Jean Garcia admits relationship with a businessman

On whether she’s ready to get married, Jean Garcia says, "E, kung ready siguro siya. Ako naman siguro ready na ko, di ba?"


“I’m very happy and very contented na ako, masaya ako. Meron pong isang taong nagbibigay sa akin ng inspirasyon besides my two kids.”

Ito ang inamin ni Jean Garcia nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa presscon ng bago niyang show na ginanap noong Lunes, September 16, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Sa September 23 na ang simula ng show niyang Love Hotline na ipalalabas every weekdays, 7 p.m., sa GMA News TV.

Dahil tungkol sa pagbibigay ng love advice ang kanyang show, naitanong kay Jean kung nahanap na ba niya ang kanyang "true love."

Tugon niya, “I think eto na siguro, sana po yung true love ko talaga. So, I’m praying for it.

“At sana forever na, kasi siyempre lahat naman tayo, lalo na habang tumatanda, kailangan natin ng partner sa buhay.

“At lahat tayo ay may karapatan pong maging masaya.”



JEAN’S BOYFRIEND. Isang businessman daw ang kasalukuyang karelasyon ni Jean.

Hindi naman itinanggi ng aktres na mas bata ito ng kaunti sa kanya.

“Ilang years lang. Hindi naman malaki yung gap."

Dalawa ang anak ni Jean mula sa mga dating nakarelasyon. Ang panganay na si Jennica ay anak niya sa dating aktor na si Jigo Garcia. Isang Japanese naman ang ama ng bunso niyang lalaki na si Kotaro.

Maayos din daw ang relasyon ng kanyang mga anak at ng kanyang boyfriend.

“Okay naman siya with my kids. Okay sa kanya si Jennica, okay din si Kotaro.

"Actually, favorite niya yung bunso ko kasi lalaki, e. So yun. Okay naman po.

“Minsan nga pagka kunwari medyo matagal siyang nawawala, hinahanap na siya, e. Hinahanap na siya, lalo na yung bunso ko.

“E, si Jennica, siyempre dalaga na si Jennica, hindi naman siya hahanapin. Pero yung lalaki ko, palagi siyang hinahanap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Saka sobrang magkasundo... well, dahil nga siguro lalaki. Saka siyempre yung anak ko ding lalaki, naghahanap din ng father image.

“Kasi [his father is] Japanese, di ba? So he’s not here.

"Si Jennica kasi, nandiyan ang papa niya [Jigo Garcia].

“Pero itong my little boy kasi, wala naman siyang tatay talaga na nakagisnan.”

Judging from experience, mas okay raw kay Jean kung non-showbiz ang kanyang karelasyon.

“Kasi alam mo yun, mas… walang masyadong complications, walang masyadong drama sa buhay.

“Walang masyadong complications, hindi mababaw. Malalim yung relationship, matalino [siya], very intellectual.

“At saka mas maganda yung iba yung ginagawa ko, iba rin yung ginagawa niya. Para pag nagsasama kaming dalawa, meron kaming pinagkukuwentuhan.

“May natututunan siya sa akin, may natututunan ako sa kanya. Kasi hindi kami pareho ng trabaho, hindi kami pareho ng ginagawa.”



MARRIAGE PLANS. Handa na ba siyang magpakasal?

“E, kung ready siguro siya. Ako naman siguro ready na ako, di ba?” sagot ni Jean.

May isang taon na rin daw ang relasyon nila at single naman daw ang lalaki.

Dagdag ng aktres, “Puwede naman. Kaya lang hindi naman namin pinag-uusapan kasi... wala lang.

"Ine-enjoy pa lang namin yung relationship namin.”

Sa tingin niya ba ay ito na ang pinakahihintay niya?

“I hope. Sana.

“Kung papalarin, ipinagdadasal, di ba?

"Pero kung hindi, open pa rin sa love. Bakit naman hindi?

"Ayoko naman ipilit kung hindi, di ba? Pero kung ibibigay, kung eto na, di ba?

“Basta ang importante lang naman sa akin, at least may partner ka sa buhay at merong magmamahal sa ’yo at mamahalin ka.”

Pero giit ni Jean, naniniwala pa rin siya sa kasal.

“Of course, as long as you’re ready.

“Sa akin, basta ready ka sa lahat ng aspeto ng buhay. Ready ka financially, ready kayo… lalo na yung partner mo.

“Kung ikaw ang lalaki, dapat nga mas ready ka financially kasi ikaw magtataguyod ng pamilya mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag babae ka naman, kumbaga kahit papa’no... kasi ngayon hindi na naman uso yung nagtatrabaho yung babae. Usually lahat nag-aaral, di ba?

“So depende, if you’re ready, right age, why not?

"Ako pa rin, marriage pa rin.

“Kasi foundation pa rin ’yan, e. Isang malaking pundasyon pa rin na magpapa-stick sa inyo together…

“Na kahit anong unos ang pumasok sa inyo, dahil alam ninyong binasbasan kayo ng Panginoon, siyempre ilalaban mo ’yan, di ba?

“Hindi ganun ka-easy para bitawan mo na yung relasyon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN