Paulo Avelino keeps mum about rumored romance of LJ Reyes and JC de Vera

Nilinaw ni Paulo Avelino ang balitang tinanggihan diumano niya ang teleseryeg pagsasamahan sana nila ni Angel Locsin. Sabi ng aktor, bagamat gusto niyang makatrabaho si Angel, mas nais niyang mag-focus ngayon sa paggawa ng pelikula.


Iwas magbigay ng anumang pahayag ang Kapamilya actor na si Paulo Avelino tungkol sa napabalitang pagde-date diumano nina LJ Reyes at JC de Vera.

Sabi ni Paulo tungkol sa pagkaka-link kina LJ at JC, “Ako, hindi ko alam. Siguro mas okay kung tanungin ninyo na lang sila.

"Pero sa akin, wala, wala naman. Happy, happy naman daw ang lahat.”

May isang anak na lalaki sina Paulo at LJ.

Bagamat matagal nang usap-usapang hiwalay na ang dalawang StarStruck alumni, wala pang kumpirmasyon mula sa kanila.

Samantala, matagal-tagal na ring hindi napapanood sa teleserye si Paulo, pagkatapos ng Kahit Konting Pagtingin nila nina Angeline Quinto at Sam Milby.

Balitang dapat ay may teleserye silang pagsasamahan ni Angel Locsin, pero tinanggihan daw ito ng aktor. Totoo ba ito?

Paglilinaw ni Paulo, “Well, ang sa akin, ang management naman at the end of the day ang nagde-decide, so mas okay na tanungin na lang ang management about it.

"Ako naman, aktor lang ako... Well, I wanna work with Angel, siyempre.

"Siguro sa ngayon, relax muna, focus muna sa pelikula.”

Dalawang pelikula ang nakalinyang gawin ni Paulo.

Dagdag niya, “One is under Regal, comedy under Chris Martinez.

"Ibang-ibang role na hindi ko pa nata-tackle ever, kaya I’m really excited to do it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN