Ai-Ai delas Alas, Roderick Paulate and Nova Villa praise Marian Rivera’s flair for comedy

Roderick Paulate on Marian Rivera: “Yung mga tsismis, gusto kong makita kung sino yung sinasabi nilang suplada. E, mula noong makasama ko siya, hindi ko kasi nakita yun. Ang nakita ko, yung ganda ng pagkatao niya. Si YanYan...kapag totoo ka sa kanya, ang makikita mo sa kanya, totoo siya sa ‘yo. Kaya lang, huwag mo siyang lolokohin. Kasi, totoo siya, e. Kapag niloko mo siya, nasasaktan siya. Kaya sinabi ko sa kanya, ’Yan, nasa showbiz ka na. Hindi pupuwede yun


Sa ginanap na press conference ng Kung Fu Divas kagabi, September 20, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, dumalo ang cast ng pelikula, bukod sa mga bida nitong sina Marian Rivera at Ai-Ai delas Alas.

Nandoon din sina Bianca Manalo, Edward Mendez, at mga beteranong komedyanteng sina Roderick Paulate at Nova Villa.

Gayundin ang director ng pelikula na si Direk Onat Diaz.

Unang pagkakataon ni Marian na magkaroon ng press conference sa bakuran ng Kapamilya network, bilang kilala siyang Kapuso umpisa pa lamang ng showbiz career niya.

At siya nga ang tinataguriang Kapuso Primetime Queen.

Pero halatang nagulat at natuwa si Marian sa magandang pag-welcome sa kanya ng mga taga-Star Cinema.

Mas lalo pa siyang natuwa sa mga hindi inaasahang papuri ng mga kasamahang mga batikang komedyante na sina Roderick, Nova at Ai-Ai.

Nakangiting pahayag tuloy ni Marian sa mga narinig: “Hindi niyo naman sinabi, debut ko pala ngayon?”

INBORN COMEDIENNE.” Si Nova Villa, isa sa pinaka-hinahangaang komedyante ng bansa, ang unang nagbigay ng kanyang pahayag kay Marian bilang isang komedyante.

Bukod sa Kung Fu Divas, nagkasama na sila nang dalawang beses sa dalawang programa ng GMA-7, ang Beloved at Tweets for My Sweet.

Ayon kay Nova, "inborn" daw ang pagiging komedyante ni Marian.

“Nagkasama na kami ni Marian sa ibang show, sa Beloved, drama yun. At saka magaling siyang mag-drama. Pero, nagkaroon kami ng sitcom, yung Tweets for My Sweet.

“Marian is really an inborn, inborn ha, inborn comedienne.

“Hindi niya gawa-gawa ang comedy lang para makapag-perform lang.

“Inborn comedienne, totoo po yun.”

JUST LIKE MARICEL.” Si Roderick naman, hindi napigilang ikumpara si Marian sa matalik nitong kaibigang si Maricel Soriano. Para raw nakikita niya si Maricel kay Marian.

Ayon dito, “Sa akin naman po, actually, sinabi ko na yun kay YanYan. Si YanYan kasi, magaling sa drama, maganda.

“Pero, hindi ko siya masyadong kilala sa comedy. Pero, noong nagkasama kami sa Tweets… sabi ko, natural comedienne pala si Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, marami namang artista na magaling mag-drama, tapos, sumusubok or may talent sa pagpapatawa.

“Pero kay YanYan, hindi ko akalain na natural na komedyante. Hindi alam ng mga tao na kahit behind the scenes e natural siya.”

Naikuwento pa ni Roderick ang tungkol sa mga naririnig niyang mga isyu sa diumano’y pag-uugali ni Marian.

Aniya, “Yung mga tsismis, gusto kong makita kung sino yung sinasabi nilang suplada. E, mula noong makasama ko siya, hindi ko kasi nakita yun.

“Ang nakita ko, yung ganda ng pagkatao niya.

"Si YanYan, ayoko naman silang ikumpara, kasi best friend ko si Maricel [Soriano]...

“Ayoko namang ikumpara, pero, nakikita ko sa kanya na si YanYan, kapag totoo ka sa kanya, ang makikita mo sa kanya, totoo siya sa ‘yo.

“Kaya lang, huwag mo siyang lolokohin. Kasi, totoo siya, e. Kapag niloko mo siya, nasasaktan siya.

“Kaya sinabi ko sa kanya, ’Yan, nasa showbiz ka na. Hindi pupuwede yung pagiging totoo mo,’ nagre-react pa siya.

“Kasi, hindi importante kung ano ang sinasabi ng tao. You cannot please everybody. Pero, alam naming mga kaibigan mo sa showbiz na totoo siyang tao. Very friendly.”

Dugtong pa niya, “At saka, si YanYan ha, consistent ‘to. Hindi ito showbiz na kapag kasama ka lang, saka ka naaalala. Hindi!

“Magpapadala pa ‘yan ng pagkain. Very sweet.”

AI-AI PRAISES MARIAN. Sinang-ayunan naman ni Ai-Ai ang naging pahayag ni Roderick tungkol sa kanyang co-star at co-producer ng pelikula.

Bukod dito, “baby girl,” kung tawagin ni Ai-Ai si Marian.

“Tama ang sinasabi ni Kuya Dick, para siyang batang Maria," sabi ni Ai-Ai. "Si Inay Mary."

Dagdag nito patungkol sa mga nasuotang kusot ni Marian, "And siguro, hindi lang si Marian ang ganoon. Kahit sino sa aming mga artista, kahit gusto naming maging mabait na mabait na mabait, pero kung binabastos kami, ina-asshole kami, siyempre, di ba, tao lang din kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nasasaktan kami, lumalaban kami. Pero hangga’t maaari, tinatago namin yun sa puso namin.

“Pero minsan, sa pagiging artista namin, may lumabas, masyadong lumaki. Masyado kaming malaking umarte kasi, sanay kami sa malaking emosyon.

“Kaya siguro yung iba, nami-misinterpret—pero napaka-sweet ni Marian.”

Dugtong pa ni Ai-Ai, “Actually, kung tutuusin, mas masungit pa nga ako sa kanya.”

Ang Kung Fu Divas ay mapapanood na sa mga sinehan simula October 2.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN