Ai-Ai delas Alas mesmerized by Marian Rivera’s beauty: “Ina-achieve ko yung puti niya. Gusto ko nang laklakin yung mga glutathione.”

Ai-Ai delas Alas on trying to get that "Marian Rivera" look: “Noong unang makita ko siya, ang puti niya, di ba? Pa-Virgin Mary na ang dating...Kaya kita mo, hindi mo napapansin, paputi na ako nang paputi...Gusto ko nang laklakin yung mga glutathione. Talagang pina-brown ko na yung buhok ko nang bonggang-bongga. Lahat ng pagpapaputi! Kasi talagang na-mesmerize ako, ang ganda niya pala.”


Napatunayan ni Ai-Ai delas Alas na mali ang mga negatibong isyung iniuugnay sa kanyang co-star na si Marian Rivera, lalo na tungkol sa tinatawag na attitude problem.

Dahil nga raw sa pagsasama nila sa pelikulang Kung Fu Divas, nakatagpo siya ng bagong kaibigan, na kung tawagin niya ngayon ay Baby Girl Marian.

Sabi ni Ai-Ai, “Di ba yung sinasabi nila na mataray siya, ma-ganito siya.

“Actually, nakakatawa, kasi parang kabaliktaran naman yun! Kasi sweet siya, e. Totoo, sweet siya. Hindi dahil gugulpihin ako ng mga fans mo, Baby Girl. Pero, totoo, sweet siya.

“Araw-araw meron akong pasalubong, yung mga ganun. Hindi naman kailangan mahal. Pero para isipin niya ako habang nagsu-shoot siya, habang may soap siya noon ha? Naiisip niya pa ako, ‘Ay, si Ate Ai bibilhan ko nito.’

“And yun, natutuwa ako sa gesture na yun. Parang sabi ko na talagang malaki ang heart ni Marian.”

Ito ang inahayag ni Ai-Ai sa presscon ng Kung Fu Divas, noong Setyembre 20, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Ang Kung Fu Divas ay gawa ng Star Cinema, Reality Entertainment, at O & Co. Picture Factory. Sina Ai-Ai at Marian ay co-producers ng pelikula.

Directed by Onat Diaz, ang Kung Fu Divas ay ipalalabas sa mga sinehan nationwide sa Oktubre 2.

KAPAMILYA AND KAPUSO IN ONE MOVIE. Mabuti na lang daw at pinayagan si Marian ng home network nitong GMA-7 na gawin ang pelikula.

Kaya nagkaroon si Ai-Ai—di matatawarang blockbuster star ng ABS-CBN—ng pagkakataong mas makilala ang Kapuso Primetime Queen.

“Kasi nga nung inalok sa akin ni Direk Onat yun, nung nalaman ko si Marian, sabi ko, ‘Wow!’ Tapos, unang tanong ko, ‘Pinayagan ba siya?’

“Kasi, siyempre, rival ano [network] kami e. Yun ang una naming tatanungin. Yes, and sana payagan siya, i-pray natin.

“So, nung alam kong magsu-shoot na kami, sabi ko, ‘Wow, ang ganda naman. Ang galing naman, napapayag na magkasama kaming dalawa,’” kuwento pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpapasalamat si Ai-Ai sa kanilang direktor dahil ito ang nakaisip na pagsamahin ang isang Kapamilya at Kapuso sa iisang pelikula.

“Thank you rin kay Direk Onat kasi siya yung nagsimula ng lahat, at siya talaga yung nag-isip na kaming dalawa talaga ni Baby Girl Marian.

“At saka nakakatuwa kasi first time kong gumawa ng ganitong klaseng pelikula, and magiging proud po tayong lahat.

“Hindi lang po kami na involved sa movie, pati tayong mga Pilipino na, ‘Wow, kaya pala nating gumawa ng ganito.’

“Nakaka-proud po yung pelikula, kaya sana panoorin po ng buong mga Pilipino, tayong lahat.”

MARIAN’S BEAUTY. Hinahangaan daw ni Ai-Ai ang kagandahan ni Marian.

“Noong unang makita ko siya, ang puti niya, di ba? Pa-Virgin Mary na ang dating. Parang, ‘Huh? Parang nakita ko na si Virgin Mary. Ang ganda, ang puti.’

“Kaya kita mo, hindi mo napapansin, paputi na ako nang paputi. Ina-achieve ko yung puti niya. Gusto ko nang laklakin yung mga glutathione.

“Talagang pina-brown ko na yung buhok ko nang bonggang-bongga. Lahat ng pagpapaputi. Kasi talagang na-mesmerize ako, ang ganda niya pala.”

Never naman daw na-insecure si Ai-Ai sa kagandahan ni Marian.

“Inaamin ko naman na hindi ako maganda, kaya lang sinasabi ko maputi ako,” biro ni Ai-Ai.

“Hindi, okay lang yun. Alam ko naman hindi ako maganda, pero sabi nga, iba-iba naman ang klase ng ganda. Sometimes it’s beauty within.

“Sometimes yung ibang tao nakikitang cute ka, maganda ka, ma-appeal ka.

"Pero yung, kumbaga, yung partnership namin makikita n’yo sa movie na, ‘Ay, bagay sila.’ Kumbaga sa leading man, yung meron kaming chemistry.”

THE SUBMISSIVE & THE AQUARIUM. Isa pang isyu kay Marian na napatunayan ni Ai-Ai ay may kinalaman sa lovelife ng Kapuso actress at sa boyfriend nitong si Dingdong Dantes, na siyang premier Kapuso actor naman.

Pagpapatuloy pa ni Ai-Ai sa mga obserbasyon nito kay Marian: “Sa lovelife niya, submissive siya. ’Kala ko kasi, yung hitsura niya, parang hindi siya susunod kay Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, ano siya, submissive siya. Tina-try niyang maging submissive.

"Kunwari naghihina-hinaan siya, pero malakas naman talaga siya. Pero para lang maging okay sila—and nakikita naman natin. Kasi ang tagal na ng relasyon nila.

"Sana ako rin, makopya ko rin yun.”

May kuwento nga si Ai-Ai tungkol sa isang aquarium.

“Ang tawagan nila Daddy, tsu-tsu, ganyan. Ngayon, meron sa kanilang aquarium.

"Yung aquarium na yun, palaging siya [Marian] talaga ang naglilinis nun. So, alam natin kung gaano kabigat yung aquarium, di ba?

“Pero bilang girl, na kaya naman talaga niyang gawin yun… Pero dahil gusto niyang maramdaman ni Daddy na girl na girl siya at talagang kailangan niya ang tulong ni Daddy, sasabihin niya, ‘Daddy, help me naman with the aquarium.’ Ganun.

“Kaya sinasabi ko na submissive siya, kasi kung ako man yun, bakit ko sasabihin pa, ‘Daddy, tulungan mo naman ako dito,’ e kaya ko namang buhatin yun.

“Sabi niya [Marian], ‘Sa totoo lang, kaya ko naman talagang buhatin yun. Kasi araw-araw ko namang binubuhat yun, e.’

“Kaya tawang-tawa ako! Kaya naiisip ko, ‘A, si Marian talagang ginagawa niya ang lahat para mag-work out yung relationship nila.’

"Yun ang natutuwa ako sa kanya.”

Pahabol pa ni Ai-Ai, ginagawa niya rin daw naman yung pagiging submissive, pero hindi niya alam kung bakit hindi effective sa kanya.

“Although, ginagawa ko rin naman. Kaya lang hindi talaga ako na-bless ng isang Dingdong Dantes,” pabirong pag-amin ng komedyante.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN