Derrick Monasterio insists he’s not courting Barbie Forteza: "Sweet na talaga kami. Yung ka-sweet-an ng isang friend, ganun kami."

Ngayong 18 years old na si Derrick Monasterio, mas seryoso na raw siya pagdating sa kanyang showbiz career. "Basta anything para sa career ko, doon na muna ako," sabi pa niya.


Mas magiging seryoso na raw si Derrick Monasterio sa kanyang pagiging artista ngayong 18 years old na siya.

Hindi raw tulad ng dati na parang nilalaro lang niya ang showbiz, ngayon ay mas binibigyan na raw niya ito ng halaga.

Sabi ng Kapuso young actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): "I promised myself na magiging focused na ako sa craft ko.

"Yung sa acting, singing... mas gagalingan ko yung talent ko.

"Gusto ko na ring maging ready sa anumang challenge sa career ko."

Part ng growing-up years ng mga teenager ang makaranas ng kung anu-ano na nagpapa-excite sa kanilang buhay, tulad ng gimikan at computer games. Nagsawa na ba siya sa mga ito?

Pahayag ni Derrick, "Ako kasi noon, pinagdaanan ko na ’yan kaya parang nanawa na rin ako.

"Ngayon, gusto ko ay workshop-workshop na lang.

"Basta anything para sa career ko, doon na muna ako.

"I still have friends sa place namin, pero kami naman, laru-laro lang ng basketball.

"Yun naman ang isang bagay na hindi mawawala sa amin."

GIRLS. Hindi ba niya prayoridad ang magkaroon ng girlfriend ngayon?

"Wala po, wala po," nakangiting sagot ni Derrick.

"Malayo sa isip ko ’yan. Hindi naman ako mahilig tumambay sa kung saan-saan.

"Siguro yung ibang binata, ganun, pero ako, wala, e.

"Siguro dahil naunahan ako ng responsibilities—nagbabayad ng sasakyan ko, tumutulong sa business ng mom ko [Tina Monasterio].

"Normal naman sa isang guy na magkaroon siguro ng ano... I mean, yung interest sa girls, pero crush-crush lang muna."

Paano naman yung girls na nagkakagusto sa kanya? Paano niya ini-entertain ang mga ito?

Sabi ni Derrick, "Wala, hindi ko siniseryoso. I treat them as friends.

"Kasi, nararamdaman naman po nila yun. At saka part naman ’yan ng showbiz.

"May girls na magkakagusto sa iyo, pero depende naman ’yan kung paano mo sila i-treat, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako naman, friendly naman ako sa karamihan."

Paano niya hina-handle ang medyo aggressive na mga babae?

"Wala akong magagawa kung aggressive siya! Bahala siya, pero hindi ko naman siya papatulan!" natatawang sagot niya.

Pagse-seryoso niya, "Hindi, siguro the best thing is show to them na maging friends na lang kayo.

"Kasi, kapag mabait ka sa isang tao, I don’t think na mag-iisip na ’yan ng kung anu-ano.

"Just be nice to them and treat them na parang kaibigan mo talaga or kapamilya."

BARBIE FORTEZA. Hindi kaya dahil kay Barbie Forteza, na hanggang ngayon ay itinuturing pa rin niyang "closest friend," kaya hindi siya namamansin ng mga nagkakagusto sa kanya?

Kung ibabase sa tweets ni Derrick, kahit konting oras lang na hindi niya makita ang teen actress ay sobrang nami-miss na niya ito.

"Wala, catch-up catch-up lang yun," nangingiting paliwanag ng binata.

"Kasi, isang buong araw kaming hindi nagkasama, kaya ganun. Kumustahan lang.

"Sa isang araw ay marami ang nangyayari, di ba? So, wala, updates lang.

"Siya naman talaga kasi ang pinaka-close sa akin sa girls sa GMA, e."

Wala pa ba talagang ligawang nangyayari sa kanila?

Sagot ni Derrick, "Wala. Wala talaga... at the right time.

"Sa ngayon, asaran pa rin kami minsan. Basta wala kaming pikunan kasi sanay na kami sa isa’t isa.

"Basta kapag magkasama kami, kulitan, ganun. Spontaneous na kulitan.

"Masaya, kasi sanay na sanay na nga kami sa isa’t isa. Yun lang."

Sweet ba sila sa isa’t isa?

"Sweet na talaga kami. Yung ka-sweet-an ng isang friend, ganun kami.

"Siguro nga dahil sa sanay na kami.

"Kaya yung iba, napagkakamalan na kaming dalawa na. Hindi pa po talaga."

TEENAGE LIFE. Ano pa ba ang mga bagay na gusto niyang ma-explore ngayon?

"Gusto ko yung nature-tripping," sagot niya.

"Gusto ko yung underwater scuba diving. Gusto ko ring i-try yung hiking. Anything about nature.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi na-try ko na mag-gym, mag-boxing, gusto ko naman yung outdoor activities.

"Para sa akin, exciting yun."

Si Barbie pa rin ba ang gusto niyang makasama sa mga lakad niyang ito?

"Kahit sino—friends, ganun.

"Kung papayag ba siya, why not, di ba? Siyempre, mas masaya kung andun siya.

"Sana... sana one of these days."

SHOWBIZ CRUSH. This time, inalam namin kay Derrick ang showbiz crush niya bukod kay Barbie.

"Si Solenn [Heussaff]," mabilis nitong tugon.

Ano ang qualities mayroon si Solenn na nagustuhan niya?

"Kasi she looks fresh. Ganda niya, e.

"Crush lang. Pero gusto ko kung magka-girlfriend ako, gusto ko yung medyo malapit naman sa age ko.

"Ayaw ko namang mas matanda sa akin nang sobra."

Ano ba ang age na matanda for a girlfriend?

"Siguro yung mga twenty-four and above, ganun.

"May guys naman na nagkakagusto sa girls na medyo may edad na, yung tipong gusto talaga nilang maging girlfriend. Trip nila yun, e.

"Ako, crush ko lang, pero hindi ko inisip na maging girlfriend ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN