Marian Rivera crossing over to ABS-CBN to promote Kung Fu Divas: “Parang nawawala, napuputol ang rivalry ng dalawa.”

Marian Rivera on crossing over to ABS-CBN to promote Kung Fu Divas: “Natutuwa ako na ginagawa nating posibleng lahat. Na hindi porke’t nasa kabilang istasyon ka e hindi ka maaaring makadayo sa kabilang istasyon. Parang nawawala, napuputol ang rivalry ng dalawa. Although alam naman natin na, siyempre, kailangan ng kumpitensiya. Pero dahil sa nangyayaring ito, ang saya!”


Ilang araw na ring pabalik-balik ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa bakuran ng Kapamilya network upang i-promote ang kanilang pelikula ni Ai-Ai delas Alas na Kung Fu Divas.

Kagabi, September 20, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng press conference si Marian sa Dolphy Theater, ang kilalang auditorium sa ABS-CBN na ipinangalan sa yumaong No. 1 Comedian ng bansa.

Ito ay para pa rin sa grand presscon ng Kung Fu Divas, kasama ang cast at direktor ng pelikula na si Onat Diaz.

Ano ang pakiramdam ng isang prized GMA star na ilang beses nang pabalik-balik sa ABS-CBN compound?

Sabi ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): “Hindi... kasi hindi mo rin naman mararamdaman na may discrimination sila bilang taga-kabila ako.

“Yun din ang sinasabi ko, na thankful ako na maranasan na ganito pala sila. Ang saya lang na naka-experience ako ng ganito sa kanila.”

OBER DA BAKOD.” Ilan sa mga programang nilabasan at lalabasan ni Marian sa ABS-CBN para i-promote ang Kung Fu Divas ay ang Kris TV, Showbiz Inside Report, Bandila, at The Buzz.

Mayroon bang limitasyon sa mga programa ng ABS-CBN na puwede niyang labasan?

Sagot ni Marian, “Siyempre, bilang respeto rin sa GMA, huwag namang lahat.

"Kumbaga, doon sa maaari lang ako mag-guest. Example, kay Ate Kris [Aquino], bilang okay ako kay Ate Kris.

“So, thankful ako, kasi ang dami—Kris TV, The Buzz, S.I.R., at may Bandila pa ako.

"Yun pa lang, okay na ako. Ang dami!”

Nilinaw rin ni Marian na hindi niya tinanggihan ang pag-guest sa Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda.

Aniya, “Hindi ko siya tinanggihan. Hindi naman sa tinanggihan, pero ang dami na...

"Respeto na rin po sa GMA dahil halos lahat ng programa e nandoon po ako.”

Si Marian ay homegrown talent ng GMA Network at sinasabing premier female talent nito. Nagpaalam naman daw siya nang maayos sa kanyang network bago siya lumabas sa mga programa ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Tatay [Tony Tuviera, her manager], nagbigay kami ng letter.

"At hindi rin naman naging mahirap para sa kanilang [GMA] umoo, dahil alam nilang producer ako [ng Kung Fu Divas]. Sinusuportahan nila ako.”

Kumusta ang naging karanasan niya sa guestings sa ilang Kapamilya shows?

“Masaya akong ma-experience,” nakangiting sabi ng aktres.

“Kasi, yun nga ang sinasabi ko, na bukod sa masayang experience, natutuwa ako na ginagawa nating posibleng lahat.

“Na hindi porke’t nasa kabilang istasyon ka e hindi ka maaaring makadayo sa kabilang istasyon.

“Parang nawawala, napuputol ang rivalry ng dalawa.

“Although alam naman natin na, siyempre, kailangan ng kumpitensiya. Pero dahil sa nangyayaring ito, ang saya!”

Dugtong pa niya, “Actually, ang saya lang na walang ganung koneksiyon na ganito.

"Ang saya rin bilang isang artista na yung mga artista ng GMA, maaaring dumayo ng ABS para ma-experience rin nila.”

PRAISES FROM CO-STARS. Sa naganap na press conference kagabi, masasabing naging “bidang-bida” si Marian dahil sa mga papuring narinig mula sa kanyang co-stars na sina Roderick Paulate, Nova Villa, at Ai-Ai.

Pinatunayan ng mga mahuhusay na komedyante ng Kapamilya channel na magaling ding komedyante ang Kapuso actress. Sinabi rin nilang talagang mahusay makisama ito.

Noong narinig niya ang mga papuring iyon, ano ang naramdaman niya?

Nakangiting pahayag ni Marian, “Siyempre, nakakataba ng puso dahil ,yun nga ang sinasabi ko, na hangga’t hindi niyo nakakatrabaho si Marian Rivera, hindi niyo makikilala ang totoong ako.”

May payo nga raw sa kanya si Roderick. Masyado raw kasi siyang totoo, sabi ng actor-politician, na tila hindi uubra sa isang nasa showbiz. Dahilan nga para madalas ma-misinterpret si Marian ng mga tao.

Nagawa ba niyang sundin ang payong iyon ng kanyang Kuya Dick?

“Well, hindi e,” pag-amin ni Marian.

“Para sa akin, wala namang masama sa pagiging totoo.

"As long as wala lang tinatapakang tao, e, katulad niyo rin ako na taong nagre-react.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Katulad ng sabi ni Kuya Dick, kung ano ang ibigay mo, ibibigay rin sa iyo.

“Siyempre naman, inaway ka na nga, thank you? Magte-thank you ka pa ba?”

MARIAN AS PRODUCER. Hindi lang isa sa mga bida ng Kung Fu Divas si Marian, kundi, tulad ni Ai-Ai, isa rin siya sa mga prodyuser ng pelikula.

Mahirap bang maging producer, lalo na ng sarili niyang pelikula?

“Actually, hindi naman ako OA na nahirapan. Pero every time na may meeting kami, kailangan eto ang mga babayaran...

“Siyempre, humihingi na ng parang ganito. Siyempre, may mga events din kaming kailangang puntahan, mga promos.

“Ang daming kailangang i-consider.

“Hindi bilang artista, kasi kung artista ka, darating ka lang sa set. Magme-memorize ka lang ng script, then exit frame ka na.

"Dito, hindi. Marami kayong iku-consider at marami kayong meetings.”

Pero tinanggap niya ang hamon ng pagiging isang prodyuser sa unang pagkakataon. Bakit nga ba?

“Dahil naniniwala ako sa pelikula. Kuwento pa lang ni Direk Onat sa akin, na-amaze na ’ko.

"Sabi ko, ’Why not?’ Sabi ko nga kay Direk, ’Paano natin ito magagawa? Ang hirap-hirap.’

"Nakuha naman namin.”

Posible kayang masundan muli ang pagpu-prodyus niya?

“Well, hindi ako madadala, kasi ang mga nakatrabaho ko e napakababait sa akin, di ba?”

Ano ang pinakamahirap sa pagiging prodyuser?

“T.F?” at saka ito natawa.

“Siyempre, hindi rin naman biro. Iba naman ang talent fee ko sa talent fee ni Ate Ai.

"Bukod sa talent fee ko, nagdagdag din ako rito para maging producer talaga.”

Wala daw plano pa si Marian na magtayo ng sarili niyang produksiyon.

Aniya, “Okay na yung paisa-isang ganito.”

DINGDONG’S CONTRACT RENEWAL WITH GMA-7. Naitanong din ng PEP kay Marian ang pagpirma ng kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes sa Kapuso network noong nakaraang Sabado.

Tulad ni Marian, muli ring nag-renew si Dingdong ng kanyang network contract.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya ba siya sa naging desisyon nitong manatiling Kapuso?

“Of course, siyempre masaya ako na nandoon siya.

"Pero, sabi ko nga, kung saan man siya pumirma at ibibigay ang nararapat para sa kanya e doon ako.”

Sa pangyayaring pareho pa rin silang Kapuso, posible kayang matuloy na ang pagbabalik-tambalan nila sa isang taon?

“Well, kinu-konsider, pero tingnan natin.

"Sa ngayon kasi, may Genesis siya, tapos ako, may gagawin din akong soap.

"Malay mo next year, magsama ulit ang DongYan.”

LOVE ADVICE FROM AI-AI. Sa panahon na sinu-shooting nila ni Ai-Ai ang Kung Fu Divas, yun din ang panahon na may pinagdadaanan ang komedyana sa lovelife nito.

May mga naging payo ba si Marian kay Ai-Ai noong mga panahong yun?

Sagot ni Marian, “Well, sinasabi ko nga, wala akong karapatang mag-advise kasi hindi ko pa nararanasan ang mga naranasan niya.

“Nandito lang ako para i-comfort siya. Kumbaga, pakinggan siya.

"At bigyan siya ng mga pasalubong na, kahit paano, makakapagpaligaya sa kanya.

“Yun lang ang magagawa ko sa kanya.”

May mga naging realization din ba siya sa mga pinagdaanan ni Ai-Ai?

“Ayokong mag-realization kasi mahirap mag-jump.

"Sa relationship ko ngayon, happy ako, at hindi ko nararanasan ang nararanasan ni Ate.

“Siguro ano na lang, bukod sa relationship na meron ako, ipag-pray ko na lang na sana maging maayos ang relationship ko.”

Sa isang banda, ibinuko naman siya ni Ai-Ai, na nagsabing very submissive girlfriend daw si Marian kay Dingdong.

Ano ang reaksiyon niya rito?

“Well, kasi siyempre, ang perception naman palagi sa akin ng mga tao, parang palagi akong ano [palaban], di ba?

“Well, at least ngayon, itong mga nakakatrabaho ko at nanggagaling talaga sa mga nakakatrabaho ko kung sino talaga si Marian Rivera.”

Submissive nga ba siya?

“May mga bagay na kailangang mag-adjust para lalo kayong magkasundo,” nakangiting sabi ng actress-producer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero mas natawa ito, sabay sabing “Well, thank you so much!” nang sabihin naming may mga naniniwala—siyempre, hindi naman lahat—na magandang katangian ng babae ang maging submissive sa partner.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN