Rosanna Roces to appeal breach-of-contract verdict; says Facebook barbs against Bong Revilla a joke

Rosanna Roces on her barbs against Senator Bong Revilla on Facebook: “So minsan…yung post ko sa FB, it’s a joke. Di ba yung...’restaurant na wala akong pera... e, i-charge niyo kay Bong.’ Di ba yung joke yun? Pero it’s not mean to insult. It’s not there to insult the Revillas.”


Nagpaunlak na ng panayam ang controversial sexy star na si Rosanna Roces matapos itong mahatulan ng guilty verdict sa isinampang kaso sa kanya ng GMA-7.

Ayon sa korte, guilty ng “breach of contract” si Osang (kanyang palayaw) dala ng paglabas niya sa ibang istasyon kahit may kontrata pa siya sa Kapuso Network.

Isa pang mainit na kinasasangkutan ni Osang ay ang isyu sa maiinit na patutsada nito sa Facebook laban kay Senator Bong Revilla Jr.

Sa live interview kay Osang ng Showbiz Police: Intriga Under Arrest ng TV5 ngayong gabi, September 21, sinabi nitong wala pa siyang natatanggap na kopya ng hatol ng korte.

Nalaman na lang daw niya sa mga balita na natalo siya sa inihaing kaso laban sa kanya ng GMA-7. Pinagbabayad nga raw siya ng dalawang milyong piso.

Ano ang naramdaman niya noong nalaman niya ito?

PLANS TO APPEAL CASE. Kuwento ni Osang kay Cristy Fermin sa "Cornered By Cristy" segment ng show: “Una, hindi pa nagsi-sink in, e. Unang-una kasi, wala naman akong natatanggap na kahit anong copy.”

Sabat ni Cristy, “So wala ka pang kopya ng anumang resolusyon? Pero may abogado ka?”

Kuwento ni Rosanna, “Ia-apela ko ’yan… Namatay si Atty. Dave Puyat, my lawyer, asawa ni Berna Romulo-Puyat, e.

“After nun, wala na akong nabalitaan tungkol dito, pero dalawa kami ng ABS [CBN] na kinasuhan, e. I don’t know kung ano na rin ang nangyari sa kanila.”

Ayon pa kay Cristy, “Tatlong estado meron ang buhay, di ba? Denial, grief, acceptance. Tanggapin natin ang katotohanan na lahat ng pangarap ng mga nagpapasexy noon, ikaw ang nakasambot.

“Pero mapagbiro ang kapalaran, ngayon hindi na ikaw ang nasa tuktok, ang bulsa mo ay wala ng laman. Okay, paano mo hinarap ang pangyayaring ito, Rosanna Roces?”

Sagot ni Osang, “Hindi, kasi sanay naman akong wala. Ginagawa ko na lang joke lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So minsan… yun nga yung post ko sa FB, it’s a joke. Di ba yung... parang ’restaurant na wala akong pera...e, i-charge niyo kay Bong.’ Di ba yung joke yun? Pero it’s not mean to insult.”

Dagdag-tanong ni Cristy, “Sa isang panayam kasi, bakit mo itsina-charge ang dalawang milyong piso kay Senator Bong Revilla, may utang ba siya sa ’yo?

“Meron ba siyang utang sa ’yo bilang artista nung gumawa ka ng pelikula sa kanyang produksiyon?”

Ibinitin muna ng show ang sagot dito ni Osang. Sa muling pag-ere ni Rosanna, muli siyang tinanong kung pabiro ba yung ipinost nito sa Facebook o mula sa kanyang puso.

Tugon ni Osang na natatawa, “Andami niyang pera, e.”

Mabilis na dugtong ni Cristy, “Na pinagpapaguran niya.”

Sagot ni Osang, “Ay, ewan ko! Hindi ko alam, lahat naman tayo nagpapagod e, pero hindi lahat ganun kalaki ang kinikita, di ba?”

Balik ng host, "Ano ang ibig mong sabihin talaga nung ilagay, i-post mo yan sa Facebook na kasagsagan kasi ito ng issue tungkol kay [Janet] Napoles, nadamay ang pangalan ni Senator Bong Revilla.”

Sagot ni Osang, “It’s not there to insult the Revillas.

“Unang-una, nakikita ko yung bata," ani Osang, na ang tinutukoy ay si Budoy, ang apo ni Bong sa anak niyang si Jolo at sa anak ni Osang na si Grace.

"And ibinigay naman ang gusto ko na pag-aaral ng magandang eskuwelahan, di ba?

“At natutuwa ako, hindi na siya nag-grade two, grade three na. And I’m proud. Even si Jolo nakakausap ko, at sabi ko nga, ’Jolo natutuwa ako na si Jodi ang pinili mo, alam kong safe ang apo ko.’"

Sunod na tanong sa kanya ay ang tungkol sa pag-apela ng desisyong breach of contract at ang tungkol sa danyos na hinihingi ng korte para sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung hindi ba niya ito matupad ay handa ba siyang makulong? tanong ng host.

Ani Osang, “Civil case naman yan e, hindi naman ako makukulong diyan, e.”

ROSANNA’S LEGACY. Kung dati halos lahat ay nasa kanya na, pera at kasikatan, pero isang umaga ay nawala ito sa kanya. Ano ang ginagawa niya noong umagang yun?

Sagot ni Osang, “Kung ibabalik ko lang ano, hindi ko ho nanaising makuha muli yung pera na yun, mananatili ako sa simpleng buhay kung saan meron ako—yung sumasabit pa ako sa jeep.

"Ngayon, pag sumakay ka ng tricycle, di ba, andami nang... Basta, ewan ko kung bakit ganyan ang mga tao.

“Pero ang pangalan ko hindi mawawala ’yan. Tatandaan mo ’yan, nakatatak na ’yan, kaya ang pinagangalagaan mo ay yung…

"Oo, sige matapang, suplada, diretso magsalita, prangka, mataray. Wala naman akong ninakawan, kundi nakatulong.”

Ano kaya ang mensahe ni Osang kay Rosanna Roces? tanong ni Cristy.

Sagot ni Osang, “Ayun, panatilihin mo lang yung nakatapak yung paa mo sa lupa.

“At panatilihin mo yung pagiging tao mo kahit sinong kaharap mo, kahit sinong kahalubilo at saka…

“Natutuwa kasi ako kapag nakikita ako ng tao, ngiti ang ’sinusukli nila sa akin—hindi irap, hindi mura, hindi pagtalikod na may nagagalit.

“Hindi... laging ngiti, hindi ko alam kung bakit.”

Saad ni Cristy, “Hindi ka niyuyurakan.”

Tugon ni Osang, “Hindi. Pati mga anak ko. At iyon ang pamanang naibigay ko sa kanila, ’no?

“Sabi ko nga sa ’yo, yung dami ng pera na yun, naubos man yun, [dahil] sa pagtulong hindi [dahil] sa kung ano pa man.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN