Heart Evangelista doesn’t have to ask Senator Chiz Escudero’s permission to be paired with ex-flame Sid Lucero

Muling makakatambal ni Heart Evangelista si Sid Lucero sa afternoon soap na Magkano Ba Ang Pag-ibig?. Unang nagkasama ang dalawa sa primetime soap na Legacy kung saan nagkaroon sila ng ugnayan sa maikling panahon.


Pagkatapos ng limang buwang nabakante sa paggawa ng teleserye ay mapapanood muli si Heart Evangelista sa upcoming afternoon soap ng GMA-7 na Magkano Ba Ang Pag-ibig?.

Ngunit kumpara sa ibang artista na nababakante ng matagal, mas nagustuhan daw ni Heart ang limang buwan na wala siyang teleserye. Yun din kasi ang panahon na kagagaling lang niya sa isyu sa kanyang mga magulang.

Nakangiting sabi ni Heart, “Gusto ko siya. I really enjoyed my time na hindi ako masyadong nagtrabaho.

"I was busy rin kasi with other things. Busy ako sa school, tutoring, ganyan... one-on-one, yes.

“I was also busy with commercial shoots. Nagkaroon ako ng time na ang dami kong ginawa.

"But now that I’m doing this, medyo I’m grasping for air, kasi I’m doing two movies already.

"Tinatapos ko ang Trophy Wife and I’m set to do Eternally, another film from Viva Films.

“I’m doing this [Magkano Ba ang Pag-Ibig?], M-W-F. Then T-Th-S, movie. Tapos Sunday, Sunday All Stars.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart sa presscon ng Magkano Ba Ang Pag-ibig? kagabi, September 17, sa GMA Network Center.

Masasabi ba niyang "much-needed vacation" ang pagkabakante niya ng ilang buwan?

Sagot ng Kapuso actress, “Yes, it was really what I needed.

"Fifteen years akong nagtatrabaho na as artista. Never naman akong nag-break.

"Nag-break lang ako, mga two weeks. Kasi, akala ko yun lang ang puwedeng break ko—two weeks a year.

“So, every day, may trabaho ako.

"So, na-enjoy ko siya. And I needed it din, growth din para sa akin.

"I discovered a lot and I was able to see a little bit of the world. So, I enjoyed it.”

SID LUCERO. Makakasama muli ni Heart sa Magkano Ba Ang Pag-ibig? sina Alessandra de Rossi at Sid Lucero, na pareho niyang nakasama noon sa primetime series na Legacy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, kasama ko pa sila at super close kaming lahat sa Legacy. So, super-saya ko.

"Si Isabel Oli, kaibigan ko rin," banggit pa niya sa aktres na kasama rin nila ngayon sa serye.

Noong ginagawa nila ang Legacy ay na-link sina Heart at Sid, kaya tinanong ng press ang aktres kung kinailangan ba niyang magpaalam sa boyfriend niyang si Senator Chiz Escudero ngayong magkasama sila ulit sa isang proyekto.

Sagot ni Heart, “Actually, wala kaming ganun, e.

"He never interferes with my work or if I have to work with somebody na na-date ko or naging ex ko, he has no problem with that.

"Yung areas na yun, swak siya sa trabaho ko.”

Hindi na nagtanong si Chiz?

“Nothing,” sagot niya.

“Alam niya na I dated Sid for a very short time. Alam niya yun at alam niya rin na naging barkada ko.

"But I guess it’s nice to date somebody who is much older than you because they’re above that na.”

Ang tinutukoy ni Heart ay ang age gap nila ni Chiz, na mas matanda sa kanya ng 15 years.

Pero kumusta na ba sila ni Sid ngayon?

“Okay kami,” nakangiti niyang sabi.

“Walang ilangan kasi maigsing panahon lang naman yun...

"I was not ready to be in a new relationship [that time]. So, hindi talaga.”

Ano ba ang rason at hindi sila nagkatuluyan ni Sid?

“Wala talaga, e. You know... it wasn’t there and we’re just friends.”

Excited naman daw si Heart na si Sid muli ang kanyang leading man.

Aniya, “Oo naman, I’m very excited kasi ang galing niyang artista and I’m very comfortable with him.

"Kasi, sobrang naging barkada ko na talaga ‘yan.”

HEART’S PARENTS. Naging bukas naman sa publiko ang naging hidwaan sa pagitan ni Heart at ng kanyang mga magulang na sina Rey at Cecile Ongpauco dahil sa pagkadisgusto ng mga ito kay Chiz. Pero kailan lang ay nabalitang okay na si Heart at ang kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta na sila ngayon ng kanyang mga magulang?

Sabi ni Heart, “I’m okay, but again it’s something I don’t want to talk about because I want to do the opposite after the whole fiasco happened...

“But you know, I’m not gonna deny. I’m not gonna deprive you guys about what’s really happening.

"We’re okay...”

Nagkakausap na rin ba sila ng mommy niya?

“We’re okay, but ano kasi... mas naano kasi ako with my dad because I’m a daddy’s girl. With my mom, okay naman.”

Tinanong din si Heart kung may effort ba na ginagawa si Chiz para mapalapit na rin ito sa mga magulang niya.

Sagot niya, “Well, he always made an effort from the very beginning.

“But, you know, I really think that you should not do anything.

"For me, my relationship with my parents is much important. Life is too short.

"Kung hindi puwedeng ipilit, huwag ipilit. Hindi talaga mapipilit ang mga bagay-bagay.

“Anyway, at the end of the day, at this point, what makes you happy... kumbaga journey mo ‘yan. Choice mo ‘yan.

"Hindi kailangang ipagpilit, ipagsama-sama.”

MISS INDEPENDENT. Sa kabila ng lahat, ini-enjoy raw ni Heart ang mamuhay na independent.

Aniya, “I love it! Ang dami kong natutunan.

"I’ve grown so much as a woman sa pagiging independent.

"Yung mga bills, ganyan… nakikita ko kung magkano ang kailangan kong ipunin kapag kunwari may mga kailangan na bayaran.

“Masarap… it made me very mature and practical about it.”

May takot din ba siya sa pagiging independent?

“Merong fear factor, especially nanood ako ng The Conjuring!” natatawa niyang sabi.

“Titingnan ko ang cabinet ko... may mga aso naman ako.

"Yun lang ang fear factor, pagkagat ng dilim, mag-isa ka, wala kang mom, walang ganun, e… yun lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, masarap ang feeling.”

Siya na rin daw ang humahawak ng finances niya. Pero ayaw nang banggitin ni Heart kung ano ang investments niya ngayon.

“I definitely save my money na.

"I know what to do and excited ako to work kasi alam ko kung ano ang goals ko. Ano ang gusto kong gawin, ganyan.”

Ibinalik din niya ang kanyang hilig sa pagpipinta.

“I’m painting since I was seven, huminto lang ako. Siguro biglang sumabog na lang siya all of a sudden!” natawang sabi ni Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN