Marco Alcaraz on his secret to successful marriage: “Pinakasikreto? Siguro ano lang, forgiveness ’tsaka communication sa isa’t isa.”

Marco Alcaraz on the little details that make for a lasting marriage: “Yung mga konting away na, minsan kasi yung maliliit na away lumalaki, e. Siyempre ako ang nanunuyo. Usually ang mga babae kasi pa-cute lang, e. So susuyuin ko na. Pag may mga away-away, pa-cute lang. Also, for example kahit nasa labas ako kasama ko yung mga barkada ko, nagti-text ako palagi na ‘O, nandito ako.’ Ganyan-ganyan, tini-text ko kung sino ang mga kasama ko. Para yung trust hind


“Gago rin,” ang natatawang sagot ni Marco Alcaraz sa tanong namin kung ano ang papel niya sa Prinsesa Ng Buhay Ko ng GMA-7.

Dati kasi ay salbahe rin ang role ni Marco sa Bukod Kang Pinagpala.

At sa upcoming primetime series nga ng GMA na eere na ngayong Lunes, September 23, ay bad boy na naman siya.

“Mas gago. Sa Indio gago na rin.”

Hindi ba siya nag-request sa GMA management na pabaitin naman siya sa isang proyekto?

“Hindi.

“Ang maganda naman dito sa Prinsesa Ng Buhay Ko, kontrabida ako, gago ako na may reason, may back story yung ano natin... yung karakter ko kung bakit ako naging ganun.

“Hindi lang yung basta masama akong tao, yung ganun,” sinabi pa ni Marco.

Kapatid niya si Kris Bernal sa show na pagbibidahan nina Kris at Aljur Abrenica.

Sa Prinsesa Ng Buhay Ko, gumaganap si Marco bilang si Waldo, at bukod sa kanila nina Aljur (na gumaganap bilang Nick), at Kris (na gumaganap bilang si Princess), nasa programa rin sina Renz Fernandez (bilang si Luis), LJ Reyes, (bilang Kate), Emilio Garcia (bilang Roberto), Maritoni Fernandez (bilang Tess), Ping Medina (bilang si Steve), Debraliz (bilang Mother Superior), Jan Manual (bilang Phil), Vincent Magbanua (bilang Vicvic), Lian Paz (bilang Violet) at si Miss Carmi Martin (na gumaganap bilang Eliza).

Ito ay sa direksyon ni Dondon Santos.

WEDDED BLISS? Apat na taon na ang relasyon nina Marco at Precious Lara Quigaman na humantong nga sa kasalan last year.

Kaya tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marco kung ano ang sikreto ng maayos nilang pagsasama bilang mag-asawa.

Hindi kasi sila kailanman naintriga at walang anumang napabalita na nag-away sila o muntik ng maghiwalay, unlike other showbiz couples.

“Pinakasikreto? Siguro ano lang, forgiveness ’tsaka communication sa isa’t isa.”

Forgiveness in the sense na…

“Yung mga konting away na, minsan kasi yung maliliit na away lumalaki, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapag nagkakatampuhan sila, sino ang unang nanunuyo at sino ang unang nagpapatawad?

“Siyempre ako ang nanunuyo.”

Kahit si Lara ang may mali halimbawa?

“Hindi naman talaga mali, usually ang mga babae kasi pa-cute lang, e. So susuyuin ko na.

“Pag may mga away-away, pa-cute lang,” paliwanag pa ni Marco.

Ang communication na isa ring factor sa matibay nilang relasyon...

“So, for example kahit nasa labas ako kasama ko yung mga barkada ko, nagti-text ako palagi na ‘O, nandito ako.’

“Ganyan-ganyan, tini-text ko kung sino ang mga kasama ko. Para yung trust hindi pa rin ma-break kasi mahirap na kapag na-break yung trust, di ba?”

Sinabi pa ni Marco na…

“Inaalagaan ko yung tiwalang iyon, kapag nabasag iyon mahirap na.”

Kaya hanggang ngayon ay hindi siya pinagbabawalan ni Lara na lumabas kasama ang mga kaibigan niya.

“Oo, mismo,” pagsang-ayon niya.

Si Lara ba ay pinapayagan din niyang gumimik kasama ang mga female friends nito?

“Hindi siya malabas e, hindi, ako lang.”

WANTS A BABY GIRL NEXT. Hindi pa raw nila susundan ang baby boy nilang si Noah.

“Hindi muna. May kontrata pa sa Marie France si Lara tapos, ’tsaka mas maganda siguro, sabi kasi niya e-enjoy-in daw muna niya yung sexy ulit siya bago mag-baby ulit.

“Siguro four years bago sundan ulit,” pag-estima niya.

Ten months na ang anak nila ngayon.

“Para sabay silang ga-graduate, di ba? Kasi pag high school ’tsaka college, di ba? Sabay silang ga-graduate,” sinabi pa ng hunk male star.

Babae naman daw ang gusto ni Marco na sumunod nilang maging anak ni Lara.

“Para quota na, iyon na yun, dalawa lang,” pagtatapos niyang kuwento.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN