Alden Richards on pursuing political plans: “Ayoko pong i-push kung hindi para sa akin.”

Alden Richards on the possibility of pursuing a political career: “Ayoko pong i-push kung hindi para sa akin...So feeling ko po, kung dumating yung chance na magkaroon ng opportunity to be a politician, I would grab the chance, pero as of this point parang mahirap po, kasi very dirty. Dirty, at the same time, risky sa safety ng family, safety ng sarili, and masyadong malaking obligasyon din.”


Ngayong Oktubre ay nakatakdang maganap ang synchronized barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Dahil dito ay naitanong namin kay Alden Richards kung mayroon siyang ambisyong pasukin ang pulitika.

“Actually, sumasagi po sa isip ko ’yan.

“Kasi yung mayor po namin, si Mayor Arlene [Arcillas ng Sta. Rosa City, Laguna] is very close to me, including the mother, si Ma’am Ofie. So medyo may konting, ‘O, bakit hindi ka gumanyan?’

“May mga ganun pong option, ‘O kaya yung dad mo, kapitan muna, tapos councilor, tapos try natin,’ na pataas nang pataas po na posisyon.

“Kaya lang, ayoko pong i-push kung hindi para sa akin.

“Hinihintay ko lang po kasi, kung para sa iyo yung isang bagay, makukuha mo ’yan kahit nakaupo ka lang, e.

“So feeling ko po, kung dumating yung chance na magkaroon ng opportunity to be a politician, I would grab the chance, pero as of this point parang mahirap po, kasi very dirty.

“Dirty, at the same time, risky sa safety ng family, safety ng sarili, and masyadong malaking obligasyon din,” pahayag ni Alden sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Magse-set nga siya ng magandang halimbawa kung sakali?

Saad niya, “Iyon nga po e, so ang hirap po kasing maging malinis sa isang maduming mundo.”

Ngunit ngayong sumagi na sa isip niya ang government service, sa eleksyon ba ng 2016 ay may posibilidad na mag-pulitika si Alden?

“Who knows po, who knows?”


SHOWBIZ WORLD. Sabi ng iba, marumi rin naman ang showbiz? tanong namin.

“Actually, actually. Kasi parang nasa sa iyo rin naman po iyon, on how you would react dun sa surroundings mo.

“Kasi, ang tao kasi, kahit gaano ka kalinis po, kahit gaano ka ka-wholesome pagdating sa mga ginagawa mo, parang hirap silang paniwalaan.

"Kasi iba yung view nila when it comes to showbiz, when it comes to politics.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Number one na pumapasok sa isip nila sa showbiz, talagang hindi mawawala yung mga indecent happenings, mga ganun. Tapos, the same thing with politics, so mahirap po, e.

“So, hindi ko po alam.

“Pero so far, masaya po ako sa showbiz and nag-e-enjoy po ako sa ginagawa ko,” pag-amin ni Alden.

WANTS TO BE A DIRECTOR SOMEDAY. Matagal nang alam sa showbiz na mahusay na young actor si Alden. Ngunit ngayon namin natuklasan na may ambisyon itong maging isang direktor balang-araw.

Kuwento ni Alden, “Since nag-artista po ako, siyempre I have this tendency na mag-ano, yung parang sumilip-silip [sa camera] minsan, kapag wala akong take.

“Sisilip ako sa director, sisilip ako sa OB van, yung LD [lighting director]. Tinitingnan ko kung... kasi as an actor po, hindi lang naman dapat magaling umarte.

“Sige nga, acting ka, yung acting mo nakatalikod ka pala sa kamera.

"Aakting ka, wala kang ilaw. Aakting ka, hindi mo alam kung ano yung shot mong ibibigay...

“Especially movies, may wide shot, most probably yung isang scene, uulitin ng three to four times.

“So, as an actor, aside from being emotional, you also have to be technical at the same time. So, kailangan, concerns mo yung blocking, number one yun.

“So, ako pag free time, tinitingnan ko yung director, yung set-up ng camera, iyon po.

“Pag may time po, pag minsan bored, nakikipagkuwentuhan po ako sa direktor.”

Pagpapatuloy pa ni Alden, “Pag ganun, siyempre, pagdating ko po sa set, nagiging conscious ako, ‘Bakit may ilaw dun, bakit may ilaw dito?’

“Kasi most of the time po, kapag nasa set na ako, alam ko na yung magiging blocking kahit hindi pa po bina-block ng direktor.

“Kasi alam ko na kung saan yung puwesto ng ilaw, kasi most of the time dun kami bina-block ng director.

“Kaya lang po, when I was starting wala pa pong ganun, e. Kabado pa ako, siyempre hindi ko alam kung saan ang ilaw ko, kung saan yung camera ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So iyon po, parang ngayon po, as I watch soaps, movies, aside from tinitingnan ko yung story—yung shots, ilaw, blocking, yung technicals po, kinu-consider ko na rin.

“So, ngayon lang po nangyari sa akin yun, noong nag-start ako sa showbiz.”

Paminsan-minsan raw ay may ilang maliliit na bagay na isina-suggest niya sa direktor.

Paliwanag ni Alden, “Opo, pero not into a level of disrespect, kasi the director knows better. Hindi mo dapat pangunahan.

"Or kasi, actually, sa soap, it’s teamwork, e. Team effort of the actors and the director at the same time to make the scene work and to make it beautiful.

“So, parang kasi it’s a feeling po, e. It’s an innate feeling as an actor and as a director, kung ramdam mo—okay ito, okay yung nagawa, okay yung eksena, okay yung mangyayari.

“Pero kapag may kulang, you can also feel it, e. So sometimes kapag merong hindi nasabi yung direktor, ‘Ah, Direk, okay lang po ba mag-suggest ng ganitong line?’

“Kasi sometimes, kami po, especially po ako, alam na alam ko po yung character ko when it comes to soaps, e.

“Alam ko po kung ano yung dapat niyang sabihin, kung ano yung dapat niyang gawin, coming from the scenes na pinanggalingan para dun sa eksenang yun.

“So pag may ganun, minsan sa sobrang daming iniisip ng direktor, ang dami pang kukunan, minsan may for airing [noong gabi ring iyon], kailangan mabilis.

“Minsan, mabilis na rin po yung pacing nung taping, so minsan yung mga scenes na maliliit, minsan hindi na nabibigyan ng pansin, so it’s up to the actors to help the director as well.

“Kaya po, team effort talaga lahat dun sa show po,” detalye pa niyang kuwento.

Kaya raw nagbibigay siya paminsan-minsan ng suggestions sa direktor, pero limitado raw ito sa mga linya niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Pero, most of the time po, I suggest on lines, yung mga words na sasabihin, kung ano po yung comfortable sa character ko.”

Hindi raw siya nagbibigay ng opinyon sa technical aspects ng taping or shooting.

“Ah, hindi po sa technical, hindi ko po trabaho iyon, kasi wala po ako sa place.

"And I see to it na pakikialaman ko lang po yung character ko and not the characters of anyone else,” pagtatapos na saad ng mahusay na aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN