Jake Vargas not on speaking terms with Bea Binene’s rumored suitor Ken Chan

Nilinaw ni Jake Vargas ang naging pahayag ni Ken Chan na kinausap siya nito tungkol sa ex-girlfriend ni Jake na si Bea Binene. Ayon kay Jake, “Hindi po totoo yun… hindi nga po kami nag-uusap ni Ken Chan, e. Siya na lang ang tanungin ninyo.”


Wala pa raw nakikita si Jake Vargas na puwede niyang ipalit sa ex-girlfriend niyang si Bea Binene.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jake sa lobby ng GMA Studios noong September 15, pagkatapos ng Sunday All Stars, sinabi ng young actor na kahit nandiyan lang ang mga babaeng hinahangaan niya ay wala sa kanyang prayoridad ngayon ang magkaroon ng bagong mamahalin.

Mas pinagtutuunan daw niya ng pansin ang trabaho, lalo na’t tatlu-talo ang umeere niyang shows sa GMA-7.

Bukod sa Sunday All Stars ay kasama rin si Jake sa comedy series na Pepito Manaloto at sa weekend variety show na Walang Tulugan With The Master Showman.

Tanong ng PEP kay Jake: Napaso ba siya sa naging relasyon nila ni Bea kaya ayaw muna niyang magkaroon ng bagong girlfriend?

Tugon ng 21-year-old actor-singer, “A, hindi naman.

“Kasi naging happy naman ako sa mga nakaraang araw. Naging masaya naman ako sa naging karelasyon ko.

“So, okey lang. Hindi naman ako natakot o napaso na manligaw sa ibang tao. Parang stay put lang.”



STILL FRIENDS. Kumusta naman sila ni Bea ngayon?

Ayon kay Jake, “Okey lang. Nagkakausap naman kami pag nagkikita kami sa taping.

“Kasi minsan wala siya sa SAS... baka busy. Marami kasi siyang ginagawa ngayon.

“Okey kami ni Bea. Binabati niya ako, binabati ko rin naman siya.”

Magkasama sina Jake at Bea sa grupong Instagang ng Sunday All Stars, kung saan si Mark Herras ang leader, pero nong nakaraang linggo ay hindi sumipot ang young actress.

Sabi ni Jake, “Oo nga, galing yata siyang Isabela? Hindi ko alam, e.

“Lumuwas pa siya ng gabi kaya hindi siya nakapunta.”

Para kay Jake, mas maganda ang sitwasyon nila ngayon ni Bea bilang magkaibigan. Pero aminado ang binata na hindi na sila close gaya ng dati dahil sa nangyaring breakup sa pagitan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad pa niya, “Pero para sa akin, nandun pa rin yung friendship.

“Kung kailangan niya ng kaibigan, nandito lang ako.”

Nagkakailangan pa ba sila ni Bea?

“May mga time na ganun… I guess parehas lang kami.”



BEA & KEN. Ano naman ang reaksiyon ni Jake sa pagiging malapit ngayon ni Bea sa co-host niya sa Walang Tulugan na si Ken Chan?

“Okey lang,” sambit ni Jake.

“Kung saan masaya si Bea, masaya na rin ako para sa kanya.

“Saka happy naman siya sa mga nakakasama niyang mga friends niya.

“So, para sa akin, makita ko [lang] siyang masaya, sinasamahan siya, sa akin okey yun.”

Hindi ba’t si Ken ang dahilan kung bakit madalas silang mag-away noon ni Bea?

Napangiti si Jake at sinabing, “Siyempre naman, kung lalaki ka, hindi naman mawawala yung selos... lalo na ngayon.

“E, ako, talagang seloso ako pagdating sa ganyan.

“So, sa akin, tapos na, wala na.

“So, nakakasama niya yun, si Ken, okey na sa akin yun.”

Wala na ba siyang nararamdamang kirot sa puso kapag nakikita niya ang closeness nina Bea at Ken?

Pag-amin ni Jake, “Uhm… may ganung factor.

“Saka sa akin, talagang pinu-focus ko na lang yung sa career ko.

“Minsan hindi ko na naiisip na ganun—magselos. E, trabaho yun, e.”

Napatunayan ba niyang may rason siya para magselos noon dahil sa pagiging mas close ngayon nina Bea at Ken?

“Oo naman. Kasi kung ako lalaki…

“Hindi naman mawawala yung… lalo na Bea ’yan? Bea Binene. Sa tingin ko rin naman.

“Lalaki ako, nagkakagusto ako sa isang babae, hindi mawawala yun.”

Pag-amin pa ni Jake, “Dati, nung kami pa ni Bea, nagkikita na sila ni Ken. Siguro nasimulan ng away-away, selos-selos.

“Doon ko na-prove na minsan, hindi siya masaya sa akin pag kasama niya ako.

“Saka kasi ang daming negative na maraming taong nangingialam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So ngayon, tahimik na ang buhay ko… masaya naman ako sa mga ginagawa ko ngayon.”



JUST FRIENDS. Sa naunang panayam ng PEP kay Ken, sinabi nitong nagkausap sila ni Jake at nilinaw niyang magkaibigan lang sila ni Bea.

(Read: Ken Chan will not stay away from Bea Binene because of bashers: "Masaya ako kay Bea kaya hindi ako magpapapigil.")

Totoo bang kinausap siya ni Ken o nagkausap sila nito?

Napangiti at napailing si Jake.

Sabi niya, “Eto ‘yan kasi… wala po akong sinasabi na hindi ko siya kinausap or… hindi niya ako kinumpronta sa… through the phone na kinausap niya ako.

“Hindi po totoo yun.

“Hindi po totoo yun… hindi nga po kami nag-uusap ni Ken Chan, e.

“Siya na lang ang tanungin ninyo.”

Ayon kay Ken, magkaibigan naman daw sila ni Jake. Totoo ba ito?

Tugon ni Jake, “Opo, magkaibigan naman po kami. Kaibigan ko po siya since na nag-start siya [sa showbiz].

“Kasama ko nga po siya sa Walang Tulugan, e. Parang kapatid-kapatid ang turing ko sa kanya.

“Hindi ko alam na parang… biglang may pumasok na ganun.”

Ang tinutukoy ni Jake ay ang paggitna ni Ken sa kanilang relasyon ni Bea.

Ngayon ba ay hindi na sila nag-uusap ni Ken?

“Hindi na… hindi na,” pag-amin ni Jake.

Walang raw masyadong ideya si Jake kung ano ang laman ng mga interview nina Ken o Bea tungkol sa kanya.

Aniya, “Basta ako, kahit na anong sabihin nila tungkol sa akin, kung ano ang tamang ginagawa ko… wala akong ginagawang masama.

“Basta ako, talagang naka-focus ako sa career ko at sa family ko.”

Nilinaw rin ni Jake na hindi siya napagod sa pagiging mahigpit umano ni Bea sa kanya noon o nagsawa na lang siya sa kanilang relasyon na galit-bati.

Saad niya, “Masaya naman talaga kami ni Bea.

“Sa isang relationship, hindi naman nawawala yung away-away.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi kung wala namang away-away na ganyan, hindi naman magiging matibay.

“So, nung tumagal-tagal na, ang dami nang taong nangingialam. Kung anu-ano ang mga sinasabi.

“So, sa akin, hindi ko naman iniintindi. Paulit-ulit na lang yung mga nangyayari.

“So, ayun, ginawa ko na… nagdesisyon kami [na mag-break].

“Kaming dalawa naman ni Bea ang nagdesisyon, hindi lang ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN