Venus Raj optimistic about chances of Megan Young in Miss World and Ariella Arida in Miss Universe

Naging matipid si Venus Raj sa pagsasalita tungkol sa kanyang buhay-pag-ibig, pero tiniyak niyang masaya ang kanyang buhay ngayon kabilang na ang kanyang lovelife.


Hindi masyadong visible si Venus Raj lately dahil wala pa siyang regular show sa telebisyon, pero patuloy raw ang hosting stints niya sa mga corporate event.

“Wala pang regular show, but mas free ako. Kahit mga out of towns, out of the country, parang mas free ang time ko,” sabi ni Venus nang ma-interview siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa na Eco-Fashion show sa US Ambassador’s residence sa North Forbes Park, Makati City, noong September 17, Martes.

Saan ngayon abala ang 2010 Miss Universe 4thrunner-up?

“I’m studying… twice a week ang pasok ko. I’m studying sa UP. I’m taking up my Master’s [degree].

“Patapos na ang semester, kahit paano paunti-unti matatapos na rin,” nakangiting sabi ng beauty queen turned TV personality.



LIVING FREE. Pagkatapos niyang mag-compete sa 2010 Miss Universe, sumabak sa paghu-host at pag-arte si Venus.

Ngayong wala muna siyang project, hindi ba niya nami-miss ang pagtatrabaho sa harap ng camera?

Sagot ng former Umagang Kay Ganda host, “Yeah, but sometimes parang you’re used to doing something, pero minsan mas okay pa rin yung mas free.

“Yung hindi ka nakakahon sa isang bagay lang, and then hindi routinary yung ginagawa mo. Mas nakakatuwa.”

HAPPY LOVELIFE. Nagkarelasyon si Venus at dating co-host niya sa Umagang Kay Ganda na si Andre Felix, pero nauwi rin ito sa hiwalayan.

Kumusta ang lovelife niya ngayon? May bago bang nagpapasaya sa kanya ngayon?

“I am so happy. My heart is really happy,” sagot ni Venus, pero bigla siyang naging maingat sa pagsasalita.

"Grabe, nakakatuwa... basta, sobrang saya lang.”

Sinundot siya ng tanong kung nakikipag-date ba siya ngayon o nasa isang relasyon na.

Pag-iwas ni Venus, “Well… masaya lang. Ha-ha-ha! Happy, sha-la-la!”

Ano ang maaari niyang ibahagi pagdating sa usaping puso?

“Siguro right time will come… basta, so far, sa ngayon, I’m so happy with everything… including lovelife,” pahabol niya, sabay tawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig bang sabihin ay ayaw muna niyang ibahagi kung sino ang karelasyon niya ngayon?

“Not yet. [I am] just so happy, put it like that.”


BIG CHANCES. Recently ay nanalo si Mutya Johanna Datul bilang kauna-unahang Miss Supranational mula sa Pilipinas. Ginanap ang beauty pageant sa Belarus.

Ayon kay Venus, masaya siya para kay Mutya lalo pa’t isa siya sa mga nag-train dito.

“Nung nanalo siya, sabi ko, hindi nakakasawang sumuporta, hindi nakakapagod magturo kung gano’n ang mga tinuturuan mo…

“At talagang nagbubunga and, you know, you’re part of their victory."

Dalawang international beauty pageants pa ang inaabangan ngayon ng Pilipinas at ng buong mundo—ang Miss World 2013 at Miss Universe 2013.

Si Megan Young ang lalaban sa Miss World, samantalang si Ariella Arida naman ang kandidata natin sa Miss Universe.

Sa palagay ba ni Venus ay malaki ang pag-asa natin na masungkit ang mga koronang ito?

“Yeah, actually we have big chances this year, ‘no,” kumpiyansang sagot ni Venus.

“Si Megan, she’s doing really well. Yung mga pictures na lumalabas sa kanya, talagang grabe, napakaganda niya.

“Si Ara [Ariella] naman, sabi natin after si Madam Gloria [Diaz], ang tagal-tagal na [since nagkaroon tayo ng Miss Universe from the Philippines]. Lagi na lang tayong runner-up.

“Hopefully si Ara na ang magdadala ng korona,” ani Venus.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN