Julie Anne San Jose says teamup with Kristoffer Martin isn’t the end of JuliElmo loveteam

“Wala naman po silang dapat ika-worry. Hindi ko naman sinasabi na tapos na po ‘yong pakikipag-pair ko kay Elmo. Malay n’yo may mga sumunod na projects pa, makatrabaho ko pa siya,” Julie Anne San Jose tells Julie Anne-Elmo Magalona fans who may be worried about her current team up with Kristoffer Martin in Kahit Nasaan Ka Man.


Hindi pa man nagsisimula, naging isyu na sa ilang tagahanga ang pagtatambal nina Julie Anne San Jose at Kristoffer Martin sa bagong primetime teleserye ng GMA-7, ang Kahit Nasaan Ka Man.

Ilang taon na rin kasi ang pagiging magka-loveteam nina Julie Anne at Elmo Magalona at nakabuo na rin ito ng ilang solid fans group.

Kaya nang maianunsyo na si Kristoffer ang magiging kapareha ni Julie Anne sa soap opera, may ilang fans ang umalma.

Sa katunayan, sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), may ilang masusugid na fans ang nagpapadala sa kanya ng hate messages sa Twitter.

“Meron mga ‘mas boto pa rin kami kay Elmo, ‘di kayo bagay.’ Masakit,” sabi ni Kristoffer.

Samantala, sa hiwalay na panayam kay Julie Anne sa press conference ng Kahit Nasaan Ka Man noong Huwebes, September 19, sinabi niya na wala naman silang magagawa tungkol dito.

Paliwanag niya, “Actually, hindi naman po kasi talaga kami ang nagde-decide.

“Kumbaga, it’s a management decision kung sino po ang cast na nakuha.

“Baka nga po siguro ngayon, nagkataon na hindi po siya ang nakapareha ko. Ayun, si Kristoffer nga po ang nakasama ko.”

Hindi naman problema kay Julie Anne kung maipareha siya sa iba.

Sa katunayan, sabi niya, “Masasabi ko na opportunity na rin ‘to para magkaroon ako ng sariling growth sa career. Siyempre, siya din [Elmo] sa sarili niyang projects.”

Para naman sa mga JuliElmo fans, sabi ni Julie Anne, “Wala naman po silang dapat ika-worry.

“Hindi ko naman sinasabi na tapos na po ‘yong pakikipag-pair ko kay Elmo.

“Malay n’yo may mga sumunod na projects pa, makatrabaho ko pa siya.

“It’s just this instance, iba po ‘yong na-pair sa akin.

“At saka sila po talaga ang nagdi-direct sa amin sa path ng career.

“Siguro decision na rin ng management na magkaroon ako ng separate project and siya rin,” muling paliwanag ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON LUCHO AYALA. Bukod kay Kristoffer, makakatrabaho rin ni Julie Anne sa kanyang kauna-unahang primetime soap opera ang isa pang binatang Kapuso actor na si Lucho Ayala.

Nabiro tuloy ang 19-year-old singer-actress kung may posibilidad na magkadebelopan ang dalawa.

Sa presscon kasi, sinabi ni Lucho na single pa siya at gayundin si Julie Anne. Tila imposible naman kay Kristoffer dahil may girlfriend na siya, ang Dormitoryo actress na si Joyce Ching.

Napangiti ang aktres bago sumagot na, “I don’t know, we can’t tell.

“ I’m not shutting my doors to anyone naman.

“At saka hindi rin naman maiiwasan kung darating at darating.

“At saka hindi rin naman kayang pigilan talaga.”

Sa ngayon, ayaw muna isipin ni Julie Anne ang ganitong bagay.

Para sa kanya, “Basta ano, for now, trabaho muna.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN