Isa si Anne Curtis sa mga rumampa sa first ever eco-tourism show hosted by U.S. Ambassador Harry K. Thomas Jr. sa kanyang Forbes Park residence sa Makati City, noong Setyembre 17, kasama ang ilan pang local celebs.
Kabilang din sa nasabing fashion show sina Matteo Guidicelli, Dennis Trillo, James Blanco, Daniel Matsunaga, at Venus Raj.
Ang nasabing event ay collaboration ng U.S. at Pilipinas para sa “eco-fashion and design, corporate social responsibility, and sustainable development.”
Tamang pagkakataon din ang nasabing event para matanong si Anne sa kanyang pagiging fashionista. Siya nga ang hinirang na winner ng PEPsters’ Choice 2013, sa first quarter, sa kategoryang Female FAB Award.
Tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa dalaga kung ano ang pakiramdam na marami ang tumitingala sa kanya sa pagiging fashionable.
Sagot niya, “It’s so flattering that they look at me as their style icon, especially when you don’t really dress up to be that. Like, you’re just kinda dressing your own style, your own moods, if it’s raining or whatever day it is in Showtime.
"I really do dress without really thinking of my style.”
Since marami ang naniniwalang mahusay siyang magdala ng damit, pressure ba sa kanyang gawing laging maganda ang outfit?
“Not necessarily,” mabilis na sagot ng actress-host. “You have to at least be decent, but I don’t dress, and wanting to be...to have to look really good.”
FASHION WITH A CAUSE. Samantala, ginagamit ni Anne ang kanyang status para ma-impluwensiyahan ang mga fans ng tama.
Halimbawa na ang pakikibahagi niya sa eco-fashion show upang mai-promote ang eco-friendly outfits.
Karamihan sa mga inirampang damit ng mga modelo ay gawa sa hibla ng saging at abaca, mga halamang tubong Pilipinas.
Iminodelo rin dito ang mga accessories at bags na yari sa natural and recycled materials.
“They told me the story, the background of these turbans...," saan ni Anne na ang tinutukoy ay ang suot niya at suot din ng mga models noong gabing iyon.
“The women, mga lola, they’re 80 years old, and they’re still weaving these garments.
"And I got inspired by that, and I said, ‘You know, in any way that I can do my part in helping them to raise awareness of what may be a dying industry…’"
Nakalulungkot daw kasing isipin na ang mga anak ng mga naghahabing ito ay kadalasang hindi namamana ang dating ikinabubuhay ng kanilang mga magulang, kung kaya’t nanganganib raw na ang paghahabi ay hindi na umabot sa mga susunod pang henerasyon.
“For me, if I can help them out, if there are other pieces that I can wear on Showtime, that I can wear in events, so that it will inspire the youth to follow after their lolas, who are 80s and still making these garments that we are wearing tonight...I said, ‘You know, use me all you want, in any way I can help them.’
“For me it’s an eye-opener.
"I had no idea, and I guess I speak for our generation, who don’t really know much about banana-abaca. I didn’t even know about it… and to be able to educate our generation about a dying industry is something I’m willing to do.”
UPCOMING PROJECTS. Samantala, sinabi ni Anne na bukod sa It’s Showtime, mayroon siyang gagawing pelikula at teleserye, pero ayaw muna niyang idetalye ang mga ito.
Bukod rito, proud at happy daw si Anne na mapi-feature siya sa isang TV special ng E! News Asia na ipapalabas as Setyembre 29.