Martin del Rosario gets Arnold Vegafria as co-manager to push his showbiz career

Inamin ni Martin del Rosario na nababagalan siya sa kanyang career kaya kinuha niya si Arnold Vegafria bilang co-manager. Sabi niya, “Feeling ko, kailangan ko na mas ma-maximize ko ang pagiging aktor ko.”


Bagong dagdag sa pool of talents ni Arnold Vegafria ang Kapamilya young actor na si Martin del Rosario.

Kaninang tanghali, September 19, ay nagpatawag ng presscon ang ALV Talents Circuit Inc., na pinamamahalaan ni Arnold, upang pormal na ipakilala si Martin.

Makakasama na ni Martin sa ALV sina Carla Abellana, Denise Laurel, Nikki Gil, Iya Villania, John Prats, Billy Crawford, Patrick Garcia, at Baron Geisler.

Ginanap ang formal introduction kay Martin sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.



CAREER MOVE. Nilinaw ni Martin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang imbitadong press na co-managed pa rin siya ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN.

Mula pa noong 2007 ay talent na ng Star Magic ang 20-year-old actor.

Bakit niya naisipang magpa-co-manage kay Arnold?

Tugon ni Martin, “Before ako lumipat, medyo nakaramdam ako ng medyo… [sana] may magpu-push sa akin.

"Kasi siyempre, nagkakaroon ako ng exposure [pero pagkatapos ng project] biglang mawawala."

Marami raw ang nagrekomenda sa kanya na lapitan si Arnold.

“Ang daming tao actually ang nag-recommend… mga friends ng mom ko.

"Kahit mismong nasa loob ng showbiz, si Denise, before na-mention na nga niya sa akin si Sir Arnold.”

Nangangahulugan ba na ang kanyang pagkuha ng isa pang talent manager ay indikasyon na hindi siya masaya sa takbo ng kanyang career?

Maingat na tugon ni Martin, “Parang nabagalan siguro ng konti.

"Feeling ko, kailangan ko na mas ma-maximize ko ang pagiging actor ko.

“Pag ginawa ko yung move na ‘to, mas mapu-push ako.”

Iginiit ni Martin na marami namang naibigay na magagandang proyekto sa kanya ang ABS-CBN, pero natatagalan daw kasi bago masundan.

“Kasi lalabas ako, like may exposure ako, siguro nagkakaroon ako ng maraming exposure, pero after nun, parang biglang nagre-rest nang matagal.

“Kaya nga ako nasa ALV, kasi feeling ko, mapu-push ako.

"Star Magic pa rin ako, pero co-managed by ALV."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



TO BE A CHARACTER ACTOR. Naging malinaw naman si Martin sa pagsasabi kung ano ang gusto niyang maging takbo ng kanyang career.

“Gusto ko pong maging aktor.

"Bata pa naman, ever since, passion ko na talaga yung acting.

“Character actor [ang gusto ko], bonus na rin kung maging mainstream.

"Pero more or less, gusto ko talagang maging character actor,” sabi niya.

Sa kasalukuyan ay napapanood si Martin sa primetime teleserye ng ABS-CBN na Juan dela Cruz, na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Ayos lang din daw sa kanya na magkaroon ng ka-loveteam, at binanggit niya si Denise Laurel bilang aktres na gusto niyang makapareha muli.

Nagkasama sila sa afternoon series na Pintada.

Ayon kay Martin, “Gusto ko sana si Denise kasi ang galing-galing. Magaling talaga siyang umarte. Nadadala talaga ako sa kanya.

"Saka hindi naman mahirap magkagusto kay Denise. Makaharap mo lang siya, okay na.”

Ilan pa sa naging projects ni Martin sa Kapamilya network ay Abt Ur Luv at Natutulog Ba Ang Diyos?.

Sa pelikula naman, napanood si Martin sa The Healing, The Adventures of Pureza, ‘Till My Heartaches End, Amorosa, at Dagim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN