Enzo Pineda on being pitted against Rocco Nacino: “Wala naman kaming rivalry ni Rocco.”

Enzo Pineda on being pitted against Rocco Nacino: “Well, siguro me and Rocco are always being compared because... I don’t know, there’s this parang magkamukha raw kami minsan or something, pero we have our own identity...I get the younger roles, Rocco gets the yung mga Pedro Calungsod, yung mas mature roles because, iyon, fit sa kanya...Iba naman yung achievements naming dalawa and iba yung career path namin.”


Dahil pareho silang produkto ng StarStruck at magkasama sa iisang batch, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Enzo Pineda ang rivalry nila ni Rocco Nacino.

“Wala naman kaming rivalry ni Rocco,” mabilis na pagtanggi ni Enzo.

Magkaibigan daw sila, pati na rin ang ilang male Kapuso stars.

“Oo naman, like me, sila Rocco, sila Steven [Silva], Mark [Herras], Sef [Cadayona]—sila yung mga pinaka-close ko dito sa GMA.

“And I guess, ang tagal na naming magkakilala, four years! At the same time marami na kaming na-build na memories and mga fun experiences together kasi magkakatrabaho kami sa SAS [Sunday All Stars].

“Si Rocco, parang kapatid ko na rin. We train together, also with Steven, sa gym niya sa Elorde,” dagdag pa ni Enzo.

Pero simula noon ay sila na ni Rocco ang pinagtatapat.

“Well, siguro, me and Rocco are always being compared because...I don’t know, there’s this parang magkamukha raw kami minsan or something, pero we have our own identity.

“I mean sa show na ito sa Dormitoryo, kita naman natin yung age difference ng roles na pinu-portray ni Rocco compared to me.

“I get the younger roles, Rocco gets the yung mga Pedro Calungsod, yung mas mature roles because, iyon, fit sa kanya.

“Fit sa character niya, fit sa ugali niya. And I guess we have our own identity, me and Rocco, so I don’t see why people compare us.

“Pero kasi iba naman yung achievements naming dalawa, and iba yung career path namin.

“Siguro parehas kaming nagli-lead pero iba yung characters na ’binibigay sa amin,” pag-aanalisa pa niya.

May punto ba na sumagi sa isip ni Enzo na nalampasan na siya ni Rocco, career-wise?

O dahil nagbibida na rin si Enzo, tulad nga sa Dormitoryo ng GMA, ay pantay na sila?

“Wala naman akong ganun na feeling ever since because, if it’s your time, it’s your time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Rocco has been getting a lot of projects recently, and I’m proud of him kasi he deserves it, e. Masipag siya.

“Hindi ko... I will not question yung work ethic niya, kung gaano siya kapursige para gumaling bilang aktor, bilang artista, and nirerespeto ko siya as an actor also.

“So, hindi ako dapat magselos o ma-insecure because he deserves it and, ako naman, I always try to challenge myself na to do better sa bawat project na binibigay sa akin kasi.

“Natuto naman ako sa, let’s say sa experiences ko sa GMA, natuto ako na hindi ko nakukuha yung mga bagay na gusto ko, so I just have to get it.

“And I have to show everybody na I deserve this role or I deserve to be an actor, I deserve the good roles also.

"And I work hard to be a better actor because I love acting and ito yung isa sa mga gusto kong career path sa buhay ko,” tugon niya.

Sa Dormitoryo, bukod kay Enzo (na gaganap bilang Burns Chavez), mapapanood rin sina Winwyn Marquez bilang Maika Benitez, Lauren Young bilang Hazel Mendoza...

Sina Mayton Eugenio bilang Weng Dimagiba, Ruru Madrid bilang Charlie Chavez, Joyce Ching bilang Airiz de Ocampo, Annicka Dolonius bilang Janet Pulido, at Ash Nordstrom bilang Rose Angeles.

Ito ay sa direksyon ni Jun Lana, at mapapanood sa GMA tuwing Linggo pagkatapos ng Sunday All Stars.

NOT JOINING COSMO BASH THIS YEAR. Isang hunk celebrity si Enzo, pero this year daw ay hindi siya rarampa sa Cosmo Bachelor Bash na gaganapin ngayong September 24.

“Choice ko lang... I mean, yeah, in-offer nila ako.

“Pangatlo sana this year.

“What made me refuse? Siguro ayaw ko lang magsawa yung mga tao sa akin, yung I want to keep things interesting.

“Na, siyempre, parang pangit naman pag lagi akong nagpapakita ng skin. I’m also part of Bench Body, and I think that’s more than enough also.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para naman may excitement next year or next, next year di ba?

“For me to show something new. I mean this year, iba na yung ’pinapakita ko e. I mean more on acting ako this year.

“I stopped posing, like showing skin. I didn’t stop being sexy, iba naman yun, e. It’s how you carry yourself, e.

“Pero ’tinigil ko muna para at least may excitement naman sa mga tao and para mag-focus naman sila sa ibang career ko, which is acting.

“I want them to see or to realize that, ‘Yeah, Enzo is a good actor and he’s been working very hard,’ and makita nila na passionate ako sa trabaho ko.”

Dahil nagpahinga siya ngayong taong ito sa Cosmo, ibig bang sabihin, kapag sumalang siya ulit next year ay mas matindi ang gagawin niya?

“Parang ganun na nga, so nag-iisip ako, kasi parang the past two years nag-mature din ako as a person, e.

“And nung nag-Cosmo ako, tingin ko medyo totoy pa ako nun, e. Totoy pa ako pero malaki ang katawan ko.

“So, parang gusto ko pag nag-Cosmo ako ulit, I want to show a different Enzo na mas mature,” saad niya.

TAKING RISKS. Kung may project para sa kanila ni Rocco na mala-My Husband’s Lover ang tema, tatanggapin niya? Halimbawa ay isang movie na mas daring kaysa sa napapanood sa telebisyon.

“Movie? It doesn’t mean na mas daring yun, pero honestly if binigay sa akin yung role ng My Husband’s Lover, I can do it kasi I’m sure Rocco can do it also,” saad niya.

Alin ang pipiliin niyang role na mapunta sa kanya, ang role ni Eric, played by Dennis Trillo, o ang role ni Tom Rodriguez bilang Vincent?

Tugon ni Enzo, “Depende, e. Pero Tom’s role is an interesting role.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So papayag siya?

“Papayag ako. As an actor you have to be—the more daring the role is, the better. Kasi if you’re not taking risks sa mga roles mo, you’re not an artist, di ba?

“Kaya nga artista e, because you take risks, you want to show something new sa mga viewers.

“If you’re doing the same character all over again, then I guess you’re not doing your part as an artist. Also kasi, kailangan lagi kang may ’pinapakitang bago sa mga tao.

“And yung mga roles na hindi mo pa napu-portray, i-portray mo kasi iyon yung maghi-hit, e.

“Like yung sa My Husband’s Lover, they took the chance of doing something like that, and it worked, di ba?

“Ang ganda, ang ganda ng feedback, kasi it’s an art, e. Wala namang masamang reactions about it because acting is art, di ba?” sabi pa ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN