Sarah Geronimo welcomes more banter with fellow The Voice coach Lea Salonga: "Gustung-gusto ko ‘yon kapag binabara niya ako."

Sarah Geronimo explains why she does not get hurt when bantering with fellow The Voice coaches: “Masarap din pala na binabara ka ng mga artist na ganun, artists that you look up to. Talagang from them, I learned a lot of things, so ang sarap talaga.”


Sa halip na masaktan, mas gusto raw ni Sarah Geronimo na magkaroon sila ng palitan ng salita ng kapwa niya coach sa The Voice of the Philippines na si Lea Salonga.

“Gustung-gusto ko ‘yon kapag binabara niya ako,” nakangiting sabi ni Sarah, nang tanungin kung napipikon siya sa tuwing magkakapalitan sila ng mga salita ni Lea sa programa.

Si Sarah ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press launch ng mobile messaging application na Kakao Talk kagabi, September 16.

Para kay Sarah, isa itong magandang karanasan.

Aniya, “Si Coach Bamboo medyo nakaka-hurt, pero masarap din pala na binabara ka ng mga artist na ganun, artists that you look up to.

“Talagang from them, I learned a lot of things, so ang sarap talaga.”

Dagdag pa ni Sarah, bahagi na ito ng pagiging coach nila sa nasabing singing search ng ABS-CBN.

Sabi ng tinaguriang Popstar Princess, “Part talaga ‘yon, kasi banter kasi. ‘Yon naman talaga ang hinahanap ng tao.

“At saka doon sa The Voice of the Philippines, naobliga talaga akong magsalita, maging opinionated.

“So, naging magandang experience ‘yon para sa akin.”

Bukod sa mga palitan ng salita, inamin ni Sarah na kahit papaano ay parang nagkakaroon rin ng kumpetisyon sa pagitan ng mga coach ng bawat team.

Aniya, “Part naman ‘yon ng competition, di ba?

“Kasi, siyempre, ang pinaglalabanan naman natin dito ay kung kaninong team manggagaling yung winner ng The Voice of the Philippines.

“Hindi rin maiiwasan na may kumpetisyon din.”

Bukod kina Sarah at Lea, bahagi rin ng The Voice bilang coach sina Bamboo Mañalac at Apl de Ap.



LAST FEW WEEKS. Ang natitirang walong contestants ng The Voice of the Philippines ay sina Janice Javier, Thor Dulay, Klarisse de Guzman, Morissette Amon, Myk Perez, Paolo Onesa, Mitoy, at Radha.

Ngayong walo na lang ang natitirang contestants ng Philippine franchise ng The Voice, mas matindi raw ang nararamdaman ngayon ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Grabe! Alam n’yo, natira na talaga ang best of each team talaga.

“Bawat episode, bawat match na nangyayari sa mga team, talagang it’s really inspiring,” sabi ni Sarah.

Bilang pinakabatang coach sa naturang show, mas nai-inspire pa raw si Sarah sa mga kalahok sa The Voice.

“Grabe lang talaga yung bawat artist ng The Voice of the Philippines. Talagang mai-inspire ka pa to improve, matsa-challenge ka.

“It’s a humbling experience, karamihan ang babata talaga.”

Dagdag pa niya, “Si Mommy Eva, siyempre malungkot ako na she was eliminated last night [September 15].

“Pero si Mommy Eva kept her positive attitude. Sabi niya, ‘Okay lang ‘yan. Basta ang goal natin is ang Team Sarah ang manalo sa The Voice of the Philippines.’

“Talagang ang sarap-sarap nilang panoorin lahat, nakakatuwa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN