Renz Fernandez reveals best advice he got from dad Rudy Fernandez: “Buhayin mo ang buhay mo nang buung-buo.”

Renz Fernandez recounts the most valuable words of wisdom he got from his dad: “Alam mo yun? Kasi isang beses ka lang mabubuhay. Tapos kung masaya ka, maging masaya ka, kung malungkot ka maging malungkot ka. Maging totoo ka sa nararamdaman mo.”


“Ang pinaka-una po, yung movie ng tatay ko, yung Matimbang Pa sa Dugo.

“Bata pa po ako nun, mga eight siguro... nine years old,” umpisang kuwento sa amin ni Renz Fernandez tungkol sa unang pagsabak niya sa mundo ng pelikulang Pilipino.

Si Renz ay anak nina Lorna Tolentino at ng yumaong action star na si Rudy Fernandez.

Bago napasali si Renz sa Prinsesa Ng Buhay Ko ng GMA-7 ay napasama siya sa …

“Sa ABS po, yung My Little Champ na two years in the making.

DISCIPLINE. Two years siyang nakakontrata dati sa Kapamilya Network at sa dalawang taon daw na iyon ay isang proyekto lang ang naibigay sa kanya.

Sa tanong kung ikinatuwa ba niya iyon, na one project in two years…

“Mahirap nga po na ganun, e. Napaka-challenging para sa isang aktor na two years, one project.

“Tapos yung character mo kailangan mong i-maintain, yung buhok, so talagang mas mahirap po kung ganun... challenge.

“At feeling ko po, blessing yun dahil mas naging ma-disiplina siguro ako sa aspeto ng akting dahil dun.

“Dahil matsa-challenge ka e, kung ganung katagal yung preparasyon mo, andun lang.

“Kailangan yung buhok mine-maintain mo, yung character na pinu-portray mo.”

Bakit inabot ng ganoong katagal ang show nila?

“Baka po dahil sa mga management problem, ganyan, o ano.”

Si Lito Lapid ang bida sa naturang programa.

“E nung panahon na po na yun kung natatandaan ninyo, parang nagka-Senate something kaya naging busy siya, tapos na-delay nang na-delay,” pagbalik-tanaw niya.

Gaano ito katagal umere?

“Hindi rin ako sigurado, e. Mga two months, three months, four months? Ganun.”

Ikinasama ba iyon ng loob niya?

“Hindi.”

OPPORTUNITY. Hindi rin daw iyon ang dahilan kaya lumipat siya sa GMA.

“Lumipat po ako dahil binigyan ako ng oportunidad na ganito so kinuha ko po dahil magandang project ito,” pagtukoy pa niya sa Prinsesa Ng Buhay Ko ng Kapuso Network na pinagbibidahan nina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kina Aljur (na gumaganap bilang Nick), Kris (na gumaganap bilang si Princess), Carmi Martin (na gumaganap bilang Eliza), LJ Reyes (bilang Kate) at si Renz nga na gumaganap bilang si Luis, mapapanood rin sa Prinsesa Ng Buhay Ko simula September 23, Lunes (bago ang 24 Oras) sina Emilio Garcia bilang Roberto, Maritoni Fernandez bilang Tess, Ping Medina (bilang si Steve), Debraliz bilang Mother Superior, Jan Manual bilang Phil, Vincent Magbanua bilang Vicvic, Lian Paz bilang Violet at si Marco Alcaraz bilang Waldo.

Ito ay sa direksyon ni Dondon Santos.

Si Malou Choa Fagar ang manager ni Renz.

Hindi pa raw final kung ilang taon ang kontrata niya sa GMA.

“Si Tita Malou po ang may alam niyan,” tugon ni Renz.

Hindi raw siya co-managed ng ina niyang si Miss Lorna Tolentino.

Aniya, “Kasi po si Mama ano talaga siya, aktres siya e, so kailangan mag-focus siya dun.”

Pero ayos lang raw kay Renz kung makikialam ang ina niya sa kanyang showbiz career.

“Siyempre nanay ko yun e, kung ano’ng gusto niya, susundin ko,” sinabi pa ni Renz.

During our interview with Renz ay isinulat niya sa kanyang cellphone ang bawat pangalan ng members of the press na kausap niya para raw hindi niya makalimutan ang mga ito.

BEST ADVICE FROM MOM AND DAD. Ang pinakamagandang payo na ibinigay sa kanya ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito…

“Alam mo napakahirap na tanong na ’yan kasi ’yan yung mga dapat na pinag-iisipan nang matagal, e.

“Kung ngayon lang ha, kung ngayon na binibigay mo sa akin yang tanong, siguro ang maganda yung, ‘Buhayin mo ang buhay mo nang buung-buo.’

“Alam mo yun? Kasi isang beses ka lang mabubuhay. Tapos kung masaya ka, maging masaya ka, kung malungkot ka maging malungkot ka.

“Maging totoo ka sa nararamdaman mo.

“Si Mama, ‘Be sincere, deliver, memorize your lines, husayan mo yung trabaho mo, mahalin mo yung trabaho mo, mag-enjoy ka, mahalin mo yung co-actors mo, lahat ng taong makita mo, yung press people mahalin mo.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ganoon kasi ang mommy niya.

“Opo, opo, idol ko nga po yun e,” pangwakas na pahayag ni Renz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN