso.

“But siyempre, more to that, it’s the commitment na, ‘Hey, marami tayong gagawin!’

“Parang, ‘O, ha, sige, let’s get the work done!’” tawa pa niya.

May pressure ba sa kanya ang titulong “Primetime King”?

Sagot ni Dingdong, “Alam ninyo, this is a home, we’re open to… the more the merrier, mas maraming pamilya, mas maganda.

“Mas importante, nagmamahalan at nagsusuportahan.

“Just like how I am to yung mga GMA artists and just like how I am to my senior GMA artists.”



RICHARD GUTIERREZ. Si Richard Gutierrez, na dating itinuturing na karibal ni Dingdong, ay hindi na nag-renew ng kontrata sa GMA-7.

Ano ang komento ni Dingdong tungkol dito?

“A, siguro I don’t think I am in a position to comment, e, dahil…

“Ako, I salute his achievements. I salute his achievements and, kumbaga, that is already written in the books.

“We can’t take that away from him.”

Ano ang nararamdaman niya sa pagbibigay sa kanya ng GMA-7 ng titulong “Primetime King”?

“Ano naman po, tingin ko, everything happens at the right place and at the right time.

“Sa lahat po ng bagay, may tama pong pagkakataon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro po, gusto ko tingnan in a way na masaya kami pareho, na yung relationship namin as producer-talent, e, masaya. Sobrang saya namin talaga.”



KING & QUEEN OF GMA-7. Kailan naman silang muling magsasama sa isang proyekto ng kanyang girlfriend na si Marian Rivera, na siyang itinuturing na Primetime Queen ng GMA-7?

Sabi ni Dingdong, “Looking forward po ako diyan, looking forward po ako diyan.”

Malaki rin daw ang posibilidad na mag-co-produce sila ni Marian sa isang pelikula. Katulad ni Dingdong ay movie producer na rin si Marian via Kung Fu Divas, with Ai-Ai delas Alas, na ipalalabas ngayong October 2.

“Looking forward din ako diyan. Meron naman, meron,” sabi pa ni Dingdong tungkol sa planong mag-co-produce sila ni Marian.

Ano ang naging reaksiyon ni Marian nang nalaman nito na pipirma siyang muli sa GMA-7?

“Kasi alam ninyo po, independent kami sa mga desisyon namin, so alam niya.

“Ang ibig sabihin, maaaring may posibilidad na hindi siya mangyari.

“And alam ko naman sa puso niya na gusto rin niya na manatili ako sa GMA.

“So, alam kong isa siya sa mga taong lubos na natuwa na ito ang naging desisyon ko.”

Kuwento pa ni Dingdong, magkasama sila ni Marian the night before pumirma siya ng panibagong kontrata sa GMA-7.

“Magkasama po kami kagabi, kasi maaga akong natapos sa shooting.

“So parang I wanted to… para makuwento ko lang sa kanya kung ano ang nararamdaman ko para sa araw na ito.

“Iyon lang, gusto ko lang ikuwento kung ano ang feeling ko ngayon.

"Gusto kong ikuwento na, ‘Alam mo, sobrang hindi ko ma-explain kung ano ang nararamdaman ko, masaya ako na kinakabahan na alam kong… para akong ipapanganak ulit.’

“Parang ganun, e.”

Nilinaw naman ni Dingdong ang balitang inisnab diumano ni Marian si Rhian Ramos nang bumisita si Marian sa taping ng Genesis, kung saan si Rhian ang leading lady ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng aktor, “A, wala hong nangyaring ganun.

“Everything was perfectly normal. Wala pong nangyaring ganun.

“Tsaka nagpansinan naman po sila, e.”

Hindi kaya mayroong naninira lang talaga?

“Well, alam ninyo, hindi naman maiiwasan iyon, na merong taong maaaring iba ang point of view.

“Pero ako na ang nagsasabi na hindi siya nangyari, na walang ganung kaganapan.”



POLITICS. Naitanong din kay Dingdong ang hindi mamatay-matay na isyu na ginu-groom daw siya para pumasok sa pulitika sa 2016 at maglingkod sa bayan.

Sabi niya tungkol dito, “Alam ninyo po, one thing is for sure, hindi naman ako titigil sa ginagawa ko, which I’ve been doing ever since.

“And ako, para sa akin, bilang citizen na nagbibigay pasasalamat and giving it back dahil sa mga biyayang natatanggap ko, hindi naman ako titigil dun, e.

“Iyon lang naman ang nagiging basehan ng lahat.”

Mayroong Yes Pinoy Foundation si Dingdong.

Hindi ba siya nawalan ng gana na pasukin ang pulitika sa kabila ng mga kontrobersiyang nangyayari ngayon, tulad ng pork barrel scam? O mas gusto niyang pasukin ang pulitika upang tumulong na itama ang mga katiwalian dito?

“Hindi, kasi ako, if there’s one thing na meron ako ngayon, meron akong hope, e.

“Ako, I trust the system now because kaya naman lumalabas ang mga ito dahil sa effort at struggle ng administration natin for transparency— and buti nasimulan na siya.

“Kumbaga, pag nalinis na lahat yan, it will be a very ideal place for anyone who wishes to do public service.

“And maaaring mahirap lang talaga ngayon dahil nasa cleaning process, e.”

Sa tingin ba niya ay malilinis pa ito?

“Of course! I’m very optimistic... I’m always optimistic,” sagot ni Dingdong.

So, tatakbo ba siya?

Sagot ni Dingdong, “Hindi ko pa ho pinag-iisipan yung ganung kalayo.

“Importante ngayon, yung commitment ko sa GMA, yung lahat ng ibibigay nila sa akin, lahat ng pupuwede kong gawin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya bago pa man matapos ang limang taon niyang commitment sa GMA-7 ay sa bansa naman siya magkaroon ng commitment bilang public servant?

“Andun naman, e, kahit ngayon, andun naman kahit ngayon,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN