Big surprises at 1st CineFilipino Film Festival Awards Night

Marami ang nasorpresa nang tanghaling Best Actress sa 1st CineFilipino Film Festival Awards ang 13-year-old newcomer na si Teri Malvar (kanan) para sa kanyang pagganap bilang lesbian teenager sa Ang Huling Cha-Cha Ni Anita. Kabilang sa tinalo ni Teri ang Superstar na si Nora Aunor (kaliwa) na tampok naman sa pelikulang Ang Kwento Ni Mabuti.


Gumawa ng ingay ang kauna-unahang CineFilipino Film Festival Awards Night na ginanap kagabi, Setyembre 22, sa Genting Club sa Resorts World Manila.

Ito ay matapos magdesisyon ang festival jury na magkaroon ng tie para sa Best Picture imbes na magbigay ng third, second, at Best Picture.

Kapwa nagwagi para sa naturang pinakamataas na award ng gabi ang mga pelikulang Ang Kwento Ni Mabuti ni Mes De Guzman at Ang Huling Cha-Cha Ni Anita ni Sigrid Andrea Bernardo.

Bukod sa tropeyo, bawat pelikula ay tumanggap ng premyong P500,000 in cash.

Maituturing na big winner si Direk Mes dahil bukod sa Best Picture ay nanalo rin siya ng dalawa pang major awards—ang Best Director at Best Screenplay para sa Ang Kwento Ni Mabuti, na pinagbibidahan ni Superstar Nora Aunor.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Mes pagkatapos ng programa at hiningi namin ang reaksiyon niya sa tatlong awards na natanggap niya.

Saad niya, “Masayang-masaya po ako… actually noong nagsu-shoot kami masayang-masaya na kami kasi kasama ko nga si Ate Guy.

"Tapos yung vision ng Kwento, nasunod ko and Superstar pa ang artista ko.

"Ang ngayon nanalo pa, so sobra-sobrang blessing talaga para sa akin.

"Yung screening pa namin laging napupuno, so wala na akong masabi. Suwerte talaga.

"Maraming salamat sa suporta n’yo sa media, sa mga fans ni Ate Guy, sa lahat ng mga nakapanood na at siyempre salamat sa CineFilipino.

"Sana patuloy pa ring tangkilikin ng mga tao ang pelikula namin. I heard mae-extend siya sa mga sinehan,” masayang sabi ni Direk Mes.

Nahingan din ng PEP ng pahayag si Direk Sigrid para sa tagumpay ng pelikula niyang Ang Huling Cha-Cha Ni Anita.

Aniya, “I’m still overjoyed and I didn’t expect that we would win.

"But I would like to give credit to my wonderful cast for winning the Best Ensemble Acting, Teri [Malvar] for winning the Best Actress, and Angel Aquino for winning the Best Supporting Actress. They truly deserved it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit hindi ako ang Best Director, as a director my biggest accomplishment is for my actors to get their parts well and get noticed during awards night, and of course for my team the best gift I could give them is the Best Picture.”

NORA LOSES TO A 13-YEAR-OLD NEOPHYTE. Pinag-usapan din kagabi ang pagkatalo ni Ate Guy para sa Best Actress, na tila ikinagulat ng marami dahil sa expectation na siya ang magwawagi ng naturang award.

Pero sa interview sa kanya ay sinabi ni Ate Guy na katulad sa anumang awards night ay hindi siya nag-e-expect na mananalo.

Sabi ni Ate Guy, “Sabi ko nga, hindi ako nag-e-expect sa ganyan dahil ang daming artistang magagaling. Pero masaya ako dahil nanalo ang movie, talagang maganda ang movie namin.”

Itinanghal bilang pinakamagaling na aktres ng festival ang baguhang 13-year-old na si Teri Malvar, dahil sa kanyang pagganap bilang batang lesbian sa Ang Huling Cha-Cha Ni Anita.


Ayon kay Teri tungkol sa kanyang pagkapanalo, “I feel surprised kasi I didn’t know that I would beat Nora Aunor… the Nora Aunor, who has been winning awards.

"But I’ve been praying to God every night that sana I would get the Best Actress award. It’s an answered prayer.”



MORE AWARDS AND WINNERS. Nagsigawan naman sa tuwa ang lahat ng cast ng Ang Huling Cha-Cha ni Anita nang parangalan ang pelikula ng Best Ensemble Acting.

Bukod kay Teri, kabilang din sa cast sina Marcus Madrigal, Lui Manansala, Jay Bordon, at Angel Aquino, na nagwagi ng Best Supporting Actress.

Hindi nakadalo si Angel para tanggapin ang kanyang award.

Dalawang acting awards naman ang napunta sa mga artista ng The Guerrilla Is A Poet—Best Actor para kay Karl Medina at Best Supporting Actor para kay Bong Cabrera.

Si Karl ay kabilang sa pamilya ng mga magagaling na aktor. Tatay niya si Pen Medina at mga kapatid niya sina Ping at Alex Medina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa kanyang panalo ay mas naramdaman daw ni Karl ang pagiging isang Medina, na pawang mga award-winning actors.

Pagdating naman sa technical awards, dalawang pelikula ang umangat—ang Puti ni Mike Alcazaren at The Guerrilla Is A Poet nina Sari at Kiri Dalena.

Nagwagi ang Puti ng Best Sound, Best Production Design, at Best Cinematography. Habang nakuha naman ng The Guerrilla Is A Poet ang Best Musical Score at Best Film Editing.

Sa Short Film category naman ay nanalong Best Short Film ang Ligaw na tumanggap ng premyong P100,000 in cash, pumangalawa ang Logaritmo (P75,000), at pumangatlo ang Sangandaan (P50,000).

Ang CineFilipino Film Festival ay inorganisa ng PLDT-Smart Foundation, MediaQuest, Studio 5 at Unitel Entertainment.

Binuksan nila ang festival para sa interesadong filmmakers noong Agosto 2012 at naka-attract ng halos 150 entries sa buong bansa.

Mula sa mga nag-submit ay pinili ang walong best entries, na tumanggap ng seed grant na P1.5 million para suportahan ang paggawa nila ng pelikula.

Ang walong full-length films ay kinabibilangan ng Ang Kwento ni Mabuti ni Mes de Guzman, Ang Huling Cha-Cha ni Anita ni Sigrid Andrea Bernardo, Puti ni Mike Alcazaren, The Guerrilla is a Poet nina Sari and Kiri Dalena, Ang Turkey Man ay Pabo Rin ni Randolph Longjas, The Muses ni Janice Perez, Bingoleras ni Ron Bryant, at Mga Alaala ng Tag-ulan ni Ato Bautista.

Meron ding sampung short films na binubuo ng Ligaw ni Pamela Reyes, Logaritmo ni Kim Ocariza, Sangandaan nina Jose Ibarra Guballa at Bienvenido Ferrer III, Alkansiya ni Joan Cajes, Kathang Isip ni Jops Madarang, Last Call ni Khalil Joseph Banares, Mabuhay Ang Pilipinas ni Bor Ocampo, Onang ni JE Tiglao, Princess Urduja ni Tiffanie Ang, at World Ipis nina Kristin Parreno Barrameda at Joana Carla Martinez.

Ang mga pelikula at short films ay palabas mula September 18 to 24 sa Newport Cinemas ng Resorts World Manila, Lucky Chinatown Mall cinemas, Gateway Cineplex, at Shang Cineplex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang festival jury ay binubuo nina TV5 and MediaQuest President and CEO Emmanuel “Noel” Lorenzana, director Chris Martinez, director Joey Reyes, actress Cherry Pie Picache, Stephen Cremin, Roger Garcia, at Max Tessier.

Nagsilbing hosts ng awards night sina Kapatid actor Victor Silayan at TV5 host Lia Cruz.

Narito ang kabuuan ng listahan ng mga nanalo:

Best Picture: Ang Kwento ni Mabuti and Ang Huling Cha-Cha ni Anita (tie)

Best Director: Mes De Guzman (Ang Kwento ni Mabuti)

Best Screenplay: Mes de Guzman (Ang Kwento ni Mabuti)

Best Actress: Teri Malvar (Ang Huling Cha-Cha ni Anita)

Best Actor: Karl Medina (The Guerrilla Is A Poet)

Best Acting Ensemble: Ang Hulling Cha-Cha ni Anita

Best Supporting Actress: Angel Aquino (Ang Huling Cha-Cha ni Anita)

Best Supporting Actor: Bong Cabrera (The Guerrilla Is A Poet)

Best Film Editing: Keith Sicat (The Guerrilla Is A Poet)

Best Cinematography: Roberto Yniguez (Puti)

Best Musical Score: Raffy Magsaysay (The Guerrilla Is A Poet)

Best Production Design: Rious Caliso (Puti)

Best Sound: Mark Laccay (Puti)

Short Film category

Best Short Film – Ligaw

Second Best Short Film – Logaritmo

Third Best Short Film – Sangandaan


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN