Miss Universe Philippines 2013 Ariella Arida: Okay to dating, no to commitment

Ariella Arida tells her suitors to wait until she’s finished with all her commitments: “I’m open to dating, but I’m still not ready for a commitment right now since my focus is the competition."


Mas lumakas ang kumpiyansa ni Miss Universe Philippines 2013 Ariella Arida na mauuwi niya ang Miss Universe crown matapos tanghaling Miss Supranational 2013 si Mutya Johanna Datul, na kasabayan niya sa Binibining Pilipinas 2013.

Malaking bagay raw na naipakita ni Mutya ang kakayahan ng Pinay, lalo na’t nalalapit na rin ang Miss Universe beauty pageant na gaganapin sa Russia sa Nobyembre.

Si Ariella ang kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe ngayong taon.

“If she can make it, why can’t I?” sabi ni Ariella.

“Super positive ako especially when Mutya, one of my co-Binibinis, won.

"And the competition was held in Belarus, boundary ng Russia. Ibig sabihin, na-appreciate ng Russia ang Pinay.

"What more if you’re in a Russian country?”

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ariella sa media launch ng Unilever Personal Care Teen Week noong September 13, Biyernes.

Kuwento pa ng beauty queen, “I talked to Mutya about it. I asked her kung ano’ng mga ginawa niya.

"Most people there don’t speak English. And I learned that they like it when you’re bubbly.”

Nagsilbing inspirasyon din para kay Ariella ang achievements ng mga sinundan niyang Miss Universe runners-up na sina Janine Tugonon (2012) Shamcey Supsup (2011), at Venus Raj (2010) na nakasama sa Top 5 ng nasabing kumpetisyon.

Kahit mas malaki ang expectation sa kanya na maiuwi ang korona ng Miss Universe, ipinapasa-Diyos na lang daw ni Ariella ang magiging resulta ng nalalapit na beauty pageant.

“From the moment I won the title, I’m pressured already.

"Everyone around me feels the pressure. But I’m so positive that I can make it.

“I always pray. I always go to church.

"I’m an INC [Iglesia Ni Cristo] member. They’re so supportive of me and I’m grateful for it.”



INTENSE TRAINING. Puspusan na rin ang paghahanda ni Ariella para matupad ang kanyang pangarap na masungkit ang korona sa Miss Universe, na itinuturing na pinakaprestihiyosong beauty pageant sa buong mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halos araw-araw ang training niya sa personality development at pati na rin pagwo-workout sa gym.

Aniya, “The trainings are more intense. I go to the gym five times a week now. Before, it was like three times.

“I do core training for my tummy, plyometric, and weightlifting.”

Pili lang din daw ang pagkain niya upang mapanatiling maganda ang kanyang pangangatawan.

Kung dati ay mayroon siyang “cheat day,” ngayon daw ay mas seryoso na siya sa pagdidyeta.

“I just eat steamed food. As much as possible, no fast food.

"I cook my own food. I see to it na no salt.

"It’s so hard [with] my body type, ang tagal bago siya ma-tone.”

Nang tanungin ng PEP kung ano ang kanyang vital statistics, nangingiting sagot ni Ariella, “I haven’t measured it yet. Surprise na lang sa competition.”

Pagdating naman sa personality development, ngayon pa lang ay pinaghahandaan na raw niya ang Q&A portion kaya’t dapat ay updated siya sa news and current events.

“Every training, they question me a lot about anything under the sun—politics, events... Then I also have workshops with ABS-CBN twice a week.”



OPEN TO DATING. Hindi pa man sumasalang sa Miss Universe beauty pageant, may ilang TV personalities na ang nali-link kay Ariella.

Nailathala sa PEP noong Mayo ang tungkol sa pakikipag-“hang out” ni Ariella sa bahay ng Kapamilya star na si Sam Milby kasama ang isang common friend.

(Read: Sam Milby admits he hung out with Bb. Pilipinas-Universe Ariella in his house; clarifies nothing is going on)

Sumunod ang pag-amin ng Kapuso actor na si Ervic Vijandre na nililigawan niya si Ariella bago pa ito tanghaling Miss Universe Philippines.

(Read: Ervic Vijandre on courting beauty queen Ariella Arida: "Worth it naman ang paghihintay ko")

Bahagyang natawa si Ariella nang tanungin tungkol sa pagkaka-link niya kay Sam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Not really [dating]. Actually, that was the first time we met. After that, wala na.”

Dagdag pa ni Ariella, ayos lang sa kanya ang makipag-date dahil hindi naman ito sagabal sa gawain niya bilang beauty queen. Pero ibang usapan na raw ang pagkakaroon ng relasyon.

“I’m open to dating, but I’m still not ready for a commitment right now since my focus is the competition.

“I know naman maiintindihan nila yun.

"I would always say na tingnan na lang natin after Miss Universe what will happen.”

DOWNTIME. Kung hindi rin lang siya abala sa training ay lumalabas daw si Ariella kasama ng mga kaibigan para makapag-relax.

“Exercise and going out with friends help me relax, kasi that will make you stay grounded in spite of what’s happening to you.

"They are my critics. They make me feel relaxed, having fun with them, chilling.”

Hindi raw siya makapag-out of town ngayon dahil sa kanyang schedule.

“Siguro pinaka-out of town ko yung pag-uwi ko na lang ng Laguna to be with my family because I seldom see them.

"Before, I go to the province like once a week. Ngayon, once a month na lang.

“I always look forward to going home there kasi parang sila nagiging stress-reliever ko.

“Whenever I go home, it’s my sanctuary. Wala kang iniisip, it’s so peaceful.”



FUTURE PLANS. Hindi direktang sumagot si Ariella nang tanungin ng PEP kung balak ba niyang sumabak sa showbiz pagkatapos ng Miss Universe competition.

Mas excited kasi siya sa mga gagampanan niya kung sakaling manalo siya bilang Miss Universe.

Saad niya, “I’m always asked that.

"Ako yung tipong go-getter. Whatever it is that comes [my way], go lang ako.

"Let’s see. Kasi by that time, I’ll be in New York. Kapag may crown na ako, New York na ako based.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung hindi siya beauty queen, anong career ang gusto niyang tahakin?

Sabi ni Ariella, “I’m a chemist. I sell food chemicals sa food industry.

"If not a beauty queen, my plan is to have my own business. Ako gagawa ng sarili kong perfume and cosmetics.

“But since I pursued first my dream of becoming a beauty queen, [dito muna ang focus ko].

"Wala pa naman ako ganun kalaking money para magkatotoo ang business plan ko.

"Pero if hindi maging successful, I have my fallback.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN