Erich Gonzales on relationship with non-showbiz boyfriend: "More than two years na po kami and going strong."

Muling nilinaw ni Erich Gonzales na hindi pa sila engaged ng kanyang non-showbiz boyfriend. Sabi niya, "Yung ring, palagi kong sinasabi na hindi po yun engagement ring. Birthday gift po yun. Dapat kapag engagement ring, alam n’yo yun, dapat mas bongga!”


Pamilya, career, at business ang umuubos ngayon ng oras ng Kapamilya young actress na si Erich Gonzales.

Kaya tanong tuloy ni Charlene Gonzalez-Muhlach kay Erich sa The Buzz kahapon, September 22, kung nasaan ang lovelife sa kanyang prayoridad ngayon sa buhay.

“Steady lang po!” natatawang sagot ng young actress.

Paano ba magmahal ang isang Erich Gonzales?

“Kagaya rin po siguro ng ibang taong in love. Siyempre, kung anuman ang kaya mong ibigay, ibigay.

"Pero, siyempre, huwag mong kakalimutang magtira para sa sarili mo.

"Ako, hindi naman po umiikot ang mundo ko sa kanya lang.

“Kumbaga, may kanya-kanya kaming mundo at naggu-grow naman kami together.”

Ang tinutukoy ni Erich ay ang kanyang non-showbiz boyfriend.

Paano niya nalalamang in love siya?

“Hindi n’yo po made-describe yun—you just feel it,” sagot niya.

Yun ba ang nararamdaman niya sa kanyang non-showbiz boyfriend?

“Opo,” nakangiting sabi ni Erich.

FRIENDS TO LOVERS. Nagsimula raw silang magkaibigan ng kanyang boyfriend, at dati raw ay ayaw ni Erich dito. Paano sila na-develop?

“Na-develop, nagpa-picture po kasi kami,” biro ng dalaga.

“Actually, hindi ko alam.

"Gaya nga po ng sabi ko, dati, ayaw ko sa kanya. Sinabi ko naman yun sa kanya.

"Ang yabang ng dating. Parang branded, ganyan. Sports car...

"Ang yabang-yabang, akala mo kung sino.

"Tapos, yun, padala ng pagkain. Akala niya siguro madadala niya ako sa foods.

“Kulang yun, hindi lang yun!” natatawang sabi niya.

“Tapos, isang araw, nagising ako na, ’A, okay pala ‘to!

"Pero matagal kaming magkaibigan.”

THE ONE. Ano ang nakita ni Erich sa kanyang boyfriend at nasabi niyang gusto na niya ito at gustong bigyan ng chance?

“Alam n’yo po na takot talaga ako na pumasok sa isang relasyon.

"Pero, sabi niya sa akin na parang yung relationship, puwede mo ‘yan i-compare sa isang ship. Masusubukan mo yun kung may storm, may malalaking wave. Hindi lang smooth-sailing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“How would you know kung hindi mo ita-try? Hindi naman lahat ng lalaki e, sasaktan ka o ganun.

"So, try lang.”

Noong naging official na ang relasyon nila, anong nangyari?

“Before that po, parang nagkaroon kami... hindi naman LQ [lovers’ quarrel]. Pero sabi ko, ’Sige, last text ko na ‘to. Hindi na kita guguluhin.’

"Sabi ko... I prayed. Sabi ko, ’Lord, kung siya talaga at malinis ang intention niya, babalik siya.’

"Then, bumalik siya.

“Tapos, humingi na ako ng sign. Umulan, yun nga.

"Kasi maganda ang weather that day, so malabong uulan siya.

"Baka nga hindi siya, wala ‘yan. Tapos, yun po, umulan.”

Ano ang mayroon sa relasyon nila ng kanyang boyfriend para masabi niyang espesyal ito?

“Special, because kami po ngayon... he’s a very private person.

"When I say private, kasi meron pong mga non-showbiz na gusto ng showbiz exposure. Pero siya po, hindi siya ganun.

"And I’m very thankful kasi very supportive siya sa lahat ng ginagawa ko, and he knows na priority ko talaga ang work ko.”

Masasabi na ba niyang "the one" na ang boyfriend niya para sa kanya?

“Yes, yes,” nakangiting pag-amin niya.

“Dahil, siyempre, di ba, sino ba naman ang may gusto na iba-iba ang magiging boyfriend mo o magiging kasama mo? So, I’m praying po.”

Kailan niya nalaman?

“Siyempre, when I said yes to him. Hindi mo naman po malalaman.

"Pero ngayon, more than two years na po kami, and going strong.”

ENGAGEMENT RUMOR. May balitang engaged na raw si Erich. Na nag-propose na raw ang boyfriend niya at malapit na silang ikasal.

Totoo ba ito?

“Like what I said, sana, sana, di ba po?

"Pero yun nga, yung ring, palagi kong sinasabi na hindi po yun engagement ring. Birthday gift po yun.

"Dapat kapag engagement ring, alam n’yo yun, dapat mas bongga!” natatawang biro pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong September 20 nagdiwang ng kanyang 23rd birthday si Erich. Ano ang birthday wish niya?

Sagot niya, “Wala na po akong mahihiling pa.

"Nagpapasalamat na lang ako sa mga blessing. At nagpapasalamat din po ako dahil meron akong contentment sa buhay ko.

“Hindi naman po ako naghahangad nang sobra-sobra. Sapat lang, sakto lang.

"Kung anong meron po ako ngayon, sobrang masaya po ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN