Kristine Hermosa raring for showbiz comeback but picky about project

Kristine Hermosa (with husband Oyo Sotto) on her showbiz comeback: “Sana, actually, anytime naman basta may magandang project. Of course, na-miss ko talaga...but since wala pa talagang project na okay, bago, at kakaiba, hindi muna. Maraming inu-offer ang ABS, pero kasi parang hindi pa, e. Hindi ko pa nararamdaman na gusto kong gawin, as of now.”


Pagkatapos mamahinga nang matagal-tagal na panahon mula sa pag-aartista ay nagiging visible na muli si Kristine Hermosa.

Matatandaang dinisisyunan muna ni Kristine na talikuran ang showbiz, mula nang ikasal sila ni Oyo Sotto noong January 2011, at tuluyan nang pinanindigan nito ang kanyang papel bilang butihing maybahay at ina ng ngayo’y dalawa nilang anak.

Present sa nakaraang 2013 Star Magic Ball kasama si Oyo at kamakailan ay napanood na nag-guest sa Showbiz Inside Report, kinumpirma naman ni Kristine sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang posisyon niya tungkol sa showbiz.

Bukas daw ito sa pagbabalik-showbiz anumang oras, at naghihintay lang talaga ito ng magandang comeback project.

Sabi ni Kristine sa PEP: “Sana! Actually, anytime naman, basta may magandang project.”

Dagdag ng mestisang aktres, “Of course, na-miss ko talaga, especially pag yun ang nakasanayan mo. But since wala pa talagang project na okay, bago, at kakaiba, hindi muna.

“Maraming inu-offer ang ABS [CBN], pero kasi parang hindi pa, e. Hindi ko pa nararamdaman na gusto kong gawin, as of now.”

KRISTINE AS DARNA? Lumalabas ang pangalan ni Kristine, na maaring gumawa raw ng remake ng Darna, na huling ginawa ni Marian Rivera sa bakuran ng GMA-7.

Ayon kay Kristine, wala pa siyang natatanggap na offer na ganoon. Taliwas ito sa mga balitang inalok daw sa kanya ang nasabing Pinoy superhero character.

“Tingnan mo naman, balot na balot ako ngayon, magda-Darna ba ako?” natatawa niyang balik-tanong.

“I don’t remember, kasi pagka sure naman yung project, kapag okay naman yung offer, makakarating sa akin, di ba? Sa akin, if ever man, okay naman.”

MORE DISCRIMINATING ABOUT ROLES. Bilang isang pamilyadong tao, aminado si Kristine na mas mapili na siya sa mga roles na tatanggapin ngayon.

“Siyempre naman, yung pleasing naman. Ayoko nung kasusuklaman ng mga anak ko at magtatanong sila kung bakit ginawa ko,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama ni Kristine si Oyo nang makapanayam ng PEP, at buo nga raw ni Oyo kung saka-sakali,ng magdesisyon ang asawa na magbalik-showbiz.

Pero nandun daw ang kundisyon niya na dapat ay pipiliin nang husto ni Kristine ang anumang role na gagawin nito.

“Ako naman ano... ayoko namang makialam kay Tin kasi alam naman niya kung ano ang gusto niya, e. Sa ngayon talaga wala e, di niya gusto.”

“Siyempre, gusto ko pag napanood ng mga anak namin, yung matutuwa naman sila. Hindi yung, ’Ay Mommy, ano yan?!’"

VIC-PAULEEN WEDDING? Nasulat kamakailan na malaki raw ang posibilidad na mauwi sa kasalan ang relasyon ng kanyang amang si Vic Sotto at ang Eat Bulaga! co-host na si Pauleen Luna.

Ayon sa mga usap-usapan ay mukhang nahulog na raw talaga ang loob ni Vic sa young actress at binabalak raw nitong pakasalan na si Pauleen.

Ayon kay Oyo, wala silang alam tungkol dito. Pero kung saka-sakali raw na mauwi sa kasalan ang lahat ay di siya tututol sa anumang makakapagpaligaya sa ama.

“Ah talaga? Di ko alam, e. Alam mo naman pagdating kay Daddy, wala kaming alam.

"Talagang very quiet si Daddy. Kung ano ang nababasa namin sa balita, yun lang din yun.

“Wala tayong magagawa, kailangang respetuhin. Basta masaya siya, okay na yun sa akin,” pagtatapos ni Oyo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN