Ynna Asistio on rumors that Derek Ramsay courted her before Cristine Reyes: “Hindi nauwi sa ganun...kasi nga sinabihan ko agad siya na ayoko nang mag-boyfriend.”

Ynna Asistio on Derek-Cristine relationship: “Masaya ako para sa kanila, sobrang happy ako for them. Alam ko na matagal na silang best friends at parang feeling ko matagal na sila dapat nagkagustuhan, e."


Bago pa man makumpirma ang mag-iisang buwan nang relasyon nila Derek Ramsay at Cristine Reyes, madalas munang nakikitang lumalabas si Derek at si Ynna Asistio.

Inakala ng iba na mauuwi sa relasyon ang lahat dahil balitang naipakilala na ni Ynna si Derek sa kaniyang pamilya at nagustuhan naman nila ang aktor.

Sa hindi klarong dahilan, hindi natuloy ang pagpapalalim ng relasyon ng dalawa, at bigla na lang pumutok ang relasyong Derek at Cristine.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ynna, tinanong namin ang anak nina Nadia Montenegro at Boy Asistio kung ano ang rason at di naging sila ni Derek.

Tinanong din namin kung ano ang naging reaksyon niya nang makarating ang pagkumpirma ng relasyon nila Cristine at Derek.

“Masaya ako para sa kanila, sobrang happy ako for them,” panimulang bungad ni Ynna, bilang sagot sa huling tanong.

“Alam ko na matagal na silang best friends at, parang feeling ko, matagal na sila dapat nagkagustuhan, e."

Inamin din ni Ynna, na sagot na rin sa naunang tanong: "Sinabi ko kay Derek na hindi pa ako ready na mag-boyfriend.

“Ayoko munang magka-boyfriend, gusto ko munang mag-concentrate sa work ko.

"Kung ano muna ang planong gustong ibigay sa akin ng ABS [CBN], gusto kong alagaan yun.

“So, wala talaga akong planong mag-boyfriend. Talagang magku-concentrate ako sa trabaho ko ngayon.”

JUST FRIENDS. Agad naming tinanong si Ynna kung nanligaw ba talaga sa kanya ang hunk actor kaya sila lumalabas-labas noon?

“Hindi nauwi sa ganun, talagang friends lang kami, kasi nga sinabihan ko agad siya na ayoko nang mag-boyfriend,” paglinaw niya.

Di naman itinago ni Ynna na nasa proseso pa siya hanggang sa ngayon ng pag-move on mula sa breakup nila ni Mark Herras, na ilang taon din niyang naging kasintahan.

“Of course, ayokong madaliin, five years kami ni Mark. Di ko masasabi na agad-agad makaka-move on ako kasi wala pang three months.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta sa ngayon, gusto ko sarili ko naman,” dagdag niyang paliwanag.

FRESH START. Nagkabati na rin ang inang si Nadia Montenegro at ang dating manager na si Annabelle Rama, at balitang inurong na ng bawat panig ang mga demanda nila sa isa’t isa.

Para kay Ynna ay maganda itong pasimula para sa kanilang lahat.

“Hindi, unexpected yung nangyari. Magkakasama kami, bigla na lang silang nagbatian. Tapos okay na.

“Wala na rin yung mga kaso, naayos na ang lahat. Happy ako, kami kasi wala nang gulo, kumbaga fresh start,” sabi ng dalagang sumama sa una niyang Star Magic Ball noong September 7, kasama ang nakababatang kapatid na nag-aartista na rin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN