The PEP List 2013: Kris Aquino says Ryzza Mae Dizon is positive influence on Bimby

Ani Kris Aquino, positibong impluwensiya si Ryzza Mae Dizon sa anak niyang si Bimby. “...Ryzza is so down-to-earth, parang namumulat niya ang eyes ni Bimb to be appreciative of everything he has.” Nominado sina Ryzza Mae at Bimby sa Child Star of the Year ng PEPsters’ Choice 2013 2nd quarter. Bumisita lamang sa www.pep.ph/pep-list para makaboto.


Nakakailang shooting days pa lang daw ang anak ni Kris Aquino na si Bimby at ang Kapuso child star na si Ryzza Mae Dizon para sa Metro Manila Film Festival entry na My Little Bossings.

Bukod sa dalawang bata, pinagbibidahan din ito nina Kris at Vic Sotto, na pareho ring tumatayong producers ng pelikula.

So far ay maganda raw ang pag-arte ni Bimby, at umaasa si Kris na magtutuloy-tuloy ito hanggang sa matapos ang shooting.

“We’re gonna be shooting until third week of November. So far, so good. Keeping my fingers crossed,” pahayag ng Queen of All Media.

Ito ay naganap sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Eco-fashion show ng US at Pilipinas ,na ginanap sa US Ambassador’s residence sa North Forbes Park, Makati, noong Setyembre 17, Martes.


POSITIVE INFLUENCE. Masaya si Kris na nakatrabaho ng kanyang bunso si Ryzza. Ayon kay Kris ay magandang impluwensiya si Ryzza kay Bimby.

“I’m so happy lang na she’s a positive influence on my son, kasi Ryzza was telling him, ‘Kailangan maging magaling ka na rin sa Tagalog.’

"And then last night, when I got home from work sabi niya [Bimby], ‘Mama, magandang gabi po.’ And then he said, ‘Kamusta po ang trabaho n’yo?’ Ang cute!

“I like the fact that she, Ryzza, is so down-to-earth, parang namumulat niya ang eyes ni Bimb to be appreciative of everything he has.

"Like the other day, he was sharing his chocolate with her, and then sinabi ni Ryzza, ‘Ito na ang pinakamasarap na tsokolateng natikman ko.’

"So, parang ako talaga… and then he [Bimby] said, ‘Sige, I’ll bring you more tomorrow.’ So, parang it’s so nice kasi, with them, everything is fresh, everything is new.

“Yung sa kanila, parang walang masamang tinapay, kaya ang sarap nilang dalawang makasama,” bida ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Currently ay nominado sina Bimby (Male Child Star of the Year) at Ryzza (Female Child Star of the Year) sa PEPsters’ Choice 2013 2nd quarter.

A SHOW FOR BIMBY? Naging proud daw si Kris sa mga ginawang eksena nina Bimby at Ryzza, dahil siniseryoso ng dalawa ang mga eksena kahit na mga bata pa sila.

“Cute lang talaga. He’s six, she’s eight. You’ll never capture this moment, na napaka-special ng moments na ‘to. And I love her and Bimbs loves her...

"Pati yung mom niya, kasundong-kasundo ko, so nage-enjoy kami talaga.”

Since si Ryzza ay may Ryzza Mae Show at Eat Bulaga, naitanong kay Kris kung pwede ring magkaroon ng TV show para kay Bimby.

“You know, it’s up to him, kasi ayokong sabihin niya na masyado ko siyang pinagod.

“So far, I want to see if he’ll really enjoy it, and I want to see also kung ano yung reception na ibibigay ng mga tao, and we’ll see where it goes from there.”

Pagpapatuloy ng actress-host, “I’m so proud he made it to the taekwondo team, and he’s also in the swim team, and he’s also in the song-and-dance na ano. Marami siyang after-school activities.

“I’ll keep him well-rounded na lang, and I’m just so happy with his decision na ang nakatrabaho niya, somebody as grounded and as kind-hearted as Ryzza and Vic, na walang diva katrabaho, so walang masasamang ugaling makukuha.

“Buti, kung ako lang kasama niya, naughty! So itong mababait ang kasama niya, pati siya bumabait,” may halong biro ni Kris.

Para iboto ang inyong paboritong artista, bumisita lamang sa www.pep.ph/pep-list


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN