Sharon Cuneta to KC Concepcion: “Next time you are bothered by anyone, direct them to me.”

Sharon Cuneta reminds daughter KC Concepcion to be careful about the people she allows into her life. “Next time anak choose to bond with people who you know will appreciate u. Don’t u be intimidated by anyone. Just go on doing good," says Sharon on Twitter.


Isang balita ang nakarating kay Sharon Cuneta tungkol sa isang taong naninira sa kanyang panganay na anak na si KC Concepcion.

Naging hudyat ito para usisain ng Megastar ang anak tungkol sa isyu sa pamamagitan ng Twitter account niyang @sharon_cuneta12.

Base sa ilang tweets ni Sharon noong Setyembre 7, may partikular siyang taong tinutukoy na ini-intimidate umano si KC.

Ani Sharon sa kanyang sunud-sunod na Twitter posts, “@kc_concepcion: Kristina, why didn’t I know about that? Remember that one person isn’t one whole family.

“It’s sad that some people prefer to focus on what they insist is right and not on your good intentions. Ako na ang masasaktan.”

Hindi pinangalanan ni Sharon kung sino ang umaaway kay KC.

Pero kung pagbabasehan ang palitan nila ng mensahe sa Twitter ay mahihinuhang nakakasalamuha ito ng Kapamilya star.

Payo pa ni Sharon kay KC, “Next time anak choose to bond w/ people who you know will appreciate u. Don’t u be intimidated by anyone. Just go on doing good.

“God listens to those who focus on HIM, not on people. We love you."

Ayon pa kay Sharon, mananagot sa kanya kung sino man ang mabalitaan niyang gumugulo sa anak.

“Next time you are bothered by anyone, direct them to ME.”


KEEP CALM. Sa parte ni KC, tila kalmado lamang ito.

Gayunpaman, agad nag-reply si KC sa ina, na tinitiyak na bale wala lang sa kanya ang nangyari.

Saad ni KC sa kanyang tweet, “@sharon_cuneta12 Hahahahaha! ILY mom, lesson is do not let anyone disturb the PEACE. Haha! Goodnight!”

Sang-ayon naman si Sharon sa sinabi ng anak, “Yes, exactly, Tina! Let them be. IGNORE! It’s what I’ve ALWAYS done (the secret to peace.Kahit sumulat pa,di ko binabasa ever! Hahaha!)."

Sinabihan rin ni Sharon si KC na tama lang na naka-focus ito sa mga positibong gawain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I know you’re secure in your faith. Di ka naman nagdadasal o naniniwala sa ibang Diyos!

"At magworkout ka the way u want! I just can’t believe pinapalaki ng iba mga non-issue na pinipilit gawing issue!"


UNIDENTIFIED DETRACTOR. Ilang Twitter followers ni Sharon ang nagtanong tungkol sa detractor ni KC.

Nilinaw ng Megastar na isang tao lang ang pinag-uusapan nila ng kanyang anak. “@Camz_1122 doesn’t involve many people. One person lang.”

Dagdag ni Sharon sa isa pa niyang kapalitan ng mensahe sa Twitter, “@gikagik hahahahahaha! Tama!!! Kuwento when I see u. Kaloka. Yan ang tinatawag na nagmagandang loob ka na, ikaw pa ang masama.”

Ngunit sa kabila ng hinaing ni Sharon tungkol sa detractor ni KC, hindi na niya pinalaki pa ang isyu.

Matatandaang noong taong 2012 ay ilang beses nasangkot ang Megastar sa "word war" sa social media.

Ngunit ipinangako ni Sharon na mas pagtutuunan niya ng pansin ang pagpo-post ng inspirational tweets, kaysa magpaapekto sa kritisismo ng bashers.

(Read: Sharon Cuneta overcomes her "maldita" phase on Twitter.)


MADAM CHAIRMAN. Samantala, kasado na ang kauna-unahang teleserye ni Sharon, ang Madam Chairman, na nakatakdang ipalabas sa October 14.

Kaugnay nito, naimbitahan ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling press sa disaster prevention forum/seminar na isinagawa ng TV5 network para sa mga kapitana ng mga barangay ng Metro Manila.

Pinamunuan ito ni Mon Santiago, MMDA consultant for Disaster Risk Reduction, na nagsilbing resource speaker sa event na ginanap sa Cowboy Grill Bar and Restaurant, sa Quezon City, nitong Biyernes, September 20.

Para sa closing program, nagbigay si Sharon ng maiksing mensahe para sa lahat ng mga babaeng barangay captain na dumalo sa seminar.

Sinabi ng Megastar na isang malaking karangalan para sa kanya ang gumanap bilang barangay captain sa kanyang nalalapit na teleserye.

“Ito po ay, sabihin na natin, siguro di ine-expect ng mga televiewers na gawin ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Una sa lahat, never pa ako nagkaroon ng regular na serye sa TV.

“Sa tanang 35 years ko sa showbiz, ngayon lang ako nagkaroon ng regular na serye.

“At ito po ay sa dahilan na napakaganda po ng proyektong ito at napapanahon din sapagkat tatalakayin namin every week [ang mga] problemang dinadala sa barangay at kung papaano iso-solve.”

Isa rin daw sa objective ng teleseryeng Madam Chairman ang women empowerment, dahil ipapakita nito ang galing ng isang babae sa pamumuno ng komunidad.

“Hindi matatawaran ang klase ng serbisyo na sa inyo nagmumula. I’m sure it entails a lot of sacrifice, lalo na sa personal na buhay niyo.

“It takes a lot of your time and attention away from your family. Pero dahil super women tayo kaya natin ‘yan.”

Sa huli ay inimbitahan ni Sharon ang mga dumalo sa seminar na tangkilikin ang kauna-unahan niyang serye sa telebisyon.

“Naniniwala kami sa lakas ng kababaihang Pilipina.

“Kaya naman gumawa kami ng Madam Chairman, na alay namin sa inyo, na tinitingala naming mga madam ng barangay.

“Ito ang show ninyo.”

Pagkatapos ng speech ni Sharon ay tumanggi itong magbigay ng panayam, dahil kailangan na umano itong magtungo sa taping ng Madam Chairman sa Barangay Paltok, Quezon City.


STILL SICK. Puspusan ang trabaho ng Megastar sa kabila ng hindi gumaling-galing nitong ubo.

Base sa mga tweets ng Megastar, ilang linggo na niyang iniinda ang sakit.

“My cough is much worse today. I feel pain when I cough & that everything is stuck in my chest, & like there’s a frog in my throat that won’t come out.

“I have to see my doctor today. This is too much. Having such a hard time breathing. Guess I just never had the chance to recover fully,” tweet ni Sharon noong September 12.

At press time, patuloy pa rin ang medications ni Sharon, lalo pa’t bukod sa nabanggit na teleserye ay busy din siya sa bago niyang weekly show na The Mega and The Songwriter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN