Sunshine Cruz compares fighting for husband Cesar Montano to a "beauty contest": "Kasi, marami kang kakumpitensiya. Maraming mga gustong umagaw, na mas bata at mas sexy, sa asawa mo."

Pahayag ni Sunshine Cruz tungkol sa desisyong makipaghiwalay na sa asawang si Cesar Montano: "Everybody knows that I gave our relationship a lot of chances. Ilang beses na akong humiwalay, nagpaamo, bumalik, humiwalay na naman, nag-amo, bumalik... So, parang I know in my heart and in my mind that I did everything to make it work."


"Very blessed" pa rin daw si Sunshine Cruz sa kabila ng hindi magandang kinahinatnan ng pagsasama nila ng asawang si Cesar Montano.

Ito ay dahil sa pagkakaroon niya ng tatlong anak na babae.

“Kaya nga ako, sa totoo lang, whatever happens sa buhay ko, kung anuman ang mga naging desisyon ko, dahil talaga ‘to sa mga anak ko,” pahayag ni Sunshine sa live interview sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz kahapon, September 22.

Kahit naghiwalay na sila, madalas pa ring sabihin ni Sunshine na wala siyang masasabi kay Cesar bilang isang ama.

Kung si Cesar naman kaya ang tanungin kung anong klaseng ina si Sunshine, ano kaya ang maaaring sabihin ng aktor?

Sagot ng aktres, “Hindi ko alam, e, kung ano ang puwede niyang sabihin sa akin.”

Pero anong klaseng ina ba siya?

“I would give up my life for my children.

"Katulad ng sinabi rin ni Angelina [her eldest daughter] sa akin. And, hindi ko talaga alam na ganoon kalalim, for eleven-year-old girl na she would give up her life for me.

"At hahanapin niya, kapag may sakit ako, hahanapin niya ang gamot na makaka-cure sa akin, grabe.”

QUESTIONING GOD. Maituturing na masuwerte rin si Sunshine ngayon sa pagbabalik-showbiz niya.

Hindi pa man nagtatapos ang teleserye niyang Dugong Buhay sa ABS-CBN, mayroon na agad itong kasunod na panibagong teleserye—ang Galema.

Sabi ni Sunshine tungkol dito, “Wala nga akong masabi, kasi sa totoo lang, for thirteen years, hindi mo maiaalis sa akin yung, sometimes, I questioned God.

"Kasi, feeling ko, ginawa ko naman para lahat sa family. I tried everything to make it work.

“Minsan, sinasabi ko sa Diyos, ’Bakit ganun? Naging mabuti naman akong anak. Naging mabuti akong asawa at magulang. Why is this happening to me?’

"Pero ngayon, alam ko na ang answer. Mayroon palang inilaan ang Panginoon na maganda for me and my children."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matagal naman bago nakasagot si Sunshine nang sabihin ni Boy, na kung nakwestiyon niya ang Diyos, ibig sabihin lang ay hindi maganda ang kinalalagyan niya.

Ayon kay Sunshine, “Kasi hindi ko naman masasabi na wala kaming good times ng aking ex. Marami rin.

"Pero, mas marami yung kalungkutan.

“Pero, of course, you try to conceal it for your children.

"And, every day, I asked for miracles. Baka naman magbago.

"Mahal na mahal ko naman. Ginagawa ko naman lahat.

“And then, I got my miracle. It was me who changed.

“Kasi, first boyfriend [si Cesar], so nandoon yung feeling mo na mamamatay ka o hindi mo kakayanin kapag nawala itong tao na ito sa ‘yo.

"At ’eto nga, dumating yung milagro, kaya ko naman pala.”

A BEAUTY CONTEST. Sa Galema ay ginagampanan ni Sunshine ang papel ng madrasta nina Andi Eigenmann at Meg Imperial.

Magkaribal din sila rito, para sa pagmamahal ni Carlos Morales, ng pinsan niyang si Sheryl Cruz, na gumaganap na kapatid niya.

Paano niya inatake ang role?

Sabi ni Sunshine, “Kung ano lang ang hinihingi ng script, binabasa ko at pinapasok ko ang lugar ko sa karakter ni Isabel Castillo.

"So, napakagaling din naman ni Ate Sheryl kaya nadadala ako sa mga eksena."

Sa tunay na buhay ba ay nakipag-agawan na rin siya sa pagmamahal ng isang lalaki?

“Maraming beses!” natatawang sabi ng aktres.

Gaano kahirap ang laban na yun?

“Mahirap, kasi parang every day, beauty contest for you!” tawa pa rin ni Sunshine.

Ano ang ibig niyang sabihin sa "every day, beauty contest"?

“Parang, kailangan, kahit nasa bahay ka, kahit wala kang trabaho, you always have to look good and be sexy.

"Kasi, marami kang kakumpitensiya. Maraming mga gustong umagaw, na mas bata at mas sexy, sa asawa mo."


Dagdag pa ni Sunshine, “Everybody knows that I gave our relationship a lot of chances.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ilang beses na akong humiwalay, nagpaamo, bumalik, humiwalay na naman, nag-amo, bumalik...

"So, parang I know in my heart and in my mind that I did everything to make it work.

“Pero talagang thirteen years na, e.

“Kailan ko pa pagdedesisyunan na siguro it’s time to love myself more? Kung kailan singkuwenta anyos na ako?"

Ngayon ay 36 years old na si Sunshine.

"So, thirteen years is enough.

"Kasi yung mga bata na ang naapektuhan at sila na yung nagsasabi sa akin na may problema.

“Kaya yung lahat ng ginagawa ko at ginawa ko, para sa mga anak ko.

"Ayoko nang pagdating ng panahon, kapag malalaki na sila, iisipin nila na yung ginagawa sa amin ay normal lang at kailangan din nilang ma-experience yun.

“Ayoko, ako na lang sana ang masaktan, huwag lang sila.”

Sinasabi talaga ng mga anak nila sa kanya ang kanilang saloobin?

“Yes,” sagot ni Sunshine.

"THIS IS IT." Si Sunshine na ang may sabi na ilang beses na siyang nakipaghiwalay at bumalik din.

Pero sa pagkakataong ito, sinasabi niyang wala nang balikan.

Ano ang insidenteng nagpasabi sa kanyang ’This is it?’

Lahad ni Sunshine: “We were having lunch one day, and my eight-year-old [daughter] told me na kausapin ko raw ang tatay nila kasi meron silang nakita sa phone.

"So, to cut the story short, I’ve tried reaching out kay Buboy [palayaw ni Cesar] for four days.

“Sabi ko, ’Please, give me at least five minutes of your time to talk about this because it’s already affecting our children.’

"But, unfortunately, very busy siya that time with the movie. Hindi siya nakauwi for four days.

“I’ve prayed, and that was the time that I decided maybe it’s time for me to move on.

"Kasi, mahirap kapag mga anak na.

"Kung kunwari, ako lang ang nakaalam, siguro puwede kong palagpasin na naman, magpaamo na naman tayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kapag yung mga bata na ang apektado at nagsasabi na ’Mom, kausapin mo si Dad. Merong nangyayari...’

"E, eight-year-old, so yun na yun.”

WHERE DID THEY GO WRONG? Saan nagkamali si Cesar, saan siya nagkulang?

Sagot ni Sunshine, “Siguro, meron talagang mga tao... Lahat naman ng mga tao, may weakness. Siguro, may kahinaan ang aking asawa.

"Ako, hindi ko alam, e. Kasi, ginawa kong lahat.

"Nag-aral akong magluto. Hindi ako marunong magluto kahit itlog before, e. Naging chef pa ako for him.

“Natuto akong maglinis ng bahay. Mag-alaga ng mga bata.

"I stayed home the whole time just to take care of him and the kids.

"Nandoon yung dati na pumapasok sa isip ko, baka nga may pagkukulang. Baka nga may kulang pa ako.

“So, gawa ako nang gawa ng paraan."

DIGGING THE PAST. Tinanong ba ni Sunshine si Cesar kung saan siya mahina o nagkukulang para mapatibay ang pagsasama nila?

“Siguro, merong mga tao na hindi makalimot sa past ng ibang tao.

"And he would always tell me na dati kasi akong bold star,” pagsisiwalat ng aktres.

Pagkatapos nito ay hindi na napigilan ni Sunshine na maging emosyunal.

Kapag sinasabi ni Cesar iyon, ano ang nararamdaman niya?

“Masakit, kasi kahit naman naging ganoon ako, first boyfriend ko yun, e. So... saka thirteen years na.

"Kapag nag-aaway, ikaw ang may ginagawa, tanggapin mo. Huwag mong ibalik ang past. Pelikula yun, e.

"So, yun yung masakit sa akin. Palagi mong ibinabalik, trabaho.”

May panahong pinagsisihan niya na naging bold star siya?

“Dahil sa hirap, dahil sa mga naririnig ko, yeah.

"Sometimes, ’Why did I do this? I was so stupid.’

"Pero nangyari na ‘yan, e. Hindi naman ako puwedeng mag-mourn forever because of what I did before.”

BOYFRIEND RUMOR. Sinagot na rin ni Sunshine ang isyung may bagong boyfriend diumano siya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No," tanggi niya.

"Kaya nga nakakatawa at nakakagulat noong nag-post siya [Cesar] sa Instagram, announcing that I have a boyfriend.

"And then, after that, he deleted it and now I think he’s denying it, na siya yun.

“Sabi niya, Instagram daw ng mga anak namin yun—that’s not true.”

Gaano kaapektado ang mga anak nila?

Sabi ni Sunshine, “Kasi ako, diretso ako sa mga anak ko. Kinakausap ko sila na parang kasing-edad ko lang.

"And sila pa nga yung nagsasabi sa akin na, ’Mom, you deserve to be happy. Sooner or later, you’re going to meet someone and I hope that someone will really love and respect you because you deserve it.’"

Ano na ang susunod para sa kanya?

“Sa ngayon, sobra-sobra ang blessing na dumarating sa akin na projects from ABS-CBN.

"Wala akong karapatang mag-mourn o magreklamo.

"Bakit ako malulungkot? Ang daming blessing na dumarating sa akin ngayon at sa mga anak ko.

“So, ang priority ko right now is to work at makaipon ng pera, kasi nagre-rent lang kami ngayon ng bahay ng mga bata.

"Gusto ko silang mabigyan ng maayos na bahay.”

Bakit ang tapang-tapang niya?

Sagot ni Sunshine, “Dahil nagdarasal ako araw-araw.

"Dahil alam ko na nandiyan ang Diyos para sa akin at mga anak ko.

"Dahil alam ko na wala akong inaapakang tao.”

Sa buhay, trabaho, at pinagdadaanan niya ngayon, ano ang leksiyon na hindi niya makakalimutan?

“Hinding-hindi ko pagsisihan na nagmahal ako nang sobra-sobra. That I gave up everything for the man I love.

"Wala, kung anuman ang dumating sa akin, nagpapasalamat ako.

“Because it made me a better person, a stronger person.

"At ang hindi ko talaga pagsisihan sa pagsasama namin ng asawa ko, nagkaroon ako ng tatlong magaganda at mababait na anak.”

Hanggang ngayon ba ay patuloy pa ring nagtatanong ang mga anak nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Not anymore," sagot ni Sunshine.

"Klaro na sa kanila, dahil sinabi ko naman sa kanila na ’Alam ninyong ginawa ko ang lahat para magsama kami ng dad n’yo forever. Pero talagang may mga bagay na hindi puwedeng ipilit.’

"Kasi, hindi rason yung may tatlo kayong anak, dapat magsama kayo.

“No, that would be unfair for me and for my husband and for my children.”

Ayon pa kay Sunshine, napag-uusapan na ang mga legal na paraan para tuluyan na silang magkahiwalay ni Cesar.

Pero hindi pa lang daw nila puwedeng pag-usapan ang tungkol dito sa publiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN